etc

Ang Casa ni Lorena (at iba pa)

Alam kong may mas mahaba pang sulating nararapat para rito. Pero sa ngayon, ito muna. Isang pag-alala at pagkilala gamit ang kaunting salita, ilang larawan at video. Kinailangan lang magtala pagkat nadaanan sa pagbagtas ng iba’t ibang social media posts ang ilang pabatid na ngayong araw nga pala ang anibersaryo ng pagpaslang at pagmamartir kay Lorena. Sana’y manatiling buhay ang kanyang mga alaala at aral. At sana, pag nalampasan na natin ang mga hamon nitong sakit sa katawan at sakit ng bayan, maitanghal na ang nabiting mga salaysay na ito. Gusto kong isiping ang mga kuwentong napapatda o naaantala’y lagi namang maisasalaysay sa pinakaangkop niyang panahon, mukha mang hindi ganito ang dating sa pakiramdam at sariling pagtatantiya. [...]

Mula sa Librong Hindi na (Yata) Mailalabas

Siguro’y kasingsimple lang nito ang pangarap mo dati: makakuha ng “star” mula sa pagdrowing ng straight lines at curved lines, o sa pagsulat ng mga ABC at 123 noong Kinder o Grade 1; manalo sa palabunutan ng mga goldfish sa tabi ng eskuwela habang ngumangata ng dalawang pisong singkamas o manggang hilaw; umuwi sa bahay at isaksak ang cartridge ng Megaman 3 sa Family Computer (hihipan-hipan muna ang ilalim bago isaksak, alis-alikabok), at ipasok ang password na inaral nang ilang linggo para makapunta agad sa stage ng big boss na si Dr. Wily—Blue sa A1, B2, A3, B5, D3, D4, Red sa E1 at F4; [...]

Mga Ligalig sa Paglikha ng Kaligtasan

Kapag may “binabakla,” may inuusisang kasaysayan at kaayusan, may tangkang lumaya at maging mapagpalaya pero may mga pagkakataong nagiging mapanupil din at nagiging bukas sa pagsupil, kahit inaakalang nakaligtas na. Siguro, sa panahong nakapadali na lamang ikahon ang anumang pagkilos at opinyon sa mga kahon ng “Dilawan” o “DDS” o “komunista,” baka itong binaklang pagtitimbang ang direksyong marapat tahakin. Pagkat posible naman, baka maaaring paunlakan, na ang tugon sa isang macho, war-freak at double-speak na pamunuan ay isang klase ng panitikang umaandar sa mga siklo at proseso ng pagtitimbang, paglilihis, pagpupuna, pagbabagong-bihis, hanggang sa muling pagtitimbang at pagpapatuloy ng proseso. [...]