Sing (or, V’s Infinite Playlist)

Hindi chummy ang tulog sa akin nitong mga nakaraang araw/linggo/buwan.  Parang nagko-contest kami ng dilim, kung sino ang unang bibigay hanggang sa pagsilip ng liwanag sa umaga.  Palagi akong nananalo.

Hindi rin chummy ang katihimikan sa akin.   Palaging lumilipad ang isip, naglilikot, nag-iingay.  Dinadala ako sa lugar na kaunti lang ang hinahayaang pumunta.

 

Sa lugar na ito, maraming kulang, maraming inaabangan, may mga iniwan at naiwanan.  Pero palaging may lugar sa mga kaibigan, aksidente mang nakita o intensyunal na hinagilap.

Maingay ang isip, maraming larawan.  Minsan, pinipilit ko silang lunurin ng mga kanta, mga awit ng kabataan, mga himig ng pag-ibig, mga lumang tugtugin.  Sa isip, anumang ingay, palaging may lugar para sa pagbirit.

 

 

 

Baka ganoong ang normal/karaniwang reaksyon sa katahimikan–paglikha ng sariling ingay sa loob.  Minsan ay may lohika, madalas sintunado.  Sa MTV sa aking isip, halo-halo ang mga larawan-tugtog ng mga kuwentong-totoo at mga kuwentong-imbento.

Sa videoke bar ng aking isip, tinatanong ko ang sarili, “tell me what I want, what I really, really want.”

 

Minsan iniisip ko ang mga lugar na hindi ko kayang puntahan.  Minsan nakikikanta ako tungkol sa mga concrete jungle kahit hindi ko naiintidihan.

 

2:49 na ng umaga sa relo ng computer.  Umiikot-ikot sa kung saan-saan maliban sa aktuwal na punto.  Baka kailangang makinig nang makinig sa isa pang kanta sa playlist ng aking malikot na isip: “I don’t wanna take advice from fools, I just figured everything is cool until I hear it from you.”

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.