Breast is Best

Tumitingin ako ng mga litrato nitong nakaraang taon, balak sana kasing gumawa ng tipong “a year in pictures” mode.  Kaya naman nakita ko uli itong mga larawan na nakuha noong Mayo.  Si Rachel na noon ay nalaglagan ng ipinagbubuntis ng tuta, at ang pusang walang pangalan, buma-bonding, gumagatas sa katanghalian.

Totoo ngang minsan ay mas nakakatuwa/nakakabigla ang tunay na buhay.  At masuwerte’t paminsan-minsan ay napagbibigyan ng pagkakataon na mahuli ito sa memorya ng digital camera.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.