{"id":3071,"date":"2013-09-13T16:21:59","date_gmt":"2013-09-13T16:21:59","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3071"},"modified":"2013-09-13T16:21:59","modified_gmt":"2013-09-13T16:21:59","slug":"butterfly-effect","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/","title":{"rendered":"Butterfly Effect"},"content":{"rendered":"<p>Naudlot ang plano kong paliligo dahil nakita ko siya sa ibabaw ng kama, doon sa kuwarto nina Mama at Papa.\u00a0 Pag wala kasi akong kasama sa bahay, o pag gusto ko lang maging mas mahimbing, doon ako natutulog sa kuwarto nina Mama at Papa, pag wala sila dito sa Novaliches at naroon sila sa Laguna.\u00a0 Doon ko siya nakita&#8211;ang paruparong itim na hindi ko na nabigyan ng pangalan&#8211;nakatupi ang pakpak, parang tent na nakatayo sa blue na bedsheet, hindi gumagalaw.\u00a0 Patay na siya.<\/p>\n<p>Una siyang nagpakita noong nakaraang Miyerkules, noong paligo na rin ako&#8217;t naghahanda para sa pagpasok sa UP.\u00a0 Naroon siya, ang itim na insektong hindi mapakali sa ilalim ng lilang kurtina.\u00a0 Maganda ang tama ng liwanag ng alas diyes sa katawan niya, at saktong ang mga puting bahagi ng kanyang pakpak ay may bahid ng lilang kakulay ng kurtinang kumukulong sa kanya.\u00a0 Magandang piktyuran, naisip ko, at kinuha agad ang kamera para hulihin ang paruparo, na natataranta&#8217;t hindi alam kung saan kakapit o lilipad.\u00a0 Habang kinukunan, naisip ko, baka natatakot lang si kuya\/ate (hindi ko alam kung ano ang sex niya), kaya naisip kong pagkatapos ng ilang pitik, pakawalan ko na.\u00a0 Ang problema, natatakot siya sa higanteng nagwawasiwas ng mga kurtina, kaya di niya alam kung aalpas ba o mananatili.\u00a0 Siguro dahil sa pagod, pinili niyang kumapit na lang.\u00a0 Parang sumuko na nga lang siya pagtagal, hindi na pumagaspas, hindi na sumirko-sirko sa hangin.\u00a0 Huminto na lang, sa isang bahagi ng screen, parang sinasabi sa aking &#8220;tangina mo, bahala ka na kung ano ang gusto mo, wala akong pakialam.&#8221;\u00a0 Pumasok ako sa eskuwela, pero bago umalis ay itinaas ko ang mga kurtina at hinayaang bukas ang kuwarto nina Mama at Papa.<\/p>\n<p>Pag-uwi ko kinagabihan, naroon pa rin siya.<\/p>\n<p>Medyo kinabahan ako, kasi sa mga kuwento dati, pag may paruparong itim na ayaw umalis, pananda siya na may namatay na mahal sa buhay na nasa tabi lang; kung hindi iyon, may mahal sa buhay na sinusundo, papunta sa kabilang buhay.\u00a0 Anuman ang kaba, nangibabaw ang pagod, tinulugan ko na lang siya&#8217;t inisip na pakawalan na lang kinaumagahan.\u00a0 Kinaumagahan, siya pa ang nanggising sa akin, bumababa hanggang sa bahagi ng tuhod ko, hahampasin ako ng pakpak niya, aakyat uli sa screen.\u00a0 Naniniwala na akong may gusto siyang sabihin.\u00a0 Babala kaya?\u00a0 O maghanda para sa isang nalalapit na pagkapahamak.\u00a0 Anuman ang babala, pumanig na lang ako sa paniniwalang ako ang nagma-may-ari ng kapalaran ko, umalis at inunahan ang 7am coding, ginawa ang mga nakaplanong gawin noong araw na iyon&#8211;magpautang sa kaibigan, manood ng forum, magmeryenda at makipagkuwentuhan kasama ang isa pang kaibigan, dumiretso sa meeting para sa isang ihinahandang staged production.\u00a0 Hindi ko siya naisip sa byahe pauwi, mas naisip ko ang mga planong naisagawa, ang mga wala sa planong naisagawa, ang mga hindi pa nakaplanong bukas na wala akong kontrol.\u00a0 Naroon pa rin siya sa bintana, nagtatago sa ilalim ng kurtina, halos hindi na makita sa dilim.\u00a0 Dahil hindi naman siya masyadong kumikino, inisip kong hindi siya totoo at isa siyang panaginip, hindi ko alam kung masama o mabuti.<\/p>\n<p>Nawala siya sa isip ko kaninang umaga, ginawa ko ang mga dapat gawin, nakapagtrabaho at nakakain at nakapagkuwentuhan at lahat, hindi muna umakyat at nanood ng tv sa baba.\u00a0 Kinamusta ng nanay ko kung nasa taas pa siya&#8211;natext ko pala kasi ang nanay ko tungkol sa paruparong itim na ayaw umalis&#8211;sabi ko hindi ko pa siya natitingnan at nasa baba pa ako.\u00a0 Nakakatakot daw siya, sabi ng nanay ko, sabi ni Mama, ano raw kaya ang ibig sabihin nun.\u00a0 May sinagot ako na nakalimutan ko pero sinagot ako ng nanay ko sa text ng &#8220;baliw ka talaga.&#8221;\u00a0 Habang nanonood ng Chef at Home, may nagtext sa akin na nakuha ako sa dulang pinag-audition-an ko.\u00a0 Sa sobrang tuwa ko ay nakalimutan ko muli siya.\u00a0 Hanggang sa umakyat ako, nakita ko siya, doon sa ibabaw ng kama.\u00a0 Hindi gumagalaw, patay, patay na siya.\u00a0 Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam kung kasalanan ko ba na pinabayaan ko siya o kasalanan niya ang pagpiling manatili kahit bukas naman ang pinto&#8217;t maaari siyang umalis kahit anong oras.\u00a0 Baka masyadong mataas ang ekspektasyon ko sa kanya, baka masyadong mataas ang pag-asa niya sa akin&#8211;na makukuha ko ang nais niyang ihayag bago siya pumanaw.\u00a0 Ano&#8217;t ano man, napakaelegante niya, parang isang larawan.\u00a0 Litratong buhay.\u00a0 Dinampot ko siya gamit ang postcard na regalo ng isang kaibigan, dahan-dahan siyang sinapo mula sa ilalim.\u00a0 Inilayo ko siya at ipinatong sa may malapit sa grills sa terrace, pero natakot ako sa mga langgam na nasa gilid, baka kainin siya at walang matira, kaya inilipat ko siya at ipinatong na lang sa lumang sewing machine ni Mama.\u00a0 Si Mama, sabi niya, magka-canteen daw uli siya sa Laguna, kailangan ng kapital, sana matulungan ko siya.\u00a0 Si Papa, hindi sumasagot, ilang araw na siyang di sumasagot sa text, pero sabi ni Mama ay masakit pa rin ang paa niya, hindi uli nakapasok dahil sa sakit.\u00a0 Kinuha ko ang kamera, gusto kong kunan ang paruparo sa oras ng kanyang pagpanaw.\u00a0 Sa larawan, para siyang isang bisitang nakatingin, may masamang titig.\u00a0 Sa isip ko, pinagsasabihan niya ako ng &#8220;alam ko ang mga plano mo, hindi mo ako pwedeng lansiin.&#8221;<\/p>\n<div id='gallery-1' class='gallery galleryid-3071 gallery-columns-3 gallery-size-thumbnail'><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8755\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8755-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8721\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8721-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8809\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8809-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8804\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8804-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8801\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8801-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8779-2\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8779-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8758\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8758-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8752\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8752-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/dsc_8944\/' itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2013\/09\/DSC_8944-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure>\n\t\t<\/div>\n\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Naudlot ang plano kong paliligo dahil nakita ko siya sa ibabaw ng kama, doon sa kuwarto nina Mama at Papa.\u00a0 Pag wala kasi \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/13\/butterfly-effect\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3074,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3071"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3071"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3071\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3082,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3071\/revisions\/3082"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3074"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3071"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3071"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3071"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}