raket

Mga Ligalig sa Paglikha ng Kaligtasan

Kapag may “binabakla,” may inuusisang kasaysayan at kaayusan, may tangkang lumaya at maging mapagpalaya pero may mga pagkakataong nagiging mapanupil din at nagiging bukas sa pagsupil, kahit inaakalang nakaligtas na. Siguro, sa panahong nakapadali na lamang ikahon ang anumang pagkilos at opinyon sa mga kahon ng “Dilawan” o “DDS” o “komunista,” baka itong binaklang pagtitimbang ang direksyong marapat tahakin. Pagkat posible naman, baka maaaring paunlakan, na ang tugon sa isang macho, war-freak at double-speak na pamunuan ay isang klase ng panitikang umaandar sa mga siklo at proseso ng pagtitimbang, paglilihis, pagpupuna, pagbabagong-bihis, hanggang sa muling pagtitimbang at pagpapatuloy ng proseso. [...]

Pagkukumpuni

Samantala, mayroon kaming mga araw katulad nitong mga huling araw na nagdaan, itong mga araw ng pagdadalawang-isip: babangon at hihiga siya nang walang ngiti o kahit na anong imik na makukuha mula sa kanyang bibig; yayayain namin siya para kumain ng agahan o hapunan, tutugon siya ng isang malamig na “mamaya na” kung sinusuwerte kami’t wasiwas lang ng kamay habang nakasubsob sa mga unan kapag minamalas; lalabas siya ng kuwarto para manigarilyo, o pupuslit ng pagkain habang hindi kami nakatapat sa mesa. [...]

The Great Family Outing

Tungkol ito sa pag-amin ko sa magulang ko na bakla ako. Gusto kong gawing diretsahan ito, ayokong itago sa maraming pagkabulaklak. Pero kailangan kong amining may pag-iwas ako sa ganitong paksa, sa pagkuwento ng sarili’t sariling seksuwalidad. Kailangan kong amining minsan, iniisip kong baka naging mas madali ang lahat kung nakaayon ako sa isang mas karaniwang heteroseksuwal na setup at pamumuhay. [...]