Sa Isang Tiyak na Edad

Ginusto nating ikumpisal ang ating mga pagkakasala pero walang tumatanggap.
Ang mga puting ulap ay tumatangging akuin sila, at ang hangin
Ay masyadong abala sa pagbisita sa dagat at kasunod pang dagat.
Hindi tayo nagtagumpay na pukawin ang mga hayop.
Ang mga aso, dismayado, ay umaasa sa isang utos.
Ang pusa, na lagi namang bastos, ay natutumba sa antok.
Ang taong inakalang malapit na malapit
Ay walang malasakit na makinig sa mga bagay na matagal nang lumipas.
Ang mga kuwentuhan sa kaibigan habang may vodka o kape
Ay di na dapat pahabain lampas sa unang hudyat  ng
pagkabagot.
Magiging kahiya-hiyang magbayad kada oras
Sa taong may diploma, para lang sa pakikinig.
Simbahan.  Siguro’y simbahan.  Pero ikukumpisal doon ang ano?
Na tayo dati’y nakikita ang mga sarili bilang makisig at marangal
Ngunit paglaon sa ating kinalalagyan isang panget na palaka
Ang bahagyang magbubukas ng kanyang mga talukap
At ang isa’y makakakita nang buong linaw: “’Yan ako.”

 

Salin ng “At a Certain Age” ni Czeslaw Milosz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.