{"id":1892,"date":"2012-03-16T17:44:06","date_gmt":"2012-03-16T17:44:06","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=1892"},"modified":"2012-03-16T17:44:06","modified_gmt":"2012-03-16T17:44:06","slug":"kaarawan","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/03\/16\/kaarawan\/","title":{"rendered":"Kaarawan*"},"content":{"rendered":"<p>Kabilib-bilib, kaya kong lingunin lang<br \/>\nang limampung taon.\u00a0 At doon, sa dulo ng tanaw,<br \/>\nisang nilalang na kabisado ng pagkilala ang kabuuan,<br \/>\nkuyom ang mga kamay sa may hita, ang mga mata\u2019y<br \/>\nnakatitig sa hinaharap nang may pinaghalong<br \/>\nsindak at pagsuko ng kaluluwang hinihintay ang gunaw.<\/p>\n<p>Pamilyar na pamilyar, batang-bata nga lang, syempre naman.<br \/>\nNakatulala sa hinaharap, ang itsura niyang nakatitig sa tigib<br \/>\nna dilim.<br \/>\nAt nagmumunimuni\u2014ibig sabihin, sa pagkakatanda ko, may tangkang<br \/>\nlabanan ang pagbabago.<\/p>\n<p>Pamilyar, nakikilala, bagaman mas nangungulila, mas nagdurusa.<br \/>\nHindi siya tumutugon, tingin niya, sa depinisyon<br \/>\nng paslit, ng isang taong marami pang magandang inaabangan.<\/p>\n<p>Ganito ang itsura ng iba; Kaya nga, oo naman, ganito sila talaga.<br \/>\nPalagiang nakikipagkaibigan<br \/>\nsa kamera, marami sa kanila\u2019y tunay<br \/>\nna dalisay ang pagkakangiti\u2014<\/p>\n<p>Naaalala ko ang ganoong edad.\u00a0 Lito sa sariling duda, sa sariling pandidiri,<br \/>\nat kasabay naman nito\u2019y nalulunod<br \/>\nng panibugho sa pangkalahatan, sa pangkaraniwan; habambuhay<br \/>\nna kapiling ng pag-iisa, ng lamig sa pagdamay ng gunita, patungo sa bukas<br \/>\nna lubusang nilulukob ng lungkot, walang silbi ang ibayong lakas<br \/>\nbukod sa magwaksi\u2014<\/p>\n<p>Iyan ang problema sa pananahimik:<br \/>\nhindi nasusubok ang mga ideya.<br \/>\nDahil hindi sila ideya, sila\u2019y katotohanan.<\/p>\n<p>Lahat ng harang, ng pagpipigil ng budhi, ang mapilit<br \/>\nna paghuhubad sa palasak papunta sa mahiwaga,<br \/>\nlahat sila\u2019y kamangmangan ng daigdig, sa totoo lang.<\/p>\n<p>Silang nagkukulang, silang nagpapalit-palit, silang napipigil ang imik\u2014<br \/>\nlahat silang itinataboy ng pagkabuo.\u00a0 Naupo ako sa dilim, sa may sala.<br \/>\nAng kaarawan ay ganap na.\u00a0 Pinaglimian ko ang panahon, natural.<br \/>\nNaisip ko kung paano, sa halos sabay na pagkakataon,<br \/>\nmasayang lulundag ang puso ko\u2019t bubulusok<br \/>\nsa walang kapares na pighati.\u00a0 Iyong saglit ng paglundag\u2014ang sandaling di ko tinandaan\u2014<br \/>\niyon pala ang kaligayahan; iyon ang kakambal na kahulugan.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>medyo nasira ang putol ng linya, pero pagtatangka itong ilipat sa Filipino ang tulang Birthday na nasa http:\/\/itsakirby.wordpress.com\/2009\/05\/13\/birthday\/<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Kabilib-bilib, kaya kong lingunin lang ang limampung taon.\u00a0 At doon, sa dulo ng tanaw, isang nilalang na kabisado ng pagkilala ang kabuuan, kuyom \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/03\/16\/kaarawan\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":1894,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1892"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1892"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1892\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":1895,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/1892\/revisions\/1895"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/1894"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1892"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=1892"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=1892"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}