{"id":3255,"date":"2014-02-10T13:31:51","date_gmt":"2014-02-10T13:31:51","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3255"},"modified":"2014-02-10T13:34:20","modified_gmt":"2014-02-10T13:34:20","slug":"dalawang-punto","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/02\/10\/dalawang-punto\/","title":{"rendered":"Dalawang Punto"},"content":{"rendered":"<p>Nag-aayos ako ng mga litrato kagabi, mula sa kaarawan ni Lola Nita sa Cabuyao.\u00a0 Doon ko nahuli ang larawan ni Papa, nakangiti habang nakaakbay sa mga lolang tita (ano ba ang tawag pag kapatid\/kamag-anak ng aktuwal na lola ang tinatawag?).\u00a0 Mas mapisngi na siya, sabi ko kay Mama noong umaga bago ang handaan kina Lola, noong naglalakad-lakad kami sa may sementeryo na malapit sa village doon sa Cabuyao.\u00a0 Kapag hindi kami pumapasyal sa Los Banos (simula noong Enero&#8217;y nagagawa naming mag-Elbi kahit isang beses isang linggo para maka-bonding at maehersisyo si Papa; pag hindi maka-Elbi, doon sa sementeryo siya naglalakad-lakad).\u00a0 Sa masama magbiro (gaya ko, madalas), pwedeng mapansin agad ang parikala sa pagpasyal-pasyal namin sa memorial park&#8211;inilayo na nga namin si Papa mula sa pagkapahamak, doon pa rin kami sa maraming patay lumalakad-lakad.\u00a0 Pero walang magagawa, doon may malawak na lupa, doon berde ang damo at doon malamig-lamig ang hangin at banayad ang sikat ng araw kapag bago mag-ala siyete dumadaan.\u00a0 Kung hindi pa rin kayang pumunta doon, sa loob na lang ng Hongkong Village sila umiikot&#8211;si Papa, ay syempre, si Alejandro, ang dating aso ko na aso na niya ngayon.<\/p>\n<p>Sa mga malapit sa akin at sa mga nakakabasa ng blog na ito, alam nilang dumaan si Papa sa operasyon noong Oktubre.\u00a0 Mga kumplikasyon dahil sa pagiging mataas ng blood sugar niya.\u00a0 Dahil doon, maraming bagay ang minamadali&#8217;t pinipilit ko.\u00a0 Ang mga loan na nasimulan bago ang operasyon, mga personal na utang para sa mga personal na ginhawa gaya ng sasakyan, camera, ibang gadget.\u00a0 Ang aplikasyon sa housing, dahil sa tantiya namin ay pag nagkabahay kami sa UP ay makakabawas ng gastos o makakabawi sa mga utang mula sa operasyon at sa mga patuloy na pagpapagaling; pag-iisip ng Ph.D., o ng mga bagong admin position, o ng kahit na anong raket na makakapagdagdag ng pondo.\u00a0 Mga pagmamadaling madalas ay hindi sinasabayan ng mundo, dahil anuman ang paggigiit ko na mahalaga ang pinagdadaanan namin, may sariling ritmo ang mundo na madalas ay nagsusuplado sa mga gurong may amang diabetic na nakatira sa Hongkong Village sa Cabuyao.<\/p>\n<p>Sa madaling sabi, may mga resultang hindi umaayon sa mga gusto kong mangyari, sa mga inaakala kong makakaalis ng mga bagay na nagpapabigat sa pamilya kong sinisikap maging normal uli, sa pinansya at sa iba pang bagay.\u00a0 Madalas, nadidismaya ako, nadidismaya ako pag hindi ko nakukuha ang gusto ko, lalo&#8217;t tingin ko&#8217;y may magandang dahilan.\u00a0 Pero noong linggo, pinapanood ko si Papa, napansin ko ang pagdagdag sa timbang niya, magkakasama naming pinuntahan ang kaarawan ni Lola, bumiyahe kami kasama nina Mama, ng hipag kong si Pia at ang mga pamangking sina Nimra at Barrick.\u00a0 Sama-samang kumain ng dinuguan at puto at ginisang upo at paksiw at melon at ng kung anu-ano pa, kumuha ng litrato habang ang iba&#8217;y nakapila sa videoke.\u00a0 Noong nakauwi, noong nasa QC na&#8217;t nag-eedit ng mga litrato, nakita ko ang litrato ni Papa at naisip, dalawang punto:<\/p>\n<p>1. Marami mang kinuha sa amin, makatarungang tantiya man iyon o hindi, sa ngayon, may isang bagay na hindi binawi ang kapalaran&#8211;si Papa.<\/p>\n<p>2. Sa maraming ipinagkait, makatarungang tantiya man iyon o hindi, sa ngayon, may isang bagay na ipinaubaya ang kapalaran&#8211;panahon.\u00a0 Oras para makabawi, makapag-ipon at makausad kasama si Papa at si Mama, kasama ang mga mahal ko sa buhay.<\/p>\n<p>Sa dalawang punto ko inilalakip ang alaalang ito, at sa mga pundasyon ding ito itataguyod ang mga kasunod kong kuwento.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Nag-aayos ako ng mga litrato kagabi, mula sa kaarawan ni Lola Nita sa Cabuyao.\u00a0 Doon ko nahuli ang larawan ni Papa, nakangiti habang \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/02\/10\/dalawang-punto\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3256,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,4],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3255"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3255"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3255\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3258,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3255\/revisions\/3258"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3256"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3255"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3255"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3255"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}