etc

Hinga

Kung mas maraming oras at mabait ang pagkakataon, uulitin ko na naman ang pagkukuwento kung saan ang pagmamahal, ang pagkukuwento, ang pag-aabang, lahat ng ito ay naikakabit sa katangian ng pagiging ina. Nagmamahal/ may minamahal kaya isinasawika; may inaabangang pagdating—isang makabuluhang kausap o kakuwentuhan, isang ideyal na karelasyon, isang pinapangarap na perpektong mundo— [...]

Kuwentong POP (Pilosopiya, OPM, Pag-ibig)

Sa huli, laging may paalala na ang akto ng pagsusulat, ng pagsasawika, ay akto ng pag-ibig. Tayo ay nagmamalasakit, nag-aalala, nagpapahayag ng mga kumbinasyon nitong paghanga-pagtataka-panibugho-pangungulila-kapanatagan-kaligayahan (sana, sana all maligaya), umiibig kaya itinatangkang ilapat sa mga salita ang lahat ng damdaming malikot at mailap hanapan ng saysay o lohika.  At sa kakulangan ng mga sariling salita, nariyan ang pagkilala at pakikiramay mula sa mga kasamang nakakaranas at iminumuwestra ang parehong dusa—silang gumagawa ng mga kritika, larawan, pamimilosopiya, ng musika. [...]

Talon*

February 29, 2008.  Katulad ng dati.  Birthday ng Nanay.  Si MC at ang fourth floor ng AS na pinasara dahil sa mga nagpapakamatay.  Hindi pala babae si MC.   Wala nang classcard dahil online na ang grading (mas masarap pa rin daw ang pakiramdam ng nahahawakan ang classcard).  Nagmahal na ang tuition sa UP, mula 300 ay naging 1000 hanggang 1500 pesos (baka mas maraming fourth floor daw ang dapat harangan at maraming mapapatalon sa kamahalan, sabi niya).  May mga estudyanteng dinukot ng militar, halos dalawang taon na silang nawawala (umiiling-iling siya noong sinasabing sana may makanap sa kanila).  Nagkaroon kami ng 20000 pesos na bonus dahil sa sentenaryo ng UP (pareho kaming hindi magaling sa Math pero sa kuwenta namin ay kulang pa iyon sa 15 units kung 1500 pesos ang tuition).  Ang pamasahe sa Ikot, limang piso na (sabagay, sabi niya, marami na namang de-kotse). [...]