{"id":2825,"date":"2013-03-08T16:58:14","date_gmt":"2013-03-08T16:58:14","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=2825"},"modified":"2013-03-08T16:58:26","modified_gmt":"2013-03-08T16:58:26","slug":"hinggil-as-mga-ulap-at-paglutang","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/03\/08\/hinggil-as-mga-ulap-at-paglutang\/","title":{"rendered":"Hinggil sa mga Ulap at Paglutang"},"content":{"rendered":"<p>\u201cHuwag mo siyang bigyan ng mga ulap.\u00a0 Hindi niya iyon kailangan.\u201d<\/p>\n<p>&#8212;<i>Horoscope<\/i>, Eli Rueda Guieb III<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sinusulat ko ito habang nakikipagbuno sa kahol ng mga aso sa baba.\u00a0 Si Adele, halong Labrador-Askal, at dalawang purebred askal na walang ibang pangalan bukod sa \u201cpuppies.\u201d\u00a0 Nag-iisip ako kung paano ko bubuuin itong kumukutkot sa aking isip, mga latak ng kani-kaninang nagtapos na araw.\u00a0 Hindi makatulog dahil sa mga kakatapos na eksena, hindi makatulog dahil sa iniisip ang mga pag-uusapan at gagawin sa klase, sa sariling mga plano.\u00a0 Iniisip ko kung paano isusulat ang dapat isulat nang kung paano ko ito nabubuo sa utak, nang may layunin ng gustong magpaintindi, walang anumang balak na makasaling o makasakit.\u00a0 Sino ba naman ang gustong maglapat ng sakit sa iba?\u00a0 Iniisip ko ang lahat habang kumakahol nang walang tigil ang tatlong aso sa baba, nagkakahulan sa bawat isa, sa blangkong espasyong nasa pagitan ng tatsulok na nabuo ng kanilang magkakahiwalay na de-kadenang puwesto.\u00a0 Kahol nang kahol sa bagay na wala, sa bagay na hindi ko naman nakikita.\u00a0 Kumakahol sila na parang masong kumakabog sa sariling dibdib, at imbes na makadirestso ako sa gusto kong sabihin ay nabubuo ko sa imahinasyon ang eskena na bababa ako, lalabas ng bahay, babarilin isa-isa ang mga pagkaingay-ingay na hayop.\u00a0 Babarilin o pupukpukin ng bato o bote o paso o kahit na ano, kahit ano basta tumahimik lang sila, basta tumahimik, parang awa na ninyo, sana\u2019y tumahimik na ang lahat.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Kanina, sa pila sa ATM, sinamahan ko ang gurong katrabaho ko sa departamento namin sa UP.\u00a0 Kinukuwento niya ang buhay niya noong kasing-edad ko pa siya.\u00a0 Noong bago pa siya magkaanak.\u00a0 Noong nagkaasawa\u2019t anak na siya\u2019t nadiskubreng may sakit ang kanyang anak.\u00a0 Naikuwento niya na kailangan niyang rumaket, paano\u2019y invasive daw ang sakit ng anak nila.\u00a0 Umaatake hindi lang sa isip kundi mismo sa pisikal na lakas.\u00a0 Naikuwento niya ang labing-anim na operasyong pinagdaanan ng anak nitong nakaraang taon lang.\u00a0 Labing-anim o labingsiyam?\u00a0 Hindi ko na matandaan, baka may sarili akong iniisip.\u00a0 Kailangang magturo sa La Salle bukod sa pagtuturo sa UP.\u00a0 Kailangang rumaket.\u00a0 Naikuwento ko na may kaibigan akong may problema rin sa pera, paano\u2019y kailangan ng malaking halaga para sa therapy ng anak na may autism.\u00a0 Sabi ko sa kasamang guro, sabi ng kaibigan ko\u2019y fifty thousand ang kanyang binubuno para sa pagpapaaral ng anak na hindi pa umaabot sa pagkadalaga.\u00a0 \u201cNaku,\u201d sabi ng kasama kong guro, \u201csabihin mo sa kanya ayos pa yan, at least hindi invasive, ayos pa yan.\u201d\u00a0 At naisip ko, kasabay ng lahat ng mabuting intensyong nais ihatid ng kasama ko hinggil sa kanyang pahayag, paano ko ba naman sasabihin sa kaibigang ko na \u201coy, ayos lang daw yung problema mo, ayos na yan,\u201d nang walang anumang sakit na maitatawid?\u00a0 Nagkuwento ang kasama kong guro, sabi niya, andami-daming nangyayari, andami-daming kuwento.\u00a0 Nakuwento niya na wala pa siyang MA noong nagkaanak at nadiskubre ang sakit ng anak, at marami pang nangyari pagkatapos nito.\u00a0 Natanong niya, natanong sa akin, naramdaman ko na ba ang pakiramdam na sa dinami-dami lang ng nangyayari, sa lahat ng eksenang pinagsasabay-sabay, naranasan ko na ba ang pakiramdam na parang lumulutang lang?\u00a0 Sabi ko, opo, alam ko ang pakiramdam na iyan.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Noong isang araw, sa pangalawa sa huling araw ng klase sa kursong tinuturuan ko, nagulat ako sa ligayang \u00a0nararamdaman ko sa klase.\u00a0 Masaya kahit maraming late. \u00a0Masaya kahit hinihikaban at tinutulugan ng mga kasama sa klaseng hinatak ng grabedad ang talukap, pinagsama-samang hell month at paglilipat-lipat ng mga klase at ang hiwaga ng maalinsangang kuwarto sa ala-una ng tanghali.\u00a0 Naisip ko, baka dahil medicated ako.\u00a0 Baka dahil umiinom ng supplement.\u00a0 Kasi, naggi-gym.\u00a0 Kasi, gustong magpayammy dahil nasabihan minsan, napakaraming buwan na ang nakaraan, na \u201cang plain-plain ng personality mo,\u201d among other things.\u00a0 Gustong magpayammy pero gusto agad-agad.\u00a0 Kaya bumili ng\u00a0 Whey, pampalaki.\u00a0 Kaya bumili ng fat burner, pampalusaw ng bilbil.\u00a0 Kaya lang, ang fat burner, may halong caffeine, magpapawis at iihi na parang walang bukas.\u00a0 May halong appetite suppressant, para pag kumagat ako ng potato wedges sa may Papa John\u2019s ay para akong kumagat ng isang piraso ng karton (kahit hindi pa ako nakakakain ng karton kahit kailan).\u00a0 May halong mood stabilizer, para may focus, para kahit gatas at saging lang ang na-breakfast at alas-dose na ng tanghali at wala pa ring lunch ay nasa gym pa rin ako at makakabuhat ng hanggang 100 pounds sa bench press.\u00a0 Kaya laging energetic hanggang mag-alas dos ng madaling-araw, buhay na buhay pagkagising ng saktong ala-sais, kumikilos at bumabyahe na parang panaginip lang ang lahat, paminsan-minsan sumasagi sa isip na \u201calam kong puyat at gutom at pagod dapat ako, pero parang hindi.\u201d\u00a0 At papasok sa klaseng may ganitong pakiramdam at may mga eksenang minsan, sa pagkakaalam ko ay nakakairita, pero nagugulat ako na hindi ako naiirita, at nadala ko naman pabalik sa masaya, masaya sa pagtuturo, hanggang mapunta sa masayang usapan.\u00a0 Parang masaya naman ang klase, masayang pag-uusap tungkol sa kahirapan at vote-buying at mga piyesang masyadong pulitikal o kulang sa pulitika, masaya sa pagkakatanda ko, sa aking semi-gising, semi-pagod, semi-puyat, mood-stabilized, fat-burning, nagpapayammy na katawan at gunita.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Pumasok ako kanina sa opisina sa ganitong estado.\u00a0 Pumasok nang late, paano\u2019y gumising\/nagising nang late, nag-agahan nang late, nagpa-fitness nang late, nananghalian nang late.\u00a0 Alam ko, dapat nadidismaya ako sa ganitong pagkahuli, pero dahil naggagamot, keri lang.\u00a0 Dumating ako sa UP at naabutan ang isang kasamang guro, naghahanda ng papeles para sa isang gawad. \u00a0Isang prestihiyosong gawad sa unibersidad, isang tipo ng gawad na panghabambuhay.\u00a0 At dahil panghabambuhay, kailangang ihanda ang mga nagawa\u00a0 sa buong buhay bilang propesor sa unibersidad.\u00a0 Kailangan ng tulong mula sa mga non-teaching staff, yung tipo ng tulong na walang ibang pwedeng gawin kundi sumunod sa utos.\u00a0 Kailangan ng tagatakbo sa mga opisina sa Diliman para maghanap ng mga diyaryo at journal na nailimbag sa iba\u2019t ibang yugto ng kasaysayan.\u00a0 Kailangang mag-photocopy at mag-print at mag-collate.\u00a0 Kailangang maghanap ng mga citation sa mga publikasyong hindi pa nababasa ng staff kahit kailan.\u00a0 Kailangang maghanap at sumagot ng mga form na naglalaho o hindi makita sa mga oras na kailangan na itong sagutan.\u00a0 Kailangan itong gawin\u00a0 bago dumating ang isang maiksing deadline, hindi sapat para sa ilang dekada ng serbisyo at buhay-guro.\u00a0 Kailangang sumunod sa isang prosesong nagmamadali, na mangangahalugang kailangan ding kumilos nang mabilisan ng lahat ng naimbitahan sa pagtupad ng trabaho.\u00a0 Kasabay nito, kumikilos bilang administrador ang kasamang guro.\u00a0 At ang sabay-sabay na kahingian ng pangangasiwa, pagtuturo, at paghabol sa deadline ay bumuo ng mga ulap sa mata ng lahat ng kasama sa proyekto, may mga kanya-kanyang kuwento at reklamo na hindi agad-agad nakikita o napapansin, paano\u2019y nagkasabay-sabay na.\u00a0\u00a0 Gusto ko silang bigyan kanina ng kung anong gamot ang iniinom ko.\u00a0 Para imbes na mga ulap na nagdudulot ng inis, kebs-kebs na lang, parang panaginip lang ang lahat.\u00a0 Sana\u2019y makuha ng kasama kong guro ang gawad na isinabuhay niya\u2019t pinagtulungan nilang balikan at buuin nang ilang linggo.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Iniisip ko ang mga bagay-bagay na nagdadala sa akin ng mga ulap, o nagdadala sa akin sa mga ulap.\u00a0 Mga eksenang nagpapalabo, o mga eksenang nagdadala sa estadong sakto lang, yung parang dinadala lang ako ng hangin sa dapat kong kalagyan, o anumang nasa gitna ng malabo o sakto o sobrang saya.\u00a0 Ang makakumpleto ng ehersisyo.\u00a0 Makapanood ng isang palabas at ang mag-isip tungkol dito pagkatapos.\u00a0 Kumuha ng larawan.\u00a0 Bumalik sa mga lumang larawan.\u00a0 Kumain.\u00a0 Matulog.\u00a0 Makapagbigay ng surpresa o masurpresa mismo.\u00a0 Makapagsulat.\u00a0 Makatanggap ng reaksyon sa mga naisulat.\u00a0 Makitang maisaentablado ang isang naisulat, o maghintay na maisaentablado ito.\u00a0 Masabihan tungkol sa trabaho.\u00a0 Masabihang magkomento tungkol sa ginagawang trabaho o proyekto, lalo yung nasa sining.\u00a0 Masabihan lang actually ng kahit ano.\u00a0 Makabalita tungkol sa mga minamahal, maganda man o panget, at mag-isip na sana\u2019y maayos naman sila, at ang mga kaipokritohang dala ng ganitong hiling.\u00a0 Ang mabati ng mga tao, ang masabihan ng \u201cmukhang masaya ka a,\u201d o na may nagawa akong trabaho nang mahusay.\u00a0 Ang mapuna sa trabaho.\u00a0 Ang makapagpasaya, o ang maging dahilan ng saya.\u00a0 Baka sa huli, iyon lang naman, lahat naman ng tao ay gusto maging masaya.\u00a0 Gustong lumipad.\u00a0 Iba-iba lang ang antas ng taas, iba-iba ang target, iba-iba ang paraan ng pag-akyat o paglipad at pag-abot doon sa estadong sakto na, ayos na.\u00a0 Minsan ay malayo sa ulap, minsan ay malapit, at may iba-ibang nakikita base sa layo o lapit na ito.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Kanina, sa departamento, habang humahabol sa deadline ang kasama kong guro para sa kanyang gawad, at ako naman ay nakasalampak ang mukha sa isang mesa doon\u2014inaantok na hindi\u2014dumating naman ang gurong sasamahan ko pa lang sa ATM.\u00a0 Nagtanong ang isa, paano ba pupunta sa Novaliches, paano ba pupunta sa ospital na ganito.\u00a0 Ang isa namang humahabol sa deadline, tumigil sandali sa pagtipa sa computer at nagtanong kung sino ang nasa ospital.\u00a0 Noong sinabi ng isa na father-in-law niya ang naroon, na namatay ang tatay ng asawa niya, nagkaroon ng saglit na pagtigil ng mga mundo.\u00a0 Isang maliit na maliit na saglit, hindi agad-agad mapapansin, pero tumigil pansamantala ang lahat.\u00a0 Ang gurong may inaasikasong iba, tumigil at nagsabi ng \u201csorry\u201d para sa nangyari sa gurong naghahanap ng ATM, pantaxi papunta sa ospital sa Novaliches.\u00a0 Sinamahan ko siya pababa sa Landbank at inialok na ihatid siya hanggang sa SM Fairview.\u00a0 At nagpatuloy ang daigdig sa paggawa at paghawi ng mga ulap.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"\u201cHuwag mo siyang bigyan ng mga ulap.\u00a0 Hindi niya iyon kailangan.\u201d &#8212;Horoscope, Eli Rueda Guieb III &nbsp; Sinusulat ko ito habang nakikipagbuno sa \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/03\/08\/hinggil-as-mga-ulap-at-paglutang\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":2826,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,22,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2825"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2825"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2825\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2828,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2825\/revisions\/2828"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2826"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2825"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2825"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2825"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}