Taboan 2011 Outtakes

Marami-rami ring nakuhaan sa Taboan 2011.  Bukod sa ka-writer-an ay bonding kasama ng mga makulit na kaibigan ang nangyari.  kaunting kain-kain at pasyal.

May cultural night, kung saan nagyayang magsayaw ang ilang mga estudyante mula sa Davao.

Masuwerte rin at nakatsamba sa mga pagkaing gawa sa durian.  Di masyadong benta sa akin ang lasa, pero libre yan, at may libre pang kuwentuhan.

Hindi kami masyadong nakapasyal dahil sa schedule, pero nayaya sa Jack’s Ridge noong huling gabi.  Maulan at walang mapatungan ang camera, kaya eto na ang best shot ng city na kinaya ng aking kapangyarihan:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.