Kuwentong POP (Pilosopiya, OPM, Pag-ibig)
Sa huli, laging may paalala na ang akto ng pagsusulat, ng pagsasawika, ay akto ng pag-ibig. Tayo ay nagmamalasakit, nag-aalala, nagpapahayag ng mga kumbinasyon nitong paghanga-pagtataka-panibugho-pangungulila-kapanatagan-kaligayahan (sana, sana all maligaya), umiibig kaya itinatangkang ilapat sa mga salita ang lahat ng damdaming malikot at mailap hanapan ng saysay o lohika. At sa kakulangan ng mga sariling salita, nariyan ang pagkilala at pakikiramay mula sa mga kasamang nakakaranas at iminumuwestra ang parehong dusa—silang gumagawa ng mga kritika, larawan, pamimilosopiya, ng musika.
[...]