MPs 10: Erasures

Published on: Nov 26 2013 by vbgonzales

Nagsimula na kami sa aming klase sa Malikhaing Pagsulat 10: ang Hiwaga at Hikayat ng Panulat sa Filipino.  Bilang panimulang gawain, ipinakilala ang writing activity na erasures, isang gawaing pasulat na una kong nakita sa kaibigang si Adam David.  Ang ideya ay gagamit ng isang existing text na buburahan ng mga salita upang makabuo ng panibagong teksto.

Halimbawa, ginamit sa klase ang isang news article mula sa Wikipedia:

Ang Bagyong Yolanda (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Haiyan) ay isang malakas na bagyong nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre 2013. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa Wikang Intsik (海燕) ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig,at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao.

Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.

Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo. Sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas.  Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo.  Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan ng bagyo.  Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda, nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Punong Rehiyon sa mga binigyan ng babala.

 

Maaaring burahin ang mga salita upang makabuo ng bagong piyesa, halimbawa:

Ang Bagyong Yolanda ay nanalasa hindi sa Pulo, kung hindi sa paghahanda at mabilis na pagkilos ng PAGASA sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

 

***

Aabangan ko ang mga magagawang erasures ng aking klase sa susunod naming pagkikita.

 

Filed under: MPs 10

Leave a Reply

*

*


3 × four =