{"id":2608,"date":"2012-11-27T11:20:31","date_gmt":"2012-11-27T11:20:31","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=2608"},"modified":"2012-11-27T11:25:05","modified_gmt":"2012-11-27T11:25:05","slug":"same-shirt-different-day","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/11\/27\/same-shirt-different-day\/","title":{"rendered":"Same Shirt, Different Day"},"content":{"rendered":"<p>Nagpaplano akong maging mas nakakawriter sa pagpasok ng bagong taon.\u00a0 Tingin ko, hindi ito ang pinakamabait na taon para sa akin, itong 2012 na malapit nang matapos.\u00a0 Oo, nagawa ko naman ang kaya ng lakas saka katinuan para mamaniobra ang kapalaran sa direksyong mas mainam, pero oo, tingin ko&#8217;y may mga posibleng mas masayang eksena bukod sa ilang mga napagdaanan ngayon.\u00a0 At syempre, sa totoo lang, andito pa rin naman ako e.\u00a0 Buhay pa naman, nagta-type pa naman.\u00a0 May mga proyektong tinatamad o natatakot tapusin, pero susubukang mabuo.\u00a0 May mga plano akong gawing ganap bago matapos ang taon, nang makausad na sa iba pang mga dapat pag-isipan.\u00a0 Sana&#8217;y malabanan ko ang mga sariling duda, takot, at syempre&#8217;y katamaran.<\/p>\n<p>Sa ngayon, ibabahagi ko ang isang litrato, isang alaala.\u00a0 Ang kamisetang suot ay galing kay Ate.\u00a0 Si Ate, mahilig magbigay yun.\u00a0 Nagkaroon ako ng bagong relo dahil sa kanya.\u00a0 Nakakain ng kung anu-anong tsokolate at cake at barbecue sa bahay niya.\u00a0 Noong ikatatlumpu kong kaarawan, walang kakurap-kurap na binoluntaryo niyang doon kami tumambay at magsalu-salo sa bahay niya.\u00a0 Wala kasi akong pera sa pagpasok ng taon, nagkamali sa pagkaka-budget.\u00a0 May natira lang akong 800 pesos para bumili ng isang malaking birthday cake para sa amin.\u00a0 Si Ate ang sumagot ng ibang pagkain, siya at ang ilan pang kaibigang nakipagdiwang.\u00a0 Noong binigay ni Ate ang t-shirt na &#8216;to, naging patay-gutom mode ako sa natira nilang pork steak na sinasabuyan namin ng chili powder.\u00a0 Tapos na ang kaarawan ko noon, mga dalawang linggo na siguro ang nakalipas.<\/p>\n<p>Natutuwa ako kay Ate kasi sa totoo lang, noong isang taon lang kami nagkakilala.\u00a0 Hindi naman ako ang una niyang kaibigan, at hindi rin siya magagalit pag sinabi kong nagkataong may mga kakilala akong mas nauna niyang naging kaibigan at natural lang na mas may pundasyon ang pagsasama nila.\u00a0 Ako ang bagong-pasok.\u00a0 Noong binigay niya ang t-shirt na ito, nasakto sa isang pangyayaring papunta pala sa isang bagaheng may bigat pa rin sa akin hanggang ngayon.\u00a0 Noong binigay niya ang kamiseta, kinabahan ako, kasi baka masikip, baka maikli.\u00a0 Pero natatandaan ko, sinuot ko pa rin kinabukasan.\u00a0 Kahit may away.\u00a0 Kahit buong gabi na namang inabala ng sama ng loob at pag-iisip.\u00a0 Kahit puyat at nagtitimbang kung bakit ang araw na dapat sana&#8217;y sakto lang, maganda naman ang intensyon ng lahat (lahat, sa pagkakaintindi ko), bakit kailangang maging hindi maayos?<\/p>\n<p>Sinusuot ko pa rin ang kamiseta, ang t-shirt na galing kay Ate.\u00a0 Kamusta na kaya siya?\u00a0 Kamusta na kaya sila?\u00a0 Nakakalungkot pag yung mga dating kasa-kasama mo lang ay biglang hindi mo na nakakatambay, biglang parang hindi mo na kaibigan.\u00a0 Pero sinusuot ko pa rin ang regalo niya.\u00a0 Regalo e!\u00a0 At pag sinusuot ko siya ay naaalala ko ang pakiramdam noong una ko siyang isinuot&#8211;pagod, malungkot, magulo ang isip at dibdib, pero&#8211;pucha&#8211;ang gwapo (sa sariling imahinasyon lang naman).<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/11\/DSC_6992.jpg\" rel=\"lightbox[2608]\" title=\"DSC_6992\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-2610\" title=\"DSC_6992\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/11\/DSC_6992-390x590.jpg\" alt=\"\" width=\"390\" height=\"590\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/11\/DSC_6992-390x590.jpg 390w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/11\/DSC_6992-220x332.jpg 220w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2012\/11\/DSC_6992.jpg 623w\" sizes=\"(max-width: 390px) 100vw, 390px\" \/><\/a><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Nagpaplano akong maging mas nakakawriter sa pagpasok ng bagong taon.\u00a0 Tingin ko, hindi ito ang pinakamabait na taon para sa akin, itong 2012 \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/11\/27\/same-shirt-different-day\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":2609,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2608"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2608"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2608\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2629,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2608\/revisions\/2629"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2609"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2608"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2608"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2608"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}