fan writing

Ang Casa ni Lorena (at iba pa)

Alam kong may mas mahaba pang sulating nararapat para rito. Pero sa ngayon, ito muna. Isang pag-alala at pagkilala gamit ang kaunting salita, ilang larawan at video. Kinailangan lang magtala pagkat nadaanan sa pagbagtas ng iba’t ibang social media posts ang ilang pabatid na ngayong araw nga pala ang anibersaryo ng pagpaslang at pagmamartir kay Lorena. Sana’y manatiling buhay ang kanyang mga alaala at aral. At sana, pag nalampasan na natin ang mga hamon nitong sakit sa katawan at sakit ng bayan, maitanghal na ang nabiting mga salaysay na ito. Gusto kong isiping ang mga kuwentong napapatda o naaantala’y lagi namang maisasalaysay sa pinakaangkop niyang panahon, mukha mang hindi ganito ang dating sa pakiramdam at sariling pagtatantiya. [...]

Sa Casa Fantastica*

Oo. Ganyan ang batas ng Casa. Kung isang araw man ay sabay tayong magkita doon sa labas, hindi na tayo katulad ng tayo dito sa loob. Mag-aaksaya lang tayo ng oras sa mga sandali ng ating pagkikita. Magpapalipad lang tayo ng mga walang kalaman-lamang salita, tulad ng pagkagusto mo sa mahabang diretsong buhok ng kaklase mong si Piya Constantino o ang hilig niya sa pagkain ng ice cream na gawa sa gatas ng kalabaw. [...]

Once More, with Feeling

At paano magiging maginoo ang halimaw? Iyon naman lagi ang kalakaran dito sa istoryang aking kinalakhan. Ang inaapi, bida pala; ang nag-iisa’t espesyal, magiging dalawa o tatlo o higit pa, basta hindi sugapa ang bida sa kapangyarihan; ang isip-bata, pipiliting tumanda; ang inakalang may pinagkatandaan na, mabibitag sa mga patibong na magmumula sa mga tauhang mahalaga sa kanya. [...]