{"id":2774,"date":"2013-02-06T16:49:38","date_gmt":"2013-02-06T16:49:38","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=2774"},"modified":"2013-12-29T02:47:47","modified_gmt":"2013-12-29T02:47:47","slug":"si-melissa-katitian","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/02\/06\/si-melissa-katitian\/","title":{"rendered":"Si Melissa Katitian"},"content":{"rendered":"<p>Walang espesyal na gandang makikita sa mukha ni Melissa Katitian, pero hindi naman masusuka sa kapangitan ang sinumang makakasalubong niya.\u00a0 Hindi siya naging kasama sa top ten kahit kailan pero hindi rin kasama sa mga nagre-remedial o nagiging repeater sa kahit na anong taon.\u00a0 Walang ibang kasalanan si Melissa Katitian maliban sa pagiging estudyante sa Ina ng Laging Saklolo Elementary School at ang pagiging grade schooler na may bastos na apelyido.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa attendance, pag nagro-roll call ang adviser na si Miss Labugen, na\u00a0 Values Education teacher din, sadyang minamali ang bigkas sa apelyido ni Melissa: \u201cMelissa Kati-shan\u2026\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Na iwawasto naman ni Melissa: \u201cKatitian po.\u201d At matatawa si Anna Contesa, ang kaklaseng idol na idol ang Universal Motion Dancers pero mas kilala sa mga peklat sa binti, kaya tinatawag na \u201cAnna Alkansya.\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Noong nagpapraktis para sa kanilang First Communion, tatawagin ni Sister Ethel, ang teacher sa Catechism na kamukha raw ni Predator, tatawagin niya si Melissa na nakaupo sa second row: \u201cMelissa Katitiyan\u2026\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>At sasagot si Melissa, medyo pabulong: \u201cKatitian po.\u201d\u00a0 At mapapangiti si Michael Kumuyog,ang chinitong kaklaseng mahilig kumain ng sariling kulangot pag walang nakatingin.\u00a0 O, akala niya lang walang nakatingin.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa PE, kapag magse-serve na sa volleyball, tatawagin ni Mr. Lara si Melissa, na hindi agad makakalapit dahil nanonood pa ng mga nagba-basketball sa katapat na court: \u201cKatitan!\u00a0 Katitan!\u00a0 Melissa Katitan!\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>At matataranta si Melissa bago magsabi ng \u201cKatitian po,\u201d paano\u2019y nagkatinginan sila ng kanyang crush, si Alberto Arejola na nagba-basketball sa tapat.\u00a0 Si Alberto na mas tinatawag na \u201cGori\u201d dahil sa kaitiman ng balat lalo na sa batok, pati sa mabuhok na katawan kahit bata pa, kaya nagmumukhang gorilla.\u00a0 Mapang-asar na gorilla, dahil siya ang pinakamalakas tumawa at manduro kay Melissa habang sumisigaw ng \u201cTite!\u00a0 Tite ang apelyido mo!\u00a0 Tite!\u201d\u00a0 Pero para kay Melissa, si Alberto Arejola ang pinakaguwapong gorilla sa balat ng lupa.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Pag hindi nagwawasto ng mga maling bigkas ng apelyido, hilig ni Melissa ang kumanta.\u00a0 Dala-dala ang songhits na nabili sa tindahan, kinakabisado niya ang lahat ng kantang bentang-benta sa tenga at puso niya.\u00a0 Mister disco, I love you boy kung alam mo lang, sasasa-Dami ng problema natin, Para kang sirang plaka paulit-ulit.\u00a0 Hindi katangi-tangi ang kanyang tinig, hindi rin naman sobrang sama.\u00a0 Pag sumasali siya sa mga patimpalak sa eskuwela, minsan ay nakakatsamba siya ng fourth o fifth prize, depende sa dami ng sumasali.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Isang araw, noong Linggo ng Kalusugan, habang pinag-iisipan ni Anna Alkansya kung sino sa UMD ang cellular phone boys o beeper boys (sa madaling sabi, kung sino kina Wowie, Brian, Gerard, Marco, James, Jim, Norman, Gerry ang may ari na singlaki ng cellphone o beeper), habang binibilog ni Michael Kumuyog ang kulangot na pang-recess niya, habang nagba-basketball ang mga kaibigan ni Gori sa court, nagpapraktis naman si Melissa ng kanyang song number sa banyo.\u00a0 Kanta ni Rachel Alejandro: \u201cBakit ba t&#8217;wing nakikita kita, ang puso ko&#8217;y bigla ng sumasaya?\u00a0 May ngiti sa aking mga mata at ang araw ko&#8217;y lalong gumaganda.\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Hindi mabubuo ni Melissa ang kanyang kanta dahil may maririnig siyang humahagulgol sa katabing boys comfort room.\u00a0 Pamilyar na tinig.\u00a0 Tinantiya ni Melissa kung may ibang tao sa kabila, noong napansing ang umiiyak na boses lang ang nasa banyo ay pumasok siya.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Si Alberto Arejola, nakaupo sa banyo, nakatungo at umiiyak.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>\u201cAlberto, bakit ka umiiyak?\u201d\u00a0 Medyo magugulat si Alberto sa pagtatanong niya, pero mayamaya\u2019y yayakapin \u00a0ni Alberto si Melissa.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>\u201cDi naman sobrang maitim yung batok ko di ba Melissa?\u00a0 Naghihilod naman ako e, ayaw lang talagang maalis, hindi ko naman kasalanan yun di ba?\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Hihimasin ni Melissa ang batok ni Alberto, patatayuin siya at sasabihing, \u201chindi naman maitim, tamang-tama lang.\u201d\u00a0 At yayakapin ni Melissa Katitian si Alberto Arejola.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>\u201cUy o!\u00a0 Si Katitian saka si Gori nagyayakapan sa CR!\u201d\u00a0 At magtatawanan ang mga kalaro ni Alberto sa basketball, mga kalarong nahuli si Gori at si Katitian na magkayakap sa boys CR.\u00a0 Mabilis na itutulok ni Gori si Melissa at sisigaw siya ng \u201cTangina mo Tite!\u00a0 Tite!\u201d bago siya dumahak ng isang malapot na plema sa mukha ni Melissa.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Makakapaghilamos at makakapagpunas ng mukha at damit si Melissa Katitian.\u00a0 Pupunta sa Singing Contest na pagkatapos na pagkatapos lang ng group jingle contest tungkol sa halaga ng gatas.\u00a0 Pang-apat siyang kakanta, laging hindi una at laging hindi huli.\u00a0 Nakahanda na ang tape ni Rachel Alejandro.\u00a0 Mula sa classroom na ginawang contest area, natatanaw niya ang mga lalakeng nagba-basketball, natatanaw niya ang maitim na batok ni Alberto Arejola.\u00a0 \u201cKinausap niya ako, kinausap at niyakap,\u201d iyon ang tanging naiisip ni Melissa habang naghihintay ng kanyang pagkakataong umawit.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Noong siya na ang kakanta, pumikit si Melissa, ngumiti at nagbuntung-hininga.\u00a0 Inisip niyang silang dalawa lang ni Alberto\/Gori ang magkasama, silang dalawa lang, si Alberto\/Gori na may nakakalusaw na titig habang si Melissa Katitian naman ay nakangiti\u2019t bumibirit: \u201cLangit na kapag kapiling kita, langit na kapag kausapo kita.\u00a0 Ang damdamin ko\u2019y ibang-iba, basta kasama kita, langit na\u2026\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><iframe loading=\"lazy\" src=\"http:\/\/www.youtube.com\/embed\/naLcEwQzd3Q\" height=\"315\" width=\"420\" allowfullscreen=\"\" frameborder=\"0\"><\/iframe><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Walang espesyal na gandang makikita sa mukha ni Melissa Katitian, pero hindi naman masusuka sa kapangitan ang sinumang makakasalubong niya.\u00a0 Hindi siya naging \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/02\/06\/si-melissa-katitian\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":2775,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[22,20,6,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2774"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2774"}],"version-history":[{"count":4,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2774\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3105,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2774\/revisions\/3105"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2775"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2774"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2774"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2774"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}