Ang 2013 Ko

Yung mga may “Post by Vladimeir B. Gonzales” ay links sa FB videos na ayaw magpa-embed.  Susubukan kong remedyuhan ASAP.

ENERO

Bumiyahe ako pa-Sagada pagkapasok na pagkapasok ng 2013.  Mag-isang sumakay sa bus pa-Baguio at doon naghintay ng bus ng Lizardo.  Kinita ko ang kaibigang si Rica na naghihintay doon.  Sabi ng mga kaibigan, mukhang soul-searching daw na dulot ng lungkot, pero ang nasa isip ko naman noon, pag hindi ako bumiyahe sa mga oras na iyon ay hindi na mauulit ang pagkakataong makatambay sa lugar na ilang beses ko nang sinabing gusto kong balikan pero hindi ko naman ginagawan ng paraan para mabalikan.  Isang tulak din sa sarili na maging mas aktibo sa pagpasok ng bagong taon, dahil kahit maraming nangyari noong 2012 ay naisip kong naging taganood lang ako sa daloy ng mga pangyayari, nagpatangay sa agos ng oras kahit marami namang pwedeng pagkaabalahan.

Ipinasyal ako ni Rica hindi lang sa Sagada, kundi sa bahay nila sa Besao.  Bumaba rin kami sa Banaue.  Hindi ko pinagsisisihan ang pag-akyat doon.

2013 (1)

2013 (2)

2013 (3)

Noong Enero din kami nagsimulang magpulong kasama ng mga kaibigan para sa adaptasyon ng 1984 ni Orwell.  Kinausap ako ng isa sa mga kaibigang ito noong Disyembre para gumawa ng adaptasyong pang-entablado mula sa orihinal na nobela.  Masaya at excited ako dahil mga kaibigang hinahangaan ang magiging katrabaho.

2013 (4)

Naudlot nang naudlot ang produksyon hanggang sa natapos ang taon nang hindi ito naipapalabas.  Leksyon para sa akin sa pagpasok ng bagong taon, kahit kaibigan ang makakasama sa proyekto ay maghanda ng kontrata para na rin maproteksyunan ang sarili at mapanatili rin ang maayos na relasyon anuman ang kalabasan ng proyekto.  Dahil natutuhan kong kahit mga kaibigang masayang katambay at kakuwentuhan ay hindi nangangahulugang magiging maayos na katrabahong igagalang ang oras at pagsisikap ko.

PEBRERO

2013 (8)

Kahit mukha akong nagrereklamo sa pagiging tagapanood ko ay marami akong nae-enjoy na panahon sa ganitong papel, lalo’t kapag nadidiskubre na ang mga dating estudyante o mga katambay lang sa tabi-tabi ay pagkahusay-husay palang mga artista.  Ganoon ang reaksyon ko noong napanood ko si Ronah sa Labaw Donggon.

At syempre, si Teetin sa Collection:

2013 (9)

Nabigyan din ako ng pagkakataong magsulat para sa programang pambukas ng Arts Month sa UP Diliman, ang BONGGA.  Nakatrabaho ko si Peter Alcedo na nakatrabaho ko rin sa musical na ginawa ko para sa UP Filipiniana noong 2012.  Masaya rin dahil kasama ang maraming performing group sa loob ng UP Diliman.  Gaya ng UP PEP:

2013 (5)

2013 (6)

2013 (7)

MARSO

Maraming mga pasyal nitong natapos na taon.  Paraan na rin ng mga kasama sa opisina  (at ng iba pang mga kaibigan) ang pasyal para magpagpag ng mga kung anu-anong pasan.  Gaya ng surpresang Chinatown-Luneta trip kasama nina Shawie, Schedar, at Ate Susan ng Filipino Department.  Masaya at busog sa pagkain, pasyal at kuwento.

2013 (10)

2013 (11)

Sa pagbabalik-tanaw, hindi rin maaaring palampasin na sa gitna ng mga sariling biyahe at pagpapakabusog, may mga mas malaking pangyayaring sumabog noong buwang ito.

2013 (12)

 

Kailangang ipaalala sa sariling igiit ang mga isyung makakaapekto sa mga susunod na maninirahan sa unibersidad na mahal na mahal ko.

Syempre, pamilya:

2013 (13)

Napakabait ng nanay kong si Susan.  Matagal ko nang bukambibig na sana’y makabalik kami sa Kamay ni Hesus, na napuntahan namin noong 2009.  Noong nagkaroon ng panahon at pagkakataon, umakyat kami.  Ni hindi man lang kami pinagpawisan sa pag-akyat.  Syempre biro lang iyon.

ABRIL

2013 (14)

Kasabay ng mga pagsingit-singit ng pagpapasyal at pag-spoil sa mga dating estudyanteng naging kaibigan na rin, ito rin ang buwan na muling nakatrabaho ko si Dexter M. Santos, na lagi kong nakakatambal kapag may programa o selebrasyon na idaraos sa Diliman.  Naghanda kami ni Dex ng programa para sa mga estudyanteng magtatapos sa Kolehiyo ng Arte at Literatura.  Tingin ko’y naging masaya ang mga nakadalo sa mga salita at musika na pinagtulung-tulungang naming habiin nina Dex at ni William Elvin Manzano, isang estudyante sa Sining Panteatro at idol ko rin pagdating sa mga ganitong bagay.  Masayang makatrabaho ang mga taong hinahangaan mo.

2013 (15)

 

MAYO

Balik-Sagada ako.  Sa pagkakataong ito’y isinama ko si Tanya, sina Tpen at Ji-ann.  Lagi ko namang sinasabing kapag may lugar akong nagustuhan ay mas natutuwa akong balikan ito kasama ang mga taong mahalaga sa akin.
2013 (16)
2013 (17)
Napagtagumpayan namin ang lampas dalawang oras na pagbagtas sa dikit-dikit na mga kuweba, ang Cave Connection.  Bumangon kami nang maaga kinabuksan at nakaabot sa magandang pagsikat ng araw sa Kiltepan:
2013 (18)2013 (19)
Bago umuwi, namasyal kami saglit sa Baguio (medyo daya ang pasyal na ito dahil sa totoo lang ay naubusan kami ng ticket pabalik, kaya naman naisipang pumasyal na lang).  Unang beses daw nina Ji-ann at Tpen sa Baguio.
2013 (20)
Pagbalik sa Maynila, maraming proyektong binalikan din.  Isa na rito ang dulang PITONG PATIBONG.

Pangalawang produksyon ko ito sa Dulaang Laboratoryo (Nauna ang ELEVATOR ACTION).  Bida rito si Marynor na medyo kilala ko na, at ang bagong kakilalang si Francelle.  Dito ko rin nakatrabao si Ed Lacson.
2013 (21)2013 (22)
Pangalawang beses na niligtas ng teatro ang buhay ko, iyon ang sabi ko sa kanila.
2013 (24)2013 (23)
HUNYO

Habang naghahanda sa susunod na palabas, naging pagkakataon din ito para pagtagpuin ang mga bago-bagong kaibigan at ang mga kaibigang subok na ng panahon.

2013 (25)2013 (26)

Masaya naman silang pare-pareho.

 

 

 

HULYO
Adarna.  Hay, Adarna.

Andami kong gustong sabihin at wala akong masabi nang sabay.  Mabuti may mga larawan.

2013 (28)2013 (31)2013 (32)

Kaya kong sabihing isa ito sa mga hindi inaasahan pero lubos na pinagpapasalamatang mga supresa ng taong ito.  Ang mga nakasama sa dalawang produksyon sa Dulaang Laboratoryo ay nakasama ko dito!  At nakatrabaho ang hinahangaan kong aktor na si JC Santos.  Pero kahit idol na idol ko siya, may espesyal na lugar sa puso ko si Fitz, na palagi akong napapatawa kahit hindi niya sadya:

2013 (27)

Idol ko yan.

2013 (30)

Bukod sa mga masaya at masigasig na mga estudyante, sobrang masaya sa akin na naging daan ang dulang ito para magsama-sama ang mga taong hinahangaan ko sa trabaho at tahanan.  Lahat ng mahal sa buhay, o halos lahat, nakadaan at napangiti ng aming produksyon.  Isa nga sa mga pinagsisisihan ko nitong natapos na taon ay hindi ako naging mas masipag sa pagkuha ng larawan ng mga mahal sa buhay na bumisita para manood ng mga palabas namin.  Sana’y makabawi pa ako ngayong taon.

Tapos na-feature pa kami sa TV, susyal:

 

2013 (29)2013 (33)DSC_6212

Salamat, Adarna.

AGOSTO

2013 (35)

Agosto ang katuparan ng pangarap kong makapasyal sa Vietnam.  Kasama ang halos buong kasapian ng Team Teh C (pangalan ng grupong nakasama kong pumasyal naman sa Sabah Tea Garden sa Kota Kinabalu noong 2011).

2013 (36)2013 (42)

Sana’y hindi magalit sa akin si Tanya dahil sa napakarami pang larawan ng kanyang high fashion poses ang hindi ko nailalagay sa kahit anong album sa FB.

2013 (41)2013 (38)

Happy sina Sha-Det (Sharon at Det) sa pasyal.  Happy naman ako sa mga pagkaing gaya nito:

2013 (39)

Sana’y magkaroon ng pagkakataong bumisita sa Cambodia, sa 2014 o sa kung kailan makakaipon ng panahon at pera.

2013 (40)2013 (37)2013 (43)

At syempre, pagbalik sa Pinas, pasyal-pasyal din kasama ang pamilya.  Unang punta namin sa Skyranch ang nagtuldok sa Agostong ito.

2013 (44)2013 (45)

SETYEMBRE

Unang kanta ng Eheads with live music.  Muling balik sa rally.  Pansamantalang bye-bye sa mga kaibigan.

2013 (46)2013 (47)2013 (48)2013 (51)2013 (49)

At ayun, unang nahuli ng lente ko sa mahiwagang fire exit ang mamang ito:

2013 (50)

Tapos, ayun.  Unang tikim niya ng shake with cheese sa SC.  Wala pang Mango Cheese, Langka Cheese muna.

2013 (52)

OKTUBRE

Naospital si Papa.

2013 (55)2013 (56)

Maraming mga pinanghahawakan ang biglang nawalan ng halaga.  Pero sa tulong ng mga kaibigan, kamag-anak, at ibang mga mahal sa buhay, nakaraos naman.  Pero Diyos ko po, nakakatakot ang pagsubok na ito.

2013 (58)2013 (57)

Pagsubok na naibsan ng mga gulatang reaksyon sa UAAP game na pinapanood sa PGH.  Iyon, at syempre Mer-Nel’s.

2013 (61)

Si Laurence ang naging katuwang sa paglilipat-lipat kay Alejandro, na hindi na naman makapasyal sa paborito niyang SM dahil sa nagpapagaling si Papa.

2013 (54)

Pero sa gitna ng pagpapaospital, nakatulong pa sa proyekto ni Tess Jamias, ang Faust_as:

2013 (59)2013 (60)

At bago matapos ang buwan ay nakalabas naman si Papa.

2013 (62)

NOBYEMBRE

Ang Nobyembre ay panahon ng pagpapagaling ng mga koneksyon at rekoneksyon.  Pagpapakilala rin ng mga nariyan na, at ng mga kararating lang.

2013 (66)2013 (65)2013 (71)

Nakabisita sa mga proyektong nabuo ng mga mahal sa buhay.  Proud ako sa kanila.

2013 (70)2013 (68)2013 (67)

Nakakuha rin ako ng pasalubong:

2013 (69)

Galing kay Ser Siao na kasama ko sa programa namin sa DZUP, ang KALAMPAGAN SA LUNES.  Maraming mga pasalubong at surpresa sa buong taon (gaya ng pasalubong na Gaara noong Hulyo rin mula sa isang kaibigang bawal sabihin ang pangalan kasi magtatampo ang mga hindi nabigyan), pero naisip kong isama ito bilang highlight dahil mga naging tagapag-alaga ko sina Ser Siao at Mam Ginny sa ilang taon na naging co-host ako ng Kalampagan.  Parang instant parents sa big little boy na gaya ko, dahil parang nase-sense nila pag may dinaramdam ako at dinadaan ako sa mga ice cream at cake at kung anu-ano pang mga pampasaya ng loob.  Gusto ko lang sabihing mas gumagaan ang mundo pag may mga ganitong klaseng tao sa paligid.  At masuwerte ako’t sa nakaraang taon ay nabiyayaan ako ng mga ganitong tao.

Pero syempre, ang pinakamasayang eksena sa lahat, ang grand reunion:

2013 (63)

 

 

DISYEMBRE

Nagsimula ang taon sa pagpapaka-agresibo, YOLO mode, seize the day.  At gumana naman sa maraming pagkakataon, marami-raming pasyal at kuwento at engkuwentro ang naranasan dahil sa ganitong prinsipyo.  Pero sa pagtatapos ng taon, lalo noong kahit paano’y nakaramdam na magiging oks na/ oks pa ang tatay ko, naging komportable na ako sa pagbalik sa pagiging taganood muna, sa pag-enjoy sa mga pagbalik sa mga dating kinatutuwaan, sa mga subok nang maaasahan, habang ninanamnam ang mga bagong kaibigan at minamahal.
2013 (72)2013 (73)2013 (74)2013 (75)2013 (76)2013 (78)2013 (77)
DSC_1505

2013 (79)2013 (80)2013 (81)

Naging chubby cheeks, nabawasan ang ehersisyo, naitutok ang panahon sa pagsama sa mga taong pinahahalagahan ko.  Ineenjoy ang mga maliit na saglit, kinukuhaan ng larawan pero mas madalas yata’y pinipiling namnamin na lang sa isip.

2013 (82)

Nakanood kami ng pagtatanghal ng kapatid kong si Yani sa Live A.I.D.S., at proud ako sa kanyang lakas ng loob para sa pagtatanghal, siguro’y kakayanin ko na ngayong taon (sana, sana).  Naging photographer ko si Laurence noong lantern parade, kaya naman may pang-profile pic ang taong mas madalas na tagakuha at tagabigay ng mga litratong pang-DP (salamat, Laurence).  Ipinagdiwang namin ang kaarawan ni Tanya, at sa amin din siya nagdiwang ng Pasko.  Marami-raming naibigay at natanggap na regalo hanggang sa pagtatapos ng taon.

2013 (83)2013 (85)2013 (86)

Pero sa totoo lang, ang pinakamahalagang regalong natanggap ko sa taong ito ay ang pagkakataong makasama pa si Papa ngayong pasko.  Tumitingin ako sa litrato nila ni Mama, at kahit na marami pa ring kaba sa pagpasok ng taon ay nahihimasmasan ako kasi nararamdamang kong may napagtagumpayan kami, at dahil doon ay magiging oks pa ang mga kasunod na taon:

2013 (84)

Paminsan-minsan, iniisip/ hinihiling ko, pinagdarasal ko pa nga, na sana’y magkaroon ako ng maraming-maraming pera, para lang masolusyunan na ang maraming mga bagaheng may kaugnayan sa pera at ang kakulangan nito.  Pero ngayong nabalikan ang mga larawan at kuwento ng nakaraang taon, nahihimasmasan naman kahit paano.  At higit sa mga hiling at panawagan, nangingibabaw ang pasasalamat.  Kasi, ngayong binabalikan, kitang-kitang napakaraming biyaya, na hindi ako pinagkaitan ng kabutihan at pagmamahal.  Hinding-hindi.

2014, kitakits.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.