© 2012 vlad. All rights reserved.
1. Apat na beses akong umiyak ngayong linggo. 2. Wala akong hinihingi/ibinibigay maliban sa kung ano ang napag-usapan: may ibibigay next week, hihintayin ko ang next week; gustong magpakonsulta sa isang fortune reader, ibibigay ang contact number ng kaibigang nagbabasa … Continue reading →
© 2012 vlad. All rights reserved.
(isa itong piyesa ng pagsasaling naisagawa halos isang taon na ang nakaraan. iba’t iba ang pinagmumulan at pinag-aalayan nitong kahangalan, pero ganoon naman yata talaga ang pagsusulat. laging mahina ang nauunang magsalita, laging unang nasusugatan, pero gaya rin ng naisulat … Continue reading →
© 2012 vlad. All rights reserved.
May inalok sa aking proyekto nitong nakaraang linggo. Malayo pa siya sa pagiging totoo, pero sobrang nakaramdam ako ng excitement sa mga posibilidad. Nasabi ko sa isang kaibigan, mas naexcite pa ako kesa sa plano nang pagkuha ng doktorado o … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Mga larawang gusto kong itawid hanggang sa pagpasok ng (mga) bagong taon. Salamat sa inyo. *nakuha ko ang pamagat mula sa FB page ng kaibigang si Jayson Fajarda, nakakasusyal na pamagat kaya ni-research sa net kung saan galing … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Kapag sinusuwerte, kapag pumapabor ang panahon at sitwasyon, nagkakaroon ng mga bagong kaibigan sa videokehan. Mga bagong nahihingahan pag gustong bumirit ng “Pare ko, meron akong problema.” Mga karamay sa pagbuno ng Total Eclipse of the Heart. Ibibirit … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Hindi chummy ang tulog sa akin nitong mga nakaraang araw/linggo/buwan. Parang nagko-contest kami ng dilim, kung sino ang unang bibigay hanggang sa pagsilip ng liwanag sa umaga. Palagi akong nananalo. Hindi rin chummy ang katihimikan sa akin. Palaging lumilipad ang … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kung sa anong anyo, kung sa anong salita, pangungusap, talata dapat magmarka ng umpisa. Talata ba, o taludtod? Hindi ako sigurado. Kawalan ng ideya, pagiging hilaw ng ideya, o takot sa kung saan … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Dumarating ang panahon na nagiging mas malay tayo sa konsepto ng kamatayan. Ito ang mga oras na ang konsepto ay hindi na lang konsepto kundi reyalidad, isang reyalisasyon na ang kamatayan ay totoo, at dumarating siya madalas sa mga oras … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Naaalala ko ang kaibigang si Om sa mga ganitong oras. Itong mga oras na naghahabol ako ng mga deadline at bumubuntung-hininga ng “pag natapos ko ang lahat ng ito, pupunta ako sa _____________________________.” At syempre, gaya ng madalas na nangyayari … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Napadaan kami saglit sa UP Los Banos at sa loob ng maiksing oras ay naranasan ko ang isang anti-budget cut rally, silip sa large class setup, maraming chika time, pahabol na kamustahan.
© 2011 vlad. All rights reserved.
Kakatapos lang ng Taboan Writers Festival 2011. May ilang kuwento at litrato, pero nagpapahinga pa. Ibabahagi ko na lang ang ilang larawan ng pagiging stranded namin sa ilalim ng ulan sa Davao. ang biro namin ay marami kasi kaming dinadaot … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Mayamaya lang ay dadalhin na namin ang tito ko sa kanyang huling hantungan. Namatay siya nitong nakaraang Linggo, kumplikasyon ng diabetes at sakit sa puso’t bato. Ilang araw bago siya inatake, kinailangan siyang putulan ng dalawang daliri sa kaliwang paa, … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Iniisip kong minsan, parusa rin ang masyadong matandain. Minsan, mas okey ang nakakalimot. Walang bagahe ng mga inaabangang panata, walang bigat ng mga pangakong napako. Pero masakit man, sa ngayon ay pinipili ko pa rin na makaalala, pinipili ko pa … Continue reading →
© 2011 vlad. All rights reserved.
Ilang Tala tungkol sa Rizal X 1. Laro ang isa sa mga malakas na imahen ng produksyon. Magsisimula ang palabas sa pagtatagpo sa palaruan, bawat isang artista’y may bakas ng ngiti at excitement sa mukha. … Continue reading →