Moments with Lola

Nasa baba ang lumang blog post/ lumang book post tungkol sa aking Lola Nene, na namatay nitong Hunyo 29, 2018.  Noong nakaraang linggo, pagkatapos ng libing ni Lola, nagkaroon kami ng maliit na family pasyal kung saan may bahaginan ng mga paboritong kwento tungkol sa kanya.  Hindi ko agad natandaan itong naisulat ko, kaya kaunti lang ang nasabi ko.  Ngayong nahalukay ko ito’t nabasa, naalala ko na naman ang paniniwalang anuman ang taglay kong baluktot na sense of humor, namana ko lang sa mga kapamilya na gaya ni Lola.  At masaya ako para doon.

***

ang tagpo: sa loob ng toyota revo, mula sa isang family reunion. ang mga tauhan: ang nanay ko, bilang tagamaneho; ako, ang kapatid ko, ang tita at tito ko, ang dalawang pinsan ko, ang buntis na asawa ng isang pinsan ko. ang bida: ang lola ko, na pasahero rin.

unang eksena: ang lola ko, nagkukuwento tungkol sa kanyang paghihirap nung siya’y bata pa.

lola: puro trabaho ako nung bata ako. hindi na nga ako natapos ng pag-aaral.

tita: syanga pala nay, ilang taon nga ba kayo ikinasal kay tatay?

lola: kinse, a hindi, dies y sais, a hindi, kinse nga yata…

tita: ang bata-bata pa pala.

tito: (nakapikit, kunwari’y tulog) batang-bata pa lang, nagpapagerpings na!

lola: (tatawa) oo nga, putang ina, lumalandi na!

pangalawang eksena: ako, nagtatanong sa lola ko tungkol sa isang matandang bisita.

ako: la, sino ba yung matandang payat na naka-brown na nakasumbrero?

lola: aba, ewan ko sa punyetang yun. kausap pa nang kausap sa akin.

pinsan1: baka crush kayo.

lola: ewan ko ba sa hinayupak na yun.

pinsan2: tamang-tama, may bago pa man din kayong cellphone.

ako: baka gusto kayong maging textmate, la.

lola: tang-ina niya.

tito: (nakapikit, kunwari’y tulog) baka gusto kayong i-phonesex!

lola: (tatawa) oo nga, baka akala niya may sabaw pa ako, may asim pa.

tito: (nakapikit pa rin) naku, puro langib-langib na ang mahihigop niya sa inyo! (nagkaroon kasi ng kung anong iritasyon sa balat ang lola ko ngayun-ngayon lang).

lola: hindi, magaling na naman yung mga sugat ko e, wala nang langib.

pangatlong eksena: ang tita ko, nag-aalok ng gamot sa lola kong nagkakamot-kamot pa rin.

tita: nay, kamusta naman yung grape seed extract? gumagana ba?

lola: (nagkakamot pa rin) oo naman. may utang pa nga pala ako sa iyo ano? (tatawa)

pinsan2: e bakit kamot pa rin kayo nang kamot?

lola: makati e!

tito: (nakapikit, kunwari’y tulog) nay, manlibre naman kayo kahit big mac lang! pag nanlibre kayo, kahit magkamot kayo nang magkamot sa loob ng sasakyan okey lang!

lola: sige, kaya lang walang tindahan, sayang.

(dadaan na sa katipunan ang sasakyan)

pinsan1: ayun la o! mcdo! saka shakeys! saka jollibee!

tito: (nakapikit, kunwari’y tulog) ayan nay, manlibre na kayo!

lola: hindi na lang ako magkakamot…

***

a, pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ilagay ang tamang sagot sa equation para makapagkomento * Time limit is exhausted. Please reload the CAPTCHA.