31-day Writing Challenge: 1, Awit ng Adarna

Susubukan kong buhayin ang 31-day Writing Challenge na ginawa namin dati ni German Gervacio at ng ilan pang kaibigan noong 2011.  Ang ideya ay magsulat ng kahit na ano sa bawat araw ng Agosto, o kahit anong nakasulat sa Filipino.  Yung una kong naisip na isulat ay medyo downer, kaya sisimulan ko na lang sa isang piyesang medyo happy naman.  Babaguhin ko na rin ang guidelines ng ehersisyo–imbes na bagong akda, pwede na ring akdang naisulat na, basta hindi pa naililimbag sa kahit saan.  Gaya nito, na kahit napanood na ng mga tao sa UP Diliman ay hindi pa naman nailalagay bilang teksto sa mga nauna kong blog (yata ha).

Ang unang awit ng Adarna noong nagpakita ito kay Don Juan:

Kung sakit ng bayan ang sakit ng kaharian
Paano pa kaya ang sakit ng kalingkingan?

At kung pagmamahal ay ginawang palakasan
Ang ibig ay mababato, walang rebultong uuwian.

Sa usapin naman ng tindig at pagpanig,
Kung lakad ay mabuway, madaling matitinik.

Kung nais namang lumipad sa kinabukasan,
Siguruhing di malilimot ang iyong nakaraan.

Pangako’y wag basta-basta bibitawan,
Sa iba’y ginto ang panatang iniiwanan.

At talas ng isip, di dapat maalis,
Ang mapurol na utak ay balon ng panganib.

Pitong ulo ng serpyente’y hindi mauutas
Kung hindi naman batid, ugat ng pahamak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.