Apat

1.

Totoo ang minsang sinasabi sa biro, “when it rains, it’s four.”  Mabuti man o masama, minsan pag pumatak, patak na nang patak.  Pero di naman ibig sabihing walang araw na sisikat.  At kung magparamdam, hindi lang silip kundi tirik na tirik.  Masayang kumain at maglakad-lakad, doon sa may IRRI, kasama ng mga palay at bigas.

DSC_5201

Hindi lang bigas ang marami, marami ding isda sa fishpond.  Sabi sa dating kaibigan, marami pang isda, laging marami.  Hindi ko na siya kaibigan, pero pinaniniwalaan ko pa rin ang sinabi ko sa kanya.

DSC_5204

2.

Madalas akong humihingi ng senyales, ng gabay, ng magtuturo ng dapat daanan o dapat maisip at maramdaman.  Pero minsan, ang signs, hindi masyadong mapagbigay.  O, bigay na bigay.

DSC_5218

At kailangang bumalik sa sarili para bumuo ng kahulugang ilalapat sa sarili.  Katulad ng ang liwanag ay hinaharap.  Ang anino, hindi naman kalilimutan, pero tandaang laging nasa likod na lang iyan.

DSC_5210

Pwede naman sigurong bumuo ng magandang imahen mula sa pagtatapat ng ilaw at ang kawalan nito.  Sa pagitan nila, naroon ako.

3.

32, 23, numero lang daw ang edad.  Maraming humahabol sa pagpapakamature.  Maraming tinatrabaho ang ipinagmamalaking pagtanda.  Ako, gusto ko mang isiping marami na naman akong pinagkatandaan, nagpapasalamat ako na may panahon pa para maglibang, mag-enjoy sa mga simpleng bagay.  Hindi naman kailangang itaboy ang paglalaro, basta hindi kasama ang kalaro sa pinaglalaruan.

DSC_5284

DSC_5362

4.

Naiisip ko ang isang gamit na gamit nang quote, iyong “Friendship is born at that moment when one man says to another: “What! You too? I thought that no one but myself . . .””

DSC_5321

DSC_5298

At pwede na akong magrelax basta lagi lang tatandaan ang mga panandang totoo sa aking sarili noon-noon pa–pasasalamat sa lahat ng malaki at maliit na kabutihan, pagtupad sa mga pangako, pakikinig sa may gustong sabihin, pagpapahalaga sa mga larawan/ kuwento/ alaala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.