{"id":3066,"date":"2013-08-15T00:26:54","date_gmt":"2013-08-15T00:26:54","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3066"},"modified":"2013-08-15T00:26:54","modified_gmt":"2013-08-15T00:26:54","slug":"calle-luz-calle-real","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/08\/15\/calle-luz-calle-real\/","title":{"rendered":"Calle Luz\/ Calle Real"},"content":{"rendered":"<p>Mula sa lumang Multiply Blog, mga piyesang base sa Dead Stars at Sepang Loca:<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><b>Calle Luz<\/b><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Tubig ang nagluluwal sa larong ito.\u00a0 Dito sa kanilang bersyon ng patintero, hindi tisa o nabasag na paso ang pinangguguhit ng linya, kundi tubig.\u00a0 Tubig, na pinapadausdos nang paunti-unti mula sa kinuhang panalok&#8211;galon ng pintura o lata ng pinulbos na gatas, mga sisidlang sinaid na ang mga dating lamang-loob.\u00a0 Tubig na ipangtatakda ng loob at labas, ng kung sino ang mga taya at kung sino ang mga dapat habulin.\u00a0 Sa kalyeng ito, hindi ginagawa ang paligsahan sa katirikan ng araw kundi sa pinakamalalim na gabi, sa liwanag ng buwan na palaging nakikipaglaro sa hilera ng mga punong inuugat ang madadahong galamay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ito&#8217;y isang larong ginagawa sa kalsadang walang kasiguraduhan.\u00a0 Walang numero o letra para sa bawat bahay, walang singularidad sa dami at hubog ng mga bakal, kahoy, semento.\u00a0 Walang kahit na anong bakas ng pagiging tiyak. Maliban sa kanila, silang mga naglalaro sa tubigan, ang mga punong sumasalo sa luha ng langit tuwing Mayo at nagpapaulan naman ng higad o tuyot na dahon pag Marso&#8217;t Abril, at isang aninong masisilip mula sa bintana ng bahay na walang partikularidad.\u00a0 Anino ba ng taong nananabik, o ng isang napapagal na sa pag-aabang?\u00a0 Hindi pahihintulutan ng kalyeng ito ang anumang pagpapaliwanag.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa umaga, uurong-sulong ang napakaraming pares ng mga paa, paparoo&#8217;t paparito ang napakaraming gulong ng bisikleta&#8217;t iba pang sasakyan.\u00a0 At palagi, palaging walang makaaaninag sa mga guhit ng larong nagdaan.\u00a0 Bagyo man ang humagupit, o ang init ng tagbanas, ang kalyeng ito&#8217;y mananatiling tahimik, makulimlim.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><b>Calle Real<\/b><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Tubig ang nagluluwal sa larong ito.\u00a0 Ito ang laro ng paglimot.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Hinahalo ang tubig sa bato, buhangin, semento, ilalatag sa daanang minsa&#8217;y namimintog sa mapulang lupang nagpuputik kapag umuulan.\u00a0 Ang ulan, isinusumpa nila ang ulan.\u00a0 Pinipigil ng ulan ang pagtataguyod ng pag-usad&#8211;ang mga munisipyo, simbahan, pagamutan, mga lugar-pasyalan.\u00a0 Inaagnas ng ulan ang kinis ng bagong-palitadang rebulto ng mga pinuno.\u00a0 Hinuhubad nito ang bihis ng pinturang nagkukubli sa bawat gaspang, biyak, at butas ng mga sanggol na pader, bubong, kalsada.\u00a0 Kasumpa-sumpa ang ulan, at sa mga panahong ganito&#8217;t mailap ang init at seguridad ng araw, wala silang magagawa kundi ang magngitngit, dumayo sa pinakamalapit na lugar-inuman.\u00a0 Dito nila ipagpapatuloy ang pagbibigay ng mga sumpa sa panahon.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa ritwal ng inuman magpapatuloy ang tagisan ng init at lamig.\u00a0 Init ng ulo nilang naantala ang trabaho, lamig ng tubig-ulan sa nadampiang katawan, kuryente ng dugo sa patpating kamay ng serbidor, pawis sa bote ng serbesang iaabot sa pinagsisilbihan.\u00a0 Wala silang ibang pag-uusapan kundi ang bukas at ngayon.\u00a0 Ang ngayon na nilulunod sa dumi at kati ng tubig-baha, ang bukas na nangangako ng panibagong simula, ng panibagong mainit, nagliliyab, makasunog-balat na sikat ng araw.\u00a0 Palagi, palagi nilang pipiliting iwaksi ang kani-kanilang alaala ng kabataan, ang kanilang mga araw sa taniman ng palay o sa may palaisdaan, ang paghigop ng mainit na sabaw bilang katumbas ng ganap na kaligayahan, ang imahen ng anak na nakangudngod sa dibdib ng nanay, anak na sinasalinan ng naglalawang gatas.\u00a0 Hindi, hindi nila pahihintulutang maalala ang lahat ng ito.\u00a0 Sa tulong ng kanilang ngitngit at ng alkohol, pipilitin nilang lunurin ang mga bakas ng lahat ng tinatawag nilang &#8220;noon.&#8221;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang noon.\u00a0 Sa dulo ng kalyeng ito&#8217;y may isang balon.\u00a0 Sa kanyang kaibuturan, may isang nilunod na sanggol.\u00a0 Sanggol ng isang baliw.\u00a0 Baliw na ginahasa.\u00a0 Baliw na ginahasa&#8217;t nagluwal ng sanggol.\u00a0 Noon, noong putik at hindi semento ang dominante sa yapak, nabingwit ng taumbayan ang sanggol na minalas.\u00a0 Pinagmasdan nila ang katawang walang-buhay, tulad ng baliw na nakahandusay sa isang malapit na damuhan.\u00a0 Ito ang kanilang noon.\u00a0 Isang balong hindi matanaw ang kaibuturan, isang baliw na bangkay na&#8217;t nakahandusay, isang hindi-humihingang sanggol sa isang bayang dahop sa pagbibigay-buhay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa dibdib ng sanggol, nakabukol ang malaking nunal.\u00a0 Isang namimintog na patak ng luha, buntis sa kahulugan.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Mula sa lumang Multiply Blog, mga piyesang base sa Dead Stars at Sepang Loca: &nbsp; Calle Luz &nbsp; Tubig ang nagluluwal sa larong \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/08\/15\/calle-luz-calle-real\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3067,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,28,27,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3066"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3066"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3066\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3068,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3066\/revisions\/3068"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3067"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3066"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3066"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3066"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}