{"id":2835,"date":"2013-03-20T17:47:49","date_gmt":"2013-03-20T17:47:49","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=2835"},"modified":"2013-03-20T17:47:49","modified_gmt":"2013-03-20T17:47:49","slug":"baka-tungkol-sa-up-manila-student","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/03\/20\/baka-tungkol-sa-up-manila-student\/","title":{"rendered":"Baka tungkol sa UP Manila Student"},"content":{"rendered":"<p>Pumasok ako sa UP Diliman noong Lunes, nakasuot ng itim na Spider-man shirt.\u00a0 <a href=\"http:\/\/www.rappler.com\/move-ph\/23894-up-student-kills-self-unpaid-tuition\">Nabalitaan ko ang suicide ng isang UP Manila student noong nakaraang linggo<\/a>, at nakabalita rin sa Facebook at Twitter ng mga pagkilos sa loob ng campus para sa papasok na linggo, kasama ang pagsusuot ng itim na damit.\u00a0 Aminado akong na-imagine kong papasok ako sa campus at makikitang karamihan sa mga taong makakasalubong\u2014kung hindi man lahat\u2014ay nakasuot ng itim.\u00a0 <a href=\"http:\/\/www.rappler.com\/move-ph\/33-editors-pick-moveph\/24087-up-manila-chancellor-no-guilt\">Hindi ganoon ang eksenang nakita ko noong Lunes.\u00a0 Sa totoo lang, mukha siyang isang pangkaraniwang mainit na Lunes ng umaga sa UP Diliman.<\/a><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Aminado akong nagulat ako, nagulat, nalungkot, nainis.\u00a0 Patay iyon e.\u00a0 UP student.\u00a0 UP Manila, ibang campus sa pinapasukan at nakasanayan ko, pero UP, at sabi sa mga balita, tuition at forced LOA ang dahilan.\u00a0 Naisip ko, lalo noong Lunes, parang namatayan ka ng pamilya.\u00a0 Ganoon dapat ang pakiramdam.\u00a0 Pero, sa pagtatangkang magtimbang at kontrahin ang sarili\u2014baka lang mas maging balanse pag inuulit-ulit ang ganoong proseso ng pagkokontra\u2014ganoon naman din ako minsan pag patay ang pinag-uusapan.\u00a0 Patay na kaklase, katrabaho, kahit sariling kamag-anak.\u00a0 Minsan ay pinagpapalagay na wala lang, o hindi naman talaga patay at nasa isang bahagi lang ng mundo, maaari kong makasalubong sa anumang oras maliban sa oras na iniisip ko sila.\u00a0 Baka ganoon lang para sa iba, alam naman, pero kunwari wala lang, baka may ibang iniisip.\u00a0 O ibang iniisip na mas mahalaga bukod sa pagsunod sa programa ng mga grupong hindi naman nila o kabisado, sa isang isyu baka alam nila o hindi pero hayun nga, baka may iba silang napagdesisyunan na bahagi ng buhay nila bilang mas mahalaga sa mga oras na iyon.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Iniisip kong may kaugnayan sa akin ang pangyayari dahil posibleng ito ang knee-jerk reaction ng isang taong galing sa uring pinanggagalingan ko\u2014isang uri na may regular na sahod, kayang kumain sa labas paminsan-minsan, may katulong\u00a0 sa bahay, lubog sa Internet at iba pang mga convenience.\u00a0 Ang \u201call about me\u201d attitude na baka namana sa panonood ng maraming Beverly Hills 90210, o kahit TGIS, o Felicity, o Ally Mcbeal (nako, lalo na ang Ally Mcbeal).\u00a0 Sa paglalakad, sa paghiga sa kama, sa pagsosolo habang nakaharap sa computer, inaalala ko ang mga naramdaman sa pagdating ng balita ng suicide at mabilis na pumapasok sa isip <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/notes\/aya-tantiangco\/what-were-not-saying-about-kristel-tejada\/142155362622440\">ang \u201cbakit siya nagpakamatay,\u201d o ang mas eksakto, \u201cako rin, may pinagdadaanan, mabuti hindi naman ako nagpakamatay.\u201d<\/a>\u00a0 Gagamitin\/ ginagamit ko ang balita bilang personal na motibasyon, tapik sa balikat na mas okey ako, na baka mas malakas ako, na baka mas matibay ang support system ko.\u00a0 Iisipin ko ang lahat ng bagay sa pinakapersonal na antas na kaya kong pigain, kasi pag hindi ko ginawa ito\u2019y mapipilitan akong tumingin sa mga bagay o salik na mas malaki sa akin.\u00a0 Baka mapilitan akong maghanap at magproseso ng mga impormasyong nariyan naman (baka nariyan na noon pa) at maaaring iproseso, kaya lang ay natatakot o \u00a0may ibang ginagawa o sadyang tinatamad lang ako, dahil pribilehiyo daw ng uring pinanggagalingan ko ang maging tamad (kaya mabuhay ang empleyado o estudyanteng hindi nagpaliban ng pasok o kahit anumang katiting na gawain sa buong buhay nila).<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><a href=\"http:\/\/newsinfo.inquirer.net\/375303\/for-kristel-tejada-studying-was-a-coping-mechanism\">Na baka wala namang nagsasabing hindi depressing ang mailagay sa sitwasyong inalisan ka ng karapatang mag-aral, dahil sino ba naman ang nasabihang hindi ka na officially enrolled at hindi ka na makakapasok na pagkatapos ay nagpa-party? <\/a>\u00a0At baka nagkakasundo naman ang lahat na masalimuot ang pagpapatiwakal, ang suicide, pero hindi maiaalis na malaking tulak sa pangyayaring ito ang forced LOA na iginawad sa estudyante.\u00a0 Na baka mas mura nga ang pambayad sa UP kung ikukumpara sa Ateneo at La Salle, pero mahal pa rin ang tuition sa UP.\u00a0 <a href=\"http:\/\/www.abs-cbnnews.com\/nation\/03\/19\/13\/coed-suicide-highlights-flaws-stfap-classification\">Na baka misleading kung hindi man totally inefficient na ang STFAP<\/a> at ang iba pang mga financial assistance system na available sa aming unibersidad.\u00a0 Na baka sa loob ng napakahabang panahon ay hindi talaga prayoridad ang edukasyon, at hindi magkakaroon ng ganitong mga usapan kung nasolusyunan na ito.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Nanggagaling ako sa perspektiba ng isang Assistant Professor sa UP na nakapasok bilang estudyante sa UP Diliman noong 1998.\u00a0 Non-quota ang option ko, pwedeng pumili ng kahit na anong kurso basta non-quota.\u00a0 Una kong pinili ang BS Mathematics dahil may kapitbahay kami na nagtapos ng BS Math at sabi ng nanay ko, analyst na raw ang kapitbahay para sa San Miguel at malaki ang kinikita niya.\u00a0 Nanggagaling ako sa pagtingin ng isang estudyanteng may baon na 100-120 pesos bawat araw, at masuwerte na iyon dahil sapat na iyon sa pamasaheng uwian at tanghalian (at meryenda, kung magtitipid).\u00a0 Na simula noong nag-first year college ako ay tinatanong na ako ng nanay ko kung may installment option sa UP at lagi kong sinasabing \u201cwala\u201d dahil nahihiya akong magbayad ng installment.\u00a0 Na sa lahat ng inaral-aral ko sa loob ng Diliman ay ngayon ko lang napagtatahi-tahi na nagtitinda ng puto bumbong, shrimp balls at palamig, proven, lugaw, nagtalyer, nag-canteen sa Mercury Drug at sa kung saan-saang mga Science Park sa Laguna, ginagawa pala ni Mama ang lahat ng iyon hindi dahil sa bored lang siya kundi kailangan ng pangdagdag sa kinikita ni Papa sa Saudi.\u00a0 Na kung ano ang lungkot ng mukha ni Mama noong nalaman niyang nasipa ako sa Math at naging Non-major ay ganoon naman kasaya ang itsura niya noong nakalipat ako ng kurso at nakabalita\u2019t nakapag-apply na sa Student Loan Board.\u00a0 Na masuwerte\u2019t kada semestre ay may propesor na handang pumirma, na masuwerte\u2019t sa pagtatapos ng semestre\u2019y may pambayad na at masuwerte\u2019t kung sinuman ang nasa loan board at registrar noong mga panahong iyon ay napapayagan akong makapagbayad nang lampas sa deadline nang hindi nape-purge ang mga na-enlist na subject.\u00a0 Na nakapagtapos ako, naging guro, nakapagpaaral ng kapatid sa tulong pa rin ng magulang at ng loan board na nababayaran ko tuwing matatapos ang semestre dahil naman sa nakukuha kong overload pay sa pagtuturo ng mga klaseng lampas sa dalawampu\u2019t limang estudyante.\u00a0 Na sa loob ng matagal-tagal kong pananatili sa UP ay marami akong nakilala, \u201cprogresibo\u201d o\u00a0 \u201dsimpleng tao lang,\u201d aktibista o hindi, at kung sino man sila\u2019y nagagalit ako sa mga late at pala-absent, kahit na may sariling mga oras na ganito rin ako, sa magkakaibang dahilan.\u00a0 Na anuman ang reklamo ko sa usapin ng personal at propesyunal na relasyon ay napahalagahan at napaunlad ako sa iba\u2019t ibang antas ng mga kolektibong pagkilos na nangyari kasama o sa loob ng UP, kasama man ako o hindi.\u00a0 Na nag-e-enjoy ako sa mga bonus o pagtaas ng suweldo, o nakakaramdam na ligtas ako sa anumang Presidential Proclamation, o nagiging kampante na palagi akong may access at update sa mga panloob at panglabas na pangyayari dahil sa mga kolektibong pagkilos na nilalahukan ng mga grupo sa loob ng institusyong kinabibilangan ko.\u00a0 Na patuloy akong may pananalig sa UP pero nagbabantay (at sa ilang pagkakataon ay naiinis\/nagdududa\/natatakot\/etc etc) sa mga mekanismo sa loob at labas na makakaapekto sa maraming buhay sa loob at labas ng Unibersidad\u2014<a href=\"http:\/\/www.philippinecollegian.org\/system-reboot-decoding-the-issues-behind-the-techy-facade-of-eup\/\">ang eUP project na isang systemwide na kompyuterisasyon ng UP na maaaring mangahalugan ng paglusaw ng ibang mga opisina sa UP bukod pa sa ilang posibleng security threats na kaakibat ng pagkuha ng isang third-party software developer<\/a>, ang Performance-based Bonus na may impresyon ng mas mataas na bonus para sa mga government employee pero sa aktuwalidad ay isang mapanghati (bukod pa sa sobrang delayed, paano\u2019y wala pa palang fixed guidelines ay na-implement na) na iskema ng pagpapabuya sa mga empleyado, ang mga nakaraang pag-uusap ng UP Diliman tungkol sa plantilla o items at ang mga \u201cmungkahing\u201d pag-adjust ng mga puwesto ng empleyado sa loob ng unibersidad para makaayon sa paghihigpit daw na ginagawa naman ng DBM (dito sa pulong na ito una kong narinig ang mga terminong \u201cscrap and build,\u201d \u201cno new warm bodies,\u201d \u201credundant employees\u201d).\u00a0 Ang halo-halong pinaghuhugutang ito ang aking nagiging mga puwersang panimbang, laging may mas mabigat sa bawa pagkakataon.\u00a0 Naghahalo ang mas maliit sa mas malawak, nagsasala-salabat.\u00a0 Dahil totoo namang ang kahit sinong tao, gaano man ka-de kahon, ay laging may mga nagsasala-salabat na tunggalian.\u00a0 O at least, sa taong napunta sa pinansyal at kultural na estado at kakayahang katulad ko.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Kaya may mga oras na naiisip kong baka nga marahas ang magsunog ng upuan at baka kung may kinakatawan kang progresibong organisasyon ay dapat maging mas maingat ka sa pagtugon.\u00a0 Pero naniniwala rin akong may mga dahas na mas tahimik, mas mukhang disente dahil nagtatago sa maskara ng protocol o legalidad o mandato ng isang sistemang pinaniniwalaan bilang marangal;\u00a0 naniniwala akong ang kinatawan ay kinatawan, pero ang kinatawan ay tao rin.\u00a0 At kahit sinong tao, lalo\u2019t naitulak ng pagod at lungkot (dahil wala namang masaya na may namatay, nagkakasundo naman ang lahat doon), pag nakaramdam ng impresyon mula sa iba na pinahihiwatig na hindi totoo ang ipinaglalaban niya, hindi nakakagulat na tumugon siya at tumugon nang personalan.\u00a0 Tulad ng personal na desisyon ang mag-link ng mga artikulo, maglagay ng komentong singhaba ng \u201cTulad nang ginagawa mo sa mga rally, maingay at matapang ka pag may kasama. Ngayon, matapang ka dahil babae ang ginanito mo at may namamagitan na cyberspace sa inyong dalawa. Umayos ka pre, may kakalagyan ka\u201d o sing-iksi ng \u201cYES\u201d (mas may pagkiling ako sa una, dahil lang sa mas nakukuha ko kung saan siya nanggagaling at mas maliit ang pagkakataong ma-misinterpret ito bilang pretense sa pagiging clueless o innocent linking gaya ng huli), at magdesisyon kung gawing public ito or for friends o pangsarili lang bago i-click ang \u201cpost\u201d button.\u00a0 <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/anton.dulce\/posts\/10200388839557057\">Hindi rin nakakagulat na humingi man ng paumanhin, may ibang tatrato dito bilang kaplastikan,<\/a> isang tao lang siya sa isang mas malaki\u2019t malawak na organisasyon, kahit na baka lahat ay naniniwala na karapatan ang edukasyon, na mahal ang edukasyon sa UP at sa ibang institusyon, na matagal na ito, na may mga kolektibong pagkilos nang naisagawa noon-noon pa (na sabi nga ng nagsalita kanina sa isang pagtitipon sa Quezon hall, kasinglinaw na ng mga placard at streamer sa rally ang mga panawagan, walang kahit na anong itinatago), <a href=\"http:\/\/jbperez4.blogspot.com\/2013\/03\/i-am-hurt-anton-dulce.html?spref=fb\">matatabunan pa rin ang paumanhin ng mga akusasyon ng pambabastos sa babae, sa kaawa-awang babae, sa isang simpleng taong nag-post ng simpleng note ng isang friend of a friend.\u00a0 Iba kasi pag personalan e.<\/a><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Naalala ko tuloy, siguro mga lampas dalawa o tatlong taon na ang nakaraan.\u00a0 <a href=\"http:\/\/www.arkibongbayan.org\/2009\/2009-12Dec03-UP%20rally%20vs%20GMA\/up%20rally%20vs%20gma.htm\">May rally sa may Asian Center dahil sa may event na darating daw si Gloria Macapagal Arroyo<\/a>.\u00a0 Nagpadala ng UP Police ang isang opisyal.\u00a0 Nakausap ng mga nagra-rally ang UP Police, nakumbinsing wirdo nga namang mga taga-UP pa ang paaalisin ng UP Police.\u00a0 May opisyal na nagpatawag ng Quezon City Police at nagkaroon ng hindi maayos na dispersal.\u00a0 Naghanda ng statement ang isang grupo tungkol sa isyu na inilalatag sa University Council Meeting, ang pinakamataas na kapulungan sa Unibersidad.\u00a0 Hindi na umabot sa diskusyon ng dispersal dahil maraming guro ang nasaktan dahil nakalagay ang pangalan ng chancellor sa statement, at imbes na sa mas malawak na usapan ng campus security at autonomy ng campus ang pag-usapan, napunta sa delicadeza, sa pag-offend ng isang mabait na chancellor, ng isang tao, isang kaibigan.\u00a0 Maraming nasaktan sa personal na antas noong araw na iyon.\u00a0 Interesado akong pag-isipan kung ano ang pinagkaiba ng bigat sa bagahe ng isang UP Freshie na tinanggalan ng pagka-UP niya, at ang mga personal na bagahe ng mga UP Professor na nakapaloob sa tinatayang pinakamataas na asembleya ng kaguruan sa UP.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ngayon, ginagawa ko ang inaasahan sa akin bilang manunulat\/ nag-aastang manunulat\u2014isulat ang karanasan, magpakatapang kahit hindi pa sigurado o may mga takot o hindi pa malinaw na detalye, o tinatamad, itatrato ito bilang isang pagpoproseso na may posible pang mga karugtong, isang prosesong posibleng huli na nga, baka nasabi na, pero tinatangkang humabol at baka may maiaambag pa.\u00a0 Bukas\/ mamaya, papasok ako sa aking klase, itatanghal ang inaasahan sa akin bilang guro\u2014pumasok sa tamang oras, talakayin ang nasa silabus, ilahok ang usapin tungkol sa estudyante, kay Kristel, gawing malinaw kung saan ako nanggagaling sa pagbabahagi ng isyu, ibahagi ang mga nauunawaan kong ugat at implikasyon, piliting maiugnay ito sa diskusyon namin sa klase ng Wika, Kultura, at Lipunan, sikaping maging balanse at hindi padalus-dalos sa pagtugon sa mga estudyanteng hindi ko kalinya ng pinapanigan sa mga oras na iyon.\u00a0 At sana, sa gitna ng aking mga sariling limitasyon at pagkukulang, maitawid ko ang lahat ng mapag-uusapan sa ibang anyo, sa patuloy na pagsusulat, sa patuloy na pagtuturo at pagkatuto, na sana\u2019y hindi magmukhang paulit-ulit, pabali-baligtad, bumubuhay ng mga tao at kuwentong patay na.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Tinatapos ko ito, sa ngayon, nang nauunawaang nagtapos ito dulot ng sariling mga pagkukulang.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Pumasok ako sa UP Diliman noong Lunes, nakasuot ng itim na Spider-man shirt.\u00a0 Nabalitaan ko ang suicide ng isang UP Manila student noong \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/03\/20\/baka-tungkol-sa-up-manila-student\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":2836,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,6,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2835"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2835"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2835\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2837,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2835\/revisions\/2837"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/2836"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2835"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2835"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2835"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}