Author
vlad

The Mark Anthony/ Claudine/ Ang TV UP Dream

Ang joke–Ang TV. Sa TV, akala mo’y singlaki ng Sunken Garden ang Track Oval. Sa TV, lahat ng anak ng mangingisda ay may kamag-anak sa Maynila na may mansyon. Sa TV, lahat ng estudyante ay may Nanay at Tatay na kapag nagsabing “tayo” ay agad na babangon ang sinasabihan mula sa pagkakadapa. Sa TV, lahat ng taga-UP ay kamukha ni Claudine Barreto at ni Mark Anthony Fernandez. Sa TV, track-and-field game at hindi basketball ang kino-cover sa UAAP. [...]

Kuwentong IBF 8

Sa libro, nabanggit ang “the doctor I do not want to be.” Sa totoo lang, pwedeng ituloy ito sa mga usapang the scientist, critic, educator, historian, writer, and human we want and we do not want to be. At ano itong human o taong ito? Isang taong may malawak na kapasidad sa pagmamahal at malasakit, nakakaalala at nag-aalala para sa iba, makamasa, kritikal, makatao. [...]

Ang Casa ni Lorena (at iba pa)

Alam kong may mas mahaba pang sulating nararapat para rito. Pero sa ngayon, ito muna. Isang pag-alala at pagkilala gamit ang kaunting salita, ilang larawan at video. Kinailangan lang magtala pagkat nadaanan sa pagbagtas ng iba’t ibang social media posts ang ilang pabatid na ngayong araw nga pala ang anibersaryo ng pagpaslang at pagmamartir kay Lorena. Sana’y manatiling buhay ang kanyang mga alaala at aral. At sana, pag nalampasan na natin ang mga hamon nitong sakit sa katawan at sakit ng bayan, maitanghal na ang nabiting mga salaysay na ito. Gusto kong isiping ang mga kuwentong napapatda o naaantala’y lagi namang maisasalaysay sa pinakaangkop niyang panahon, mukha mang hindi ganito ang dating sa pakiramdam at sariling pagtatantiya. [...]