Kitakits

Mayroon akong isang skill: palagi akong nauuna ng dating.  Kahit sa mga okasyong pinipilit kong magpaka-late, laging may mas nahuhuli pa rin.

Nitong January 19 ay dumaan ako sa exhibit ni Ryan Villamael.  Nagpahuli na ako ng dating, 6:30 imbes na 6:00.  Hindi pa rin kami nag-abot.  Kung ano naman kasi ang ikinaaga ko ng dating ay singbilis ko rin namang umalis.  Pero gaya ng ginagawa ko sa ibang okasyon, kumuha ako ng mga litrato, pang-ebidensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.