2

Lumipas ang isang taon nang hindi ko naaayos ang lahat ng litrato ni Lia, anak ng mga kaibigang sina John at Elyrah.  Heto’t umabot na sa ikalawang birthday ang chikiting, at hanggang ngayon ay hindi ko pa naibibigay ang lahat ng mga litrato mula sa unang selebrasyon niya.

Sa unang taon, Jollibee Katips kami.  Nitong ikalawa, sa McDo Quezon Avenue.  Paiba-iba ang venue, pero may mga mukhang pare-parehong makikita.  Katuwa ang ganitong moments, mga sandali ng paglaki, mga bakas ng pagtanda’t pag-usad.  At masaya ang simpleng pakiramdam ng tagumpay, na naging bahagi ka ng pagdiriwang, na nakarating ka’t nakatambay kasama ng mga kaibigan.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.