Ganti ng Kusinera

Dahil tumitingin-tingin ako ng mga lumang larawan mula sa Rizal X, naalala ko ang isang vignette na naisulat ko para sa produksyon.  bilang koleksyon/kolaborasyon ang tuhog ng palabas, marami sa mga proposed na bahagi ay hindi nakasama sa final na lineup ng pagtatanghal.  Naging challenge din kasi para sa produksyon ang balansehin ang ambag ng maraming mga artista nang hindi nagiging sobra sa maraming aspekto ang palabas.  Hanggang sa staged version nga ng Rizal X ay nakarinig pa rin ako ng kritisismo mula sa mga kaibigan, na ayun nga, may pagkasobra na sa ilang bahagi ang aming produksyon.  Maraming konsiderasyon ang isinagawa para maisaentablado ang pinal na produkto.

Ang ikinabibilib ko hanggang sa ngayon, kahit pa hindi nakaabot sa pagsasaentablado itong partikular na naisulat ko, ay kung paano napahaba ng aming direktor ang isang napakaikling triolet sa isang halos tatlong minutong production number.  Ito’y isang misteryong hindi na natin malalaman ang kasagutan.

***

Ganti ng Kusinera

 

Inspirasyon sa piyesa ang kabanata ng Hapunan sa Noli Me Tangere, kung saan habang nabigyan si Ibarra ng malaking parte ng manok kasama ang mga masarap na lamang-loob, si Padre Damaso naman ay nabigyan ng matigas na leeg at maraming upo.

 

***

 

Isang hapunan ang eksena, bisita ang mga mockup ng ilang popular na figure sa bansa; pangulo, militar, parokya, at iba pa.  Nasa background ang kusinera na naghahanda ng hapunan.  Makikita ng audience na naglalagay ng kung anu-anong dumi ang kusinera sa pagkaing ihahain at ninanamnam ng bisita—dinuduraan, tinataehan, nilalagyan ng gamit na napkin, kung anuman ang pwedeng nakakadiring bagay na paglapat sa hapag ng mga bisita’y sarap na sarap naman sila.  Mukhang takaww na takaw at nag-aagawan pa ang mga bisitang kumakain sa lamesa, parang baboy na nagmamalinis.

 

 

Sa kusina nag-uumpisa ang gera

laban sa kanilang halimaw ang gutom.–

cabeza, mestiso, heneral, parokya.

Sa kusina nag-uumpisa ang gera,

ganti ko ‘y sarap sa kanilang panlasa

habang iniinin itong rebolusyon.

Sa kusina nag-uumpisa ang gera

laban sa kanilang halimaw ang gutom.

 

One thought on “Ganti ng Kusinera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento *