Ano ito?

Published on: Nov 13 2011 by vbgonzales

Magandang araw!  Narito ka sa acad page ni Vlad Gonzales, isang manunulat na nakabase sa UP Diliman.  Sa pahinang ito susubukang/ sinusubukang pagsama-samahin lahat ng materyales na may kaugnayan sa gawaing pang-akademiko.  Umaasa akong magiging isang kapaki-pakinabang at nakaaaliw na espasyo ang page na ito hindi lamang para sa mga estudyante’t kasamang guro’t akademista, kundi para na rin sa mga kaibigang namamasyal-masyal sa mundo ng Internet.

Ilan sa mga interes ko ay ang pagsusulat ng mga tula, sanaysay, at kuwento (madalas ay fan fiction), pagkuha ng mga litrato (madalas ay ng mga kaibigan at ng pagkain), paglalaro ng videogames paminsan-minsan, pagvi-videoke, pagbabasa ng comics, panonood ng anime at iba pang cartoons, panonood ng tv series, pag-download ng kung anu-ano sa Internet, paghirit ng mga joke na korni.  Lahat ito ay sinisikap kong ilapat sa aking bokasyon bilang guro sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Kitakits!

Leave a Reply

*

*


+ nine = 12