{"id":1447,"date":"2012-01-21T03:56:54","date_gmt":"2012-01-21T03:56:54","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=1447"},"modified":"2012-01-21T04:08:42","modified_gmt":"2012-01-21T04:08:42","slug":"too-early-to-say-good-night","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/01\/21\/too-early-to-say-good-night\/","title":{"rendered":"Too Early to Say Good Night*"},"content":{"rendered":"<p>Isang Huwebes ng hapon, habang nagmamaneho pauwi, naalala ko ang klaseng katatapos lang.\u00a0 Napagdesisyunan kong maniwala na naging masaya ang diskusyon, na isa ito sa mga mas okey na araw ko sa pagtuturo.\u00a0 Mayamaya\u2019y may pumasok na E-mail message sa telepono, kahit bawal dahil baka mabangga ay sinilip ko pa rin.\u00a0 Facebook notification mula sa kanya, ni hindi ko pa nababasa o nakikita ang laman ay natuwa na rin ako\u2019t gising na siya\u2019t naisipan akong i-tag sa kung saan man.\u00a0 Magaan ang loob ko habang bumabyahe, at biglang pumasok sa isip ko na marami-rami na ring Huwebes sa nakaraang ang Huwebes na mabigat, na palagi akong umuuwing may pakiramdam na malungkot o matamlay, na natutuwa ako dahil sa partikular na Huwebes na iyon ay magaan ang lahat, sa mga sandaling iyon ay ayos ako, at hindi ko napigilang maluha sa biyahe, kahit mga tatlong segundo lang naman at hindi naman tumuloy-tuloy.<\/p>\n<p>Sinabi ko sa kanya ang naramdaman kong ito kinagabihan, sa text message.\u00a0 Humingi ako ng paumanhin kasi napahaba ang mensahe, dahil kako\u2019y ayokong makalimutan ang pakiramdam at gusto kong naibabahagi ito sa mga taong mahalaga sa akin.\u00a0 Hindi siya sumagot agad, at nang nakuha ko ang reply ay sinabi niyang mabuti\u2019t nakapagsasabi ako ng ganito, na hindi niya gaanong maimik sa ganoong mga bagay dahil ayaw niyang magsabi ng kahit na anong pilit sa loob niya, na nakukuha niya ang punto at nagpapasalamat siya.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Sa isang hiwalay na byahe pauwi, isang Huwebes ng gabi\u2019t nakikinig ako sa aming college radio habang duma-driving-driving, naabutan ko ang pag-uusap ng mga host tungkol sa usapang relasyon.\u00a0 Sa kanilang intro, binabanggit nila ang etika ng paghahayag ng mga gawaing-pangrelasyon sa mga social networking site at sa Internet.\u00a0 Inilalatag nila ang pagtimbang sa kung tama bang i-status update kada segundo na nag-holding hands kayo ng karelasyon mo, kung dapat bang mag-post ng mga larawan habang naghahalikan, kung ang ultimate fate ba ng ganitong klaseng moda ng paghahayag ay nasa direksyon nina Mo Twister at Rhiann Ramos (wow poise).\u00a0 Natatandaan ko sa ilang bahagi na may tono ng pangungutya at di pag-intindi ang mga host tungkol sa ganoong klase ng display of affection.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Naiilang akong tawagin siya na ganoon lang, na \u201csiya.\u201d\u00a0 Para bang ikinukuwento ko ang isang demonyong kontrabida na hindi maaaring banggitin ang pangalan, na guguho ang mundo kapag naisawika ko ang pangalan niya\u2019t naikabit sa aking sarili sa iskema ng isang romantikong relasyon.\u00a0 Naiilang ako pagkat ang operasyon ng utak ko ay nasa wika, na ang pagsasawika ng mga pakiramdam ay artikulasyon ng pagpapatotoo ng pakiramdam at karanasan.\u00a0 At kahit laging maraming kasinungalingan ang mga salita, kahit laging may pinapanigan (madalas kakampi ng mga salita ko ang aking sarili, ako ang bida sa aking mga kuwento\u2019t reklamo), inaabangan ko ang panahong magiging bahagi kami ng wika ng bawat isa sa puntong hindi na ito pilit, na wala nang pangamba na mahuhusgahan o magkakasakitan o mapaparusahan ng iba\u2019t ibang panig at sitwasyon.<\/p>\n<p>Madalas akong matakot sa kanyang kawalan ng mga salita.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Nai-text ng isang kaibigan, nag-usap daw sila ng karelasyon niya hinggil sa pagiging possessive ng isa.\u00a0 Possessive na wala pa sa puntong inaari ang bawat segundo at sandali, pero laging may kaba ang karelasyon ng kaibigan sa mga oras na ibang tao at hindi sila ang magkasama.\u00a0 Paliwanag ng karelasyon, natatakot siya na sa oras na hindi sila magkasama ay makalimutan na lang ng kaibigan ko ang kanilang relasyon, na makalimutan ang karelasyon, na hindi na ito maging totoong relasyon.\u00a0 Napag-usapan na nila ang dapat pag-usapan tungkol doon, sila na ang bahala doon.\u00a0 Pero may isang saglit na napagbiruan namin ito ng kaibigan, sino ba raw kasi uli ang pinag-uusapan?\u00a0 Tungkol ba sa problema ng dalawa, o ng isa lang?\u00a0 Pagrereklamo ba na ang ugat ay ang kapareha o ang sariling paranoia?\u00a0 Sinabi ko na lang na totoong may bakas ng sarili sa reklamo sa iba, pero hindi nag-iisa ang kaibigan ng aking kapareha.\u00a0 Can relate, kumbaga.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Minsan ay sumulat ako sa kanya.\u00a0 Sa dinami-dami ng binitawan kong salita, isa sa mga hiniling ko doon sa liham ay magkaroon kami ng larawan na magkatabi kami, sa aking ikatatlumpung kaarawan.\u00a0 Pinaunlakan niya ang aking hiling.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Nagkataong ang sirkulo ng aming mga buhay-relasyon ay maliit lang, kaya naman kahit noon pa\u2019y dumadapo ang mga impormasyon tungkol sa kanya-kanyang buhay sa isang click lang ng mouse.\u00a0 Nasabi ko sa kanya na nakita ko ang mga larawan nila ng dati niyang karelasyon.\u00a0 Hindi ko nasabi na kahit paano, kahit na iba ang kondisyon at sitwasyon n gaming ugnayan ngayon, may bahaging naiinggit ako sa mga kuwentong nabubuo ko mula sa mga nakakalat na impormasyon.\u00a0 Dahil rumehistro sa mata, dahil may biswal na patunay, minsan iniisip kong ay, parang mas totoo ang relasyon nila.\u00a0 Kahit na alam ng aking lohikal na bahagi na masamang magkumpara, na hindi palaging pareho ang mga panukat ng pagkatotoo at pagkasinungaling ng iba\u2019t ibang ugnayan.<\/p>\n<p>Sa isang saglit ng kahinaan, nito-nito lang, natukso ako sa bagong Facebook timeline at tiningnan ang pahina ng isa pa niyang ex, isang nakaraan na sabi niya\u2019y marami na siyang hindi matandaan.\u00a0 Sinilip ko ang mga post sa bawat buwan na alam kong sila pa ang magkapareha.\u00a0 Pagkarami-raming salita ng ligaya at pasasalamat, pinakamasayang Pasko, di malilimutang pamamasyal sa Ocean Park, pagraos sa trangkaso dahil may isang nariyan at mangangalaga.\u00a0 May palagiang paghahayag sa bawat buwan na nabubuo bilang magkarelasyon, apat, lima, pito.\u00a0 Sa loob ng mga susunod na buwan, mapapalitan ang mga status ng mga linya ng paglaban, mga second chance, mga last straw.\u00a0 Pagkatapos, blangko, nawala ang mga salita\u2019t kuwento.\u00a0 Katahimikan.<\/p>\n<p>Hindi ko mapigilang punuin ng magkakahalong damdamin itong pagkalaki-laking puwang.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Nitong nakaraang gabi lang, gusto ko sana siyang tanungin, ang kanyang pagiging hindi maimik at pag-iwas sa mga salitang pilit ay isang likas na ugali, isang napagkalakihang katangian, at hindi naman dahil lang sa akin?\u00a0 Salita lang ba ang pinipilit ko mula sa kanya, hindi pati damdamin?\u00a0 Pero masyadong matamis ang meryendang Razon\u2019s para sa ganoong pag-uusap.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Mahilig akong kumuha ng larawan.\u00a0 Nakahiligan na noon-noon pa.\u00a0 Pag pinag-uusapan ang larawan, lagi kong naaalala ang isang kuwentong pamilya namin.\u00a0 Sa Baguio, sa may Mines\u2019 View Park. \u00a0Nagkakainisan ang nanay ko at kuya dahil sa ayaw ngumiti ni Kuya sa may tabi ng bangin.\u00a0 Natatandaan ko ang pagnanasa ni Mama na makabuo ng isang magandang larawan, isang Kodak moment na pag sinilip ng mga bisita sa bahay, pag binabalasa ang mga nakatambak na photo album, maiisip nila, \u201cwow, napakasaya naman ng pamilyang ito.\u201d<\/p>\n<p>Naaalala ko ang radio show, ang mga ex niya na sinisilipan at inaangkinan ng kani-kanilang mga nakaraan at alaala, ang aking mahal na kaibigan at ang kanyang karelasyong may kaparehong paranoia, naiisip ko ang mga larawan, ang mga saglit naming pagsasama, mga saglit na hinuhuli ko sa aking lente.\u00a0 Sabi ko sa kanya, may ngiti siya na gusto ko palaging mahuli sa aking dslr na memorya, isang tipo ng ngiti na abot-langit, ubod ng gaan, parang walang anumang kapahamakang makakarating.\u00a0 Paminsan-minsan, nakakatsamba ako sa paghuli ng ngiting ito.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Sabi ng ilang kaibigang manunulat, usong-uso ang mga tula at kuwento tungkol sa katapusan ng mundo, o mga interpretasyon ng paano ba ito matatapos.\u00a0 Para sa iba, ang katapusan daw ng mundo ay ang kawalan ng mga batayang pandama.\u00a0 Halimbawa, naaalala ko, sa isang tula\u2019y katapusan ng mundo ang mundo na may mga tauhang wala nang bibig.\u00a0 Sa kawalan ng salita, wala nang ibang maaaring abangan kundi ang impormasyong ibibigay ng balat at mata\u2014tagal o bilis ng paglambot ng ari, itsura ng mukha ilang segundo bago dumapo ang halik, kapit ng kamay, pag-alpas sa yakap.\u00a0 Sa mundong hindi ka maaaring magsabi ng \u201candito lang ako, huwag kang mag-alala,\u201d \u201cmasaya ako na kasama ka, huwag ka sanang umalis agad,\u201d o \u201cmarami pa akong duda sa sarili, pero gusto kong samahan mo ako sa pag-aayos nito,\u201d walang ibang maaaring gawin kundi punuan ng ibang pandama ang kulang.\u00a0 Kahit pa oo, madalas, ang pagpuno ng mga pagkukulang ay isang mapanlinlang na paraan para punuin lang ang mga kulang sa makasariling sarili.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Kagabi, pinuno ng aking makasariling sarili ang mga kulang.\u00a0 Gusto ko sanang sabihin sa kanyang gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal, na tingin ko\u2019y hindi rin naman siya makakatrabaho kaya baka pwede namang makitulog na lang ako kasama niya, na nami-miss ko ang pag-uusap nang matagal buong gabi (at syempre ang iba pang mga maselan na bagay na kaakibat ng pagsasama buong magdamag), gusto kong mapakinggan siya, ano ba ang mga plano niya, kasama ba ako sa mga plano niya, gusto kong makatulog na kayakap siya, o siya\u2019y makatulog na kayakap ako\u2014gaya ng unang madaling-araw na nagkaroon kami ng malaking pagtatalo, gusto ko lang siyang makasama.\u00a0 Pero naduwag ako, tinanggap ko ang mga ibinibigay niyang patlang sa pag-uusap, tinanong ko na lang kung gagawin na niya ang nakapila niyang trabaho, kung mag-i-Internet siya pag-alis ko, mga salita na wala namang aktuwal na halaga o saysay sa akin sa mga oras na iyon.\u00a0 Hinalikan ko siya sa labi, pumikit na ako agad at hindi na sinilip ang reaksyon sa mukha niya.\u00a0 Sinabayan niya akong lumabas, hinawakan ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay niya habang naglalakad siya palayo para bumili ng load.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Tumawag ako sa kanya bago ako humiga.\u00a0 Sabi ko\u2019y mauuna na ako, mag-text lang siya pag matutulog na siya dahil sigurado akong magigising ako\u2019t sisilipin na naman ang madalas na karamay sa mga salita\u2014ang cellphone.\u00a0 Hanggang sa mga oras na tinitipa ko ang mga salitang ito\u2019y inaabangan ko pa rin ang mensahe niyang nagsasabi ng \u201cgood night.\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>*galing sa kantang &#8220;Stolen,&#8221; dahil yun ang pinapatugtog sa radyo noong naiisip kong isulat ito, at ito rin ang theme song ng kaibigan kong kinaiinggitan ko ang love story.<\/p>\n<div id='gallery-1' class='gallery galleryid-1447 gallery-columns-5 gallery-size-thumbnail'><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0017.jpg' rel=\"lightbox[1447]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0017-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0017-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0017-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0056.jpg' rel=\"lightbox[1447]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0056-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0056-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0056-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0059.jpg' rel=\"lightbox[1447]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0059-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0059-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0059-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0075.jpg' rel=\"lightbox[1447]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0075-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0075-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0075-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0097.jpg' rel=\"lightbox[1447]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"150\" height=\"150\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0097-150x150.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0097-150x150.jpg 150w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/01\/DSC0097-100x100.jpg 100w\" sizes=\"(max-width: 150px) 100vw, 150px\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure>\n\t\t<\/div>\n\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Isang Huwebes ng hapon, habang nagmamaneho pauwi, naalala ko ang klaseng katatapos lang.\u00a0 Napagdesisyunan kong maniwala na naging masaya ang diskusyon, na isa \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/01\/21\/too-early-to-say-good-night\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":1449,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1447"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1447"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1447\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":1454,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1447\/revisions\/1454"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/1449"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1447"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1447"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1447"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}