{"id":2033,"date":"2012-05-08T15:29:09","date_gmt":"2012-05-08T15:29:09","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=2033"},"modified":"2012-05-08T15:30:55","modified_gmt":"2012-05-08T15:30:55","slug":"where-the-wild-things-are","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/05\/08\/where-the-wild-things-are\/","title":{"rendered":"Where the Wild Things Are"},"content":{"rendered":"<p>May halimaw sa aking dibdib, nagtatago sa mga sulok na mahirap maabot.  Minsan, dumarating siya, walang paa-paalam, palaging gutom, palaging humahagilap ng mga bagay na wala sa aking tahanan.  Ang kabargasan ng kanyang pagbisita&#8217;y katulad ng kanyang pag-alis, palaging walang pabatid, palaging sa mga oras na hindi napaghandaan.<\/p>\n<p>Minsan iniisip kong maghanda ng hapunan para sa kanya, sa halimaw na nasa aking dibdib, halimaw na malaging mailap liban sa oras na gusto niyang magparamdam.  Minsan, kinakabahan ako, pagkat hindi ko maipinta sa isip ang eksaktong itsura ng halimaw, hindi ko kayang ilarawan ang eksaktong hugis ng mukha, ang amoy ng hininga, ang ingay ng halakhak.  Natatandaan ko lang siya para sa kanyang pagiging mabuhok.  Natatakot akong kaharap ko na pala siya&#8217;t hindi ko man lang siya nasabihan ng &#8220;magandang gabi, nakakain ka na ba?&#8221;<\/p>\n<p>Isang gabi&#8217;y may dumating, isang bisita, isang mukhang pamilyar na hindi.  Sa aking silid, siya&#8217;y umakyat.  Hindi ko mailarawan ang kanyang hugis, hindi ko mahuli ng sariling wika ang eksaktong anyo.  Pero niyakap ko siya, mahigpit.  Naramdaman kong napipi ang kumpol ng kanyang balahibo.<\/p>\n<p>Napagod ako sa higpit ng yapos, kumawala ako sandali.  &#8220;Gusto mo bang maghapunan?  Gusto mo bang tumigil dito nang ilang saglit?&#8221;  Iniabot ng halimaw ang kanyang kamay, iniabot ko rin ang akin.  Pinisil niya ito habang nakatingin, mayamaya&#8217;y kumawala&#8217;t tumalikod, naglakad pababa&#8217;t palayo sa akin.  Kahit kailan ay hindi siya lumingon, at ako&#8217;y hari ng kuwartong-kahariang may populasyon ng isa.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"May halimaw sa aking dibdib, nagtatago sa mga sulok na mahirap maabot. Minsan, dumarating siya, walang paa-paalam, palaging gutom, palaging humahagilap ng mga \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/05\/08\/where-the-wild-things-are\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":2034,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2033"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2033"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2033\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2036,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2033\/revisions\/2036"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2034"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2033"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2033"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2033"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}