Sa bawat SM, may Videoke Queen

 

Sa bawat SM, may Videoke Queen,
doon sa may Tom’s World, kumakanta-kanta.
Sa bawat arcade, may berserker sa Tekken,
sa bawat Food Court, may Muhlach Ensaymada.
Laging isisingit sa playlist ang “The Corrs”
because, you know, they’ve seen this place a thousand times,
habang sa grocery, bagger ay malungkot
dahil inisplitan bago magbalemtayms
ni Hypermarket staff doon sa may Lane Two
(sumama sa dealer ng LED TV).
Sa may arcade naman ay nakaka-round two
na ang pag-“what can I do to make you love me”

It will go on, go on, it will leave them breathless.
Hanggang may pera, laging may happy to serve.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.