Kung Sasakay Ako

2

Kung sasakay ako sa bagong Hyundai I10
(pag aprub sa bangko, sana’y di malasin),
magro-road trip ako, friends ko’y yayayain.
Ang 1.2 engine, aming ibe-break in.

Unang isasakay, bestpren kong si Anya
para pag-usapan ang pag-aasawa
at kung kailan ba darating ang kanya.
Sana di s’ya puyat sa call center job n’ya.

Ine-next ko naman si Francis, malamang.
Baka sa Technohub kami mapadaan,
aakyat ng Timezone, sa may basketbolan.
Kapag nangalay na, sa bidyoke naman.

Pwede rin sigurong isama si Mhia
kahit pekpek shorts lang lagi ang suot n’ya.
Chowking Philcoa lang, iinom ng Nai Cha.
Kaya lang, bumili na pala s’ya ng Honda.

Ganun din ang kaso nina Boy at Joey
na kuma-cash payment doon sa Suzuki.
habang nire-repair, sirang Mitsubishi,
buy ng Celerio, akala mo kendi.

Dadaan din ako sa may Maginhawa,
doon nakatira ang ilang katropa.
Si RJ, Marguerite, si Beck, si Angela,
o—kung busy sila—si Friuli Kuya.

At tutal excited, text ko na rin si Dick
(na lately e parang nagiging heartless prick),
kahit sumasagot lang s’ya ng SMS
pag depressed, may sakit, o kaya’y makiki-Net.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.