Balik-tanaw

Nitong nakaraang Lunes ay naging bisita namin si Ginoong Bonifacio Ilagan.  Sa aming radio show na Kalampagan sa Lunes, binalikan niya ang simula ng kanyang buhay aktibistang namarkahan ng mga gawain at pangyayari noong Enero hanggang Pebrero 1970.

Nakakatuwa ang pagbabahagi ni G. Ilagan, paano’y nabibigyan ng katangian ng pagiging tao ang mga karanasan at kuwentong aktibismo noon.  Gaya ng marami sa kakilala, nagsimula ang kanyang pakikisangkot sa simpleng kuryosidad, napadaan sa mga diskusyon, napasama sa isang rali at nagkataong nasaktan ng pulis na nangdi-disperse (ang biro nga niya’y “personal” ang simula ng kanyang pakikibaka).    Naibahagi niyang kaya Enero nagsimula ang mga pagkilos ay dahil sa gaya ng karaniwang estudyante at mamamayan, nadamay sa Holiday spirit ang karamihan at nag-Christmas Break muna, kahit pa may bayolenteng dispersal nang naganap noong Disyembre.  Hindi rin biglaang marami ang napapasama sa mga rally noon, sa tulong lang ng agresibong pangangampanya mula sa mga lider-estudyanteng matalas at mahusay sa loob at labas ng classroom (mga “laude” standig at university scholar pa raw ang nagpapa-lecture noon), unti-unting naparami ang mga kalahok na estudyante, hanggang sa napalawak ang network sa labas ng UP, papunta sa iba pang mga sektor.  Nakakatuwa rin na ikinuwento ni Sir Boni ang pagtutulungan ng mga gurong malay sa mga sitwasyong panlipunan kaya nagagawan ng paraang maisama sa mga leksyon ang mga nangyayari noong panahong iyon.

Nasa ibaba ang link sa videos na nakunan ni Prop. Mykel Andrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.