You Want More Fans, I Want More Stage*

Kapag naisalang ka sa ganitong uri ng pampublikong pagtitipon, nagbubukas ang mga puwang ng duda–makakahatak ba ako ng mga taong dadalo, may nagbabasa/magbabasa ba talaga sa mga isinusulat ko, magkakaroon pa ba ng mga pagkakataong katulad nito, sa ibang mga pagkakataon? At naroon ang sabay na lungkot at pagka-guilty, kasi sa loob-loob mo/ko, minsan sumasagi sa isip ang maging hindi lamang manunulat na may gustong sabihin, kundi taong may di-maaming maging sikat o magpasikat. [...]

Kay Princess Arguelles, Kung Bakit Kalilimutan Siya Pagkatapos Basahin Ito*

Hindi mukhang prinsesa si Princess. Mukha siyang professional wrestler, yung lalaki. Matangkad, malaki ang katawan, maiksi ang kulot at naka-gel na buhok. Mukhang matanda para sa isang first-year high school. Si Mark Joseph naman, nasa tipo ng itsura ang pagiging kengkoy sa klase, ang class clown, ang kaklaseng hahayaang madapa o madulas ang sarili o magkunwaring hindi alam ang sagot sa recitation o magmamali-mali ng pagsasalita ng Ingles para mapatawa ang mga kaklase. Hindi sobrang pangit, walang matingkad na kapintasan, may sapat lang na mga katangian para makutusan o maimbentuhan ng mga bagong pangalan paminsan-minsan. [...]

Sa Casa Fantastica*

Oo. Ganyan ang batas ng Casa. Kung isang araw man ay sabay tayong magkita doon sa labas, hindi na tayo katulad ng tayo dito sa loob. Mag-aaksaya lang tayo ng oras sa mga sandali ng ating pagkikita. Magpapalipad lang tayo ng mga walang kalaman-lamang salita, tulad ng pagkagusto mo sa mahabang diretsong buhok ng kaklase mong si Piya Constantino o ang hilig niya sa pagkain ng ice cream na gawa sa gatas ng kalabaw. [...]

Limpak-limpak na Leksyon sa Ulan

Ano nga ba ang makapagpapasaya sa mga taong naghahanap nito? Dati, ang konsepto ko lang ng buhay-kolehiyo ay ang makapasok, makita ang UP Sunken Garden, at aksidenteng maabutan ang Eraserheads na nagja-jamming doon. Wala pang konsepto ng hinaharap, wala pang paki o ayaw pang magkapaki sa kung magiging doktor ba o kung anuman sa kolehiyo. Kaya hayun, sa mga unang buwan ng pagiging Isko, lost na lost na lang. Parang sanggol na pinakawalan sa napakalaking gubat. Minsan, habang nag-aabang ng sasakyan, habang nakatulala, hayun at nagsimulang umulan. Hindi pa rin ako makaalis, paano’y nasa pila na ng dyip, mukha pa akong tanga, dahil walang payong o kapote na dala. [...]