{"id":3003,"date":"2013-06-10T23:49:49","date_gmt":"2013-06-10T23:49:49","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3003"},"modified":"2013-06-10T23:49:49","modified_gmt":"2013-06-10T23:49:49","slug":"ang-landas-ng-sakit","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/06\/10\/ang-landas-ng-sakit\/","title":{"rendered":"Ang Landas ng Sakit"},"content":{"rendered":"<p>Nagsimula ang lahat sa Isa. Isang makapangyarihan-sa-lahat na puwersa, Siyang nagtulak<br \/>\nsa mekanismo ng panahon. Anim na bahagdan ng oras sa paglikha ng tubig, lupa, hayop,<br \/>\nhalaman. Iba&#8217;t ibang katawan, iba&#8217;t ibang uniberso na umaakit sa bawat isa, hinihigop<br \/>\nang bawat bahagi sa kanya-kanyang sulok ng kawalan\/kalawakan. Sa ikaanim binigyang-malay<br \/>\nang tao. Sa umpisa&#8217;y mag-isa ang tao, hubad, walang itinatago, walang sandata<br \/>\nlaban sa pangungulila. Ang pangungulila&#8217;y manganganak, dadami, makikilala sa ngalang &#8220;buhay.&#8221;<\/p>\n<p>At uusad itong panahon sa siklo ng pagpupuno, sa paggganap dito sa sinasabing &#8220;buhay.&#8221;<br \/>\nGiginawin ang balat, hahanapin ang liyab; kakalam ang tiyan, at ang pinakatamad ay maitutulak<br \/>\nmula sa pagkakahiga, ihahanda ang pain sa huhulihing baboy o isda; lilikha siya ng mga sandata<br \/>\nmula sa kahoy, bato, bakal. Magkukubli, mag-aabang sa isda o baboy-ramo, mga hayop<br \/>\nna may karneng tatagpas ng gutom, balat na susukob sa ginaw. Mapupuno ang kanyang malay<br \/>\nnitong lohika ng pagpuno. Bawat puwang ay mapupunuan, tulad ng paghigop<\/p>\n<p>sa mainit na sabaw tuwing maulan ay katulad din ng gagambang humihigop<br \/>\nsa nilusaw na katawan ng insektong hinuli sa patibong. Katulad ng pagkuha sa isang buhay<br \/>\npara mapanatili ang buhay ng isa pa, lalo ang buhay ng sarili. Sa sariling kamalayan,<br \/>\nnapupuno ng paliwanag ang tao, bawat kilos ay may dahilan, may lohikang tumutulak<br \/>\nsa bawat tangkang pumuno sa kanyang mga puwang. Ang presong sinusuwag na parang hayop,<br \/>\nhalimbawa&#8211;taong kinukuryente, tinatanggalan ng kuko&#8217;t nilalapnos ang balat&#8211;ito&#8217;y sandatang<\/p>\n<p>iginagawad ng kapwa tao para mahanap ang sariling pagkapayapa. Magkakaiba ang sandata<br \/>\nsa magkakaibang gera. May ilang lulubog sa pagkatha&#8217;t pagtula, sila&#8217;y mahihigop<br \/>\nng pang-akit ng mga salita. Isusulat nila ang lahat ng mga halimaw, ang mga hayop<br \/>\nna may tatlong ulo, malaking pakpak, matatalim na kuko&#8217;t pangil, nginangasab ang buhay<br \/>\npatungo sa kawalan\/kalawakan. Ilalatag sa mga kathang ito ang bawat puwersang tumulak<br \/>\nsa tao patungo sa kanyang mga ikinilos\/ikinikikilos. Sa kanyang kamalayan,<\/p>\n<p>kumikilos siya dahil siya&#8217;y nag-aabang, siya&#8217;y nagmamalasakit. Sa kanyang kamalayan,<br \/>\nnagbigay siya at ito&#8217;y hindi natumbasan. Ang malasakit at pag-aabang niya ang sandatang<br \/>\nginamit laban sa kanya. Ano&#8217;t pinarurusahan siya para sa kanyang mga kulang? Itinutulak<br \/>\nang tao ng kanyang mga puwang, may mga butas sa kanyang katawan na humihigop\/hinihigop<br \/>\npatungo sa iba pang katawan. Ano ang mali sa pagnanasang makumpleto itong buhay?<br \/>\nSamantala, sa isang sulok ng mundo, ginagahasa&#8217;t binabaril ang isang pulutong ng tao, parang hayop<\/p>\n<p>na nakahanay at nakahandusay. Kumikisay-kisay ang mga katawang pinasabog ang ulo. &#8220;Mga hayop,&#8221;<br \/>\nisisigaw nilang may mga ulo pang nakakabit sa katawan, duguan at patakas na ang malay.<br \/>\nSa kanilang mga huling sandali, iniisip nila, ito na ba, ito na ba ang lohika nitong buhay?<br \/>\nItong isang araw ng kawalang-muwang, haharangin ng mga taong may armas ng gera, sandata<br \/>\nng Estado? Ang buhay ba ay nasa semilyang pinaputok sa aring pauulanan ng bala, sa dugong hinihigop<br \/>\nng lupang namimintog? Ang buhay ba&#8217;y nasa bulubunduking bangkay, o sa orasang patuloy sa pagtulak?<\/p>\n<p>Ganito ang landas ng sakit. Isang mabangis na hayop, sinalaksak ng patalim. Isang sandatang<br \/>\nnagnanakaw ng malay, pampuno sa puwang ng katawan. Isang pag-aabang. Lupang humihigop<br \/>\nng buhay. Isang pangungulila. Ang pagluwal ng panahon, ng mekanismong patuloy sa pagtulak.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/06\/DSC_2915.jpg\" rel=\"lightbox[3003]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-3004\" alt=\"DSC_2915\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/06\/DSC_2915-390x590.jpg\" width=\"390\" height=\"590\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/06\/DSC_2915-390x590.jpg 390w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/06\/DSC_2915-629x950.jpg 629w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/06\/DSC_2915-220x332.jpg 220w\" sizes=\"(max-width: 390px) 100vw, 390px\" \/><\/a><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Nagsimula ang lahat sa Isa. Isang makapangyarihan-sa-lahat na puwersa, Siyang nagtulak sa mekanismo ng panahon. Anim na bahagdan ng oras sa paglikha ng \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/06\/10\/ang-landas-ng-sakit\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3005,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,28,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3003"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3003"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3003\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3006,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3003\/revisions\/3006"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3005"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3003"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3003"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3003"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}