So Many Pictures, So Little Time

Andami kong gustong i-update sa site.  Medyo natutuwa kasi ako masyado sa driving-driving kaya kung saan-saan napupunta.  Dahil bitbit madalas ang camera, maraming nahuhuling adventures.  Mas mabilis ang pagtambak kesa pagproseso ng mga litrato kaya ayun, naiipon.

Napansin ko, nadaragdagan ang tuwa ko sa pagkuha ng litrato.  Minsan nga’y nakaka-guilty na, gaya ng nasabi na noon, kasi parang naisasantabi ang ibang mga bagay.  Ngayon nga lang uli ako ginagahang magsulat kasabay ng paglilitrato.  At sa maraming pagkakataon, anuman ang pagod na dala ng nakaraang araw, parang laging nababawasan kapag nire-review ko na ang photo-documentation ng aking mga adventure.  Mas dagdag na tuwa siyempre kapag na-upload at nagustuhan ng mga tao ang kinuhang litrato.

Itong ilang mga larawan ay ilan lang sa tambak na pictures noong nakaraang Disyembre.  Isa ito sa mga pagkakataong tinangay ko sa malayu-layong lugar ang sasakyang si Hyundai Badidai–kotse ng mga nawawalang bata at mga ma-showbiz na tao–para sumama sa isang rally.  Budget Cut ang issue, at bali-baligtarin man ang mundo, anuman ang kasalukuyang estado ng pulitika ko, masaya ako’t naging bahagi ako ng demonstrasyong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.