Kay Nick

Ilapat sa iyong recordable CD
saka ipahalik sa iyong felt-tip pen
ang lahat ng puwang, ang di mo masabi,
ang na-mute na soundtrack ng iyong damdamin.
Ang tanging request, huwag nang mag-earplugs
kapag pinatugtog, themesong ng hinagpis
man yan; mag-volume up, speakers ay i-full blast,
di man siguradong nariyan ang ibig
paringgan. Malay mo, e di naman pala
siya nakikinig, at ang tamang “the one”
ng iyong koleksyon ng awit-pagsinta’y
nasa malapit lang pala, sumasayaw
sa pintig ng tugtog na iyong tinuhog,
di pa namalayang siya’y nahuhulog.

 

***

Unang naisulat sa Multiply Blog, hango sa character ni Nick sa Nick and Norah’s Infinite Playlist

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.