{"id":3320,"date":"2014-07-26T16:24:04","date_gmt":"2014-07-26T16:24:04","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3320"},"modified":"2014-07-26T16:44:21","modified_gmt":"2014-07-26T16:44:21","slug":"pagsasalin","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/07\/26\/pagsasalin\/","title":{"rendered":"Pagsasalin"},"content":{"rendered":"<p><iframe loading=\"lazy\" src=\"\/\/www.youtube.com\/embed\/r3w-giInUC8\" height=\"315\" width=\"560\" allowfullscreen=\"\" frameborder=\"0\"><\/iframe><\/p>\n<p>Noong isang araw ay nakatanggap ako ng text, isang tanong: \u201c Sir Vlad, may Tagalog term po ba ang <i>ethereal<\/i>?\u201d\u00a0 Mula sa estudyanteng tagateatrong matagal-tagal ko ring hindi nakakasama o nakakatambay.\u00a0 Ang pinakauna kong naisip na i-reply ay \u201cwell, hindi naman kasi Tagalog iyan, Filipino iyan\u2026\u201d at magpaliwanag ako nang pagkahaba-haba tungkol sa mga nalalaman ko sa kasaysayan at halaga ng wikang Filipino, lalo\u2019t sa ganoong adbokasiya ako nagmula noong mga oras na natanggap ko ang text\u2014nasa LRT ako at pauwi mula sa isang rally sa Mendiola, <a href=\"http:\/\/pinoyweekly.org\/new\/2014\/07\/pista-protesta-para-sa-wikang-pilipino-isinagawa-sa-mendiola\/\">\u201cPistang Protesta\u201d<\/a> ayon nga sa mga kaalyadong institusyon ng alyansang may pangalang <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/TANGGOLWIKA\">\u201cTanggol Wika.\u201d<\/a>\u00a0 Pero alam kong pamimilosopo iyon, alam ko ang hinihiling ng nagtext, at hindi ang pagmamatalino ko iyon.\u00a0 Hindi siya ang kalaban, o hindi iyon ang laban na kinapapalooban naming dalawa. \u00a0Sinabi ko na lang sa kanya, pagkadating na pagkadating ko sa opisina ay titingnan ko sa diksyunaryo kung may katumbas siyang salita.\u00a0 Sa madaling sabi, hindi ko alam ang sagot.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>At hindi ko agad nahanap ang sagot pagkadating sa opisina, pagkat humabol naman ako sa retirement party para sa isang kasamang guro.\u00a0 Palibhasa\u2019y nagutom sa byahe, dumiretso ako sa buffet table at kumuha agad ng pagkain.\u00a0 Habang nginangasab ang platong tinambakan ng mga fish kebab at pinaghalong spaghetti at sotanghon (hindi ako nag-agahan, walang husgahan), nasa kalagitnaan naman ng pagsasalita ang isang senior faculty na kaibigan ng magreretiro.\u00a0 Naiiyak siya dahil naalala ang mga di-inaasahang hidwaan at ang may pagkasariwa pang pagkakasundo nila ng gurong magreretiro noong nakaraang taon.\u00a0 Medyo na-guilty nga ako, dahil bukod sa pagpuno sa sariling sikmura imbes na makinig at makiramay sa pagsesenti ang inaabala ko, ang tanging alaala kong may kaugnayan sa kasamang gurong naroon ay ang mga panahon na naging guro ko siya, at noong pinapabukas niya sa akin ang lumang electric fan sa lumang classroom ng lumang building namin, ang electric fan na hindi ko mabuksan dahil wala naman kasing switch.\u00a0 Tanggal na ang pihitan at maiikot lang ito kung may manipis na baryang maisusuksok sa nakausling bakal o kaya\u2019y cyborg ka at may robotic na daliri.\u00a0 Kung anuman, nahiya\/nahihiya ako sa pag-iisip ng mga ganoong bagay sa panahong dapat ay puro masayang alaala ang pinalulutang.\u00a0 At sigurado naman akong bukod sa aking maliit na sandali kasama ang gurong magreretiro na, marami pa siyang mga sandali at papel na ginampanan, hindi namin mga sandali, pero hindi nangangahuluhang hindi kasingtotoo ng mga naranasan ko noong guro ko pa siya.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Pagkatapos ng programa, balik sa opisina.\u00a0 Naroon ang diksyunaryo pero walang naialok na katiyakan.\u00a0 Nagtanong ako sa mga kaibigang gurong katext ko.\u00a0 May mga sagot gaya ng \u201cmarilag,\u201d \u201cmarikit,\u201d \u201ckaakit-akit,\u201d \u201cmagaan,\u201d \u201cmalahangin.\u201d\u00a0 Parang kulang pa rin.\u00a0 Kaya tinext ang naunang nagtanong, sa anong pangungusap ba nagamit, o sa anong kondisyon ba sinasabi ang salita?\u00a0 Sabi niya, wala naman, naisip lang niya dahil madalas daw iyong ginagamit kapag nagsasagawa ng critique o review ng isang pagtatanghal o palabas.\u00a0 May salita ba sa Filipino na kapag sinabi\u2014isang salita lang\u2014ay mauunawaan niya ang esensya ng mga review ng dula o sayaw o konsyerto na nagsasabing \u201cethereal\u201d sila?<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Kakagaling ko lang sa panonood ng dulang <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/Fluid111?fref=nf\"><i>Fluid<\/i> na isinulat ni Floy Quintos at isinaentablado rin sa kanyang direksyon doon sa De La Salle &#8211; College of Saint Benilde.<\/a>\u00a0 Sa unang tingin sa <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/Fluid111\/photos\/a.1420457454884966.1073741825.1419709021626476\/1440811219516256\/?type=1&amp;theater\">poster<\/a> ng palabas, maraming pwedeng maisip, lahat ay papunta sa mga bagay na nakakabastos o nakakalibog.\u00a0 Mga bagay na tungkol sa pagpapalabas ng kung anu-anong katas sa katawan, baka mga lalake at babaeng maglalaplapan at maghihimuran, baka maraming orgy na magaganap, baka may ipapakitang mga kabalahuraang hindi kayang sabihin ng kahit sino pero alam ng lahat na iniisip at maaaring ginagawa nila.\u00a0 At syempre, sa lahat ng paghahandang ito ng aking imahinasyon, sasalubungin ako ng eksena ng isang tauhang tumatapik sa pagsasayaw, at isang pintor na nagsasalsal sa kanyang makalat na silid\u2014lakas maka-\u201cartist\u201d\u2014bago pumasok ang curator na naghahanap ng itatampok na \u201cemerging genius\u201d ng sining, isang art superstar.\u00a0 Aba, usapang <a href=\"https:\/\/www.marxists.org\/reference\/archive\/mao\/selected-works\/volume-3\/mswv3_08.htm\">art<\/a> pala ito.\u00a0 Pinangunahan ako ng malikot na isip at ekspektasyong kung saan-saan naglalakbay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa pag-Google ng salitang \u201cfluid,\u201d unang magpapakita sa mga resulta ang \u201ca substance that has no fixed shape and yields easily to external pressure; a gas or (especially) a liquid.\u201d\u00a0 Sa aking isip na pakialamero at maraming pinupuntahan at pinupunuan bago pa ang paglantad ng aktuwal na pisikal na eksena, pinuno ko na ang mga koneksyon, ang mga posibleng kulang.\u00a0 Baka tungkol sa mga pagsasalsal at pagpapalabas sa usapin ng sining.\u00a0 Baka tungkol sa iba\u2019t ibang antas ng pagpuno ng mga kulang\u2014damdamin, libog, gutom, baka kapanatagan o\/at kasikatan.\u00a0 Baka tungkol sa pressure, sa mga iniipit at nang-iipit, sa mga nag-iinit at naglalaho, lumilipad sa hangin, humahalo sa alapaap, bumabagsak sa lupa, sa pinakailalim.\u00a0 Baka tungkol sa\u2026kultura.\u00a0 Baka tungkol sa \u2026lipunan.\u00a0 <a href=\"http:\/\/www.gmanetwork.com\/news\/story\/291627\/lifestyle\/artandculture\/the-state-of-art-and-criticism\">Baka tungkol sa pagpuna sa kultura at lipunan<\/a> kung saan maraming umaastang kritiko sa mga palabas na may mga jologs na pintor mula sa Kalentong na galit na galit mga kritiko at hindi makabenta ng painting na umaabot sa 20000 pesos.\u00a0 Maaaring marami akong pinangungunahan.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang mga panghihimasok ko sa istorya ng dula, ang aking mga pangunguna, ay mga pangununang mayroon din namang pinaghuhugutan.\u00a0 Naaalala ko ang isang leksyon ng isang yumaong guro sa dula, tungkol sa kanyang interpretasyon kay <a href=\"http:\/\/hca.gilead.org.il\/li_merma.html\">Ariel\/Little Mermaid<\/a> at ang kanyang pagbabago mula isang sirena patungo sa bulang-dagat.\u00a0 Sa boses nagmula ang lahat\u2014gusto ng sirenang magustuhan siya ng isang lalaking nakatira sa lupa, kaya isinuko niya ang kanyang boses sa isang mangkukulam upang magkaroon ng sariling paa, upang magbago ng anyo.\u00a0 Nakuha niya ang mga bahaging kailangan para lumakad, pero ang pag-usad ng kanyang buhay pag-ibig, dahil sa wala siyang kakayahang magsalita, ay hindi namunga.\u00a0 Sa huli, ang dating nilalang na may sariling katawan ay humalo sa hangin, isang alaalang hindi sigurado kung nangyari o kathang-isip lang, nakadepende sa mga panalangin kung magpapatuloy pang umiral o maging wala, isang kondisyong mas masahol pa sa pagiging hangin.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Naiisip ko ang karanasan noong \u201crumaket\u201d minsan para sa isang organisasyon.\u00a0 Gagawa ako ng jingle para sa kanilang sentenaryo, at tuwang-tuwa ako dahil ang composer na makakatrabaho ko ay nagsabing ang bayad sa akin ay aabot ng sampung libo.\u00a0 Tuwang-tuwa ako, dahil sa buong buhay ko bilang manunulat ay wala pa akong nakuhang kahit na anong lampas sa isang libo para sa naisulat ko.\u00a0 Kaya isang mainam na surpresa iyon.\u00a0 Ginawa ko ang mga salita, nilapatan ng tugtog, kinanta sa sentenaryo, Lea Salonga pa iyon ha.\u00a0 Pasabog, \u201cboom panes\u201d sabi nga ng maraming mas bata ngayon.\u00a0 Paglipas ng ilang taon, malalaman ko na ang bayad pala sa composer ay lampas isang daang libo.\u00a0 Wow, hiyang-hiya naman ang sampung libo ko sa kanya.\u00a0 Pero, kahit sa ngayon, pinag-iisipan ko, dapat bang ang lahat ay usapan ng pera at halaga?\u00a0 At sa kabilang banda, paano naman hindi pag-iisipan kung may mga puwersang nagtatakda ng kung ano ang mahal at mura, at sa aking karanasan, laging ang mga salita ko ang may halagang mas mababa.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>May nabasa akong isang status mula sa kaibigang nobelista, tungkol sa kanyang pagkairita mula sa mga taong humihingi ng \u201ccompli copy\u201d ng kanyang mga libro tuwing may bago siyang akdang mailalabas.\u00a0 Para sa kanya, isang pambabastos iyon sa nagsulat, dahil maraming oras at lakas ang ibinuhos niya para mabuo ang proyekto, at para sa kanya ay panghahamak sa oras at lakas na iyon ang pagpapababa nito sa puntong hindi magbabayad ang mga tao para makakuha ng kopya.\u00a0 Naalala ko ang mga pagkakataong ganoon din ako, nasa iba\u2019t ibang panig ng ganitong ugnayan, ang manghingi ng libreng kopya ng sariling libro o libro ng iba, manghingi dahil walang ibang pwedeng ibayad o nanghihingi dahil gustong makalibre sa gawa ng iba, ang mga dula at pelikula at iba pang mga pagtitipon na nagtangka akong makaiwas pagbabayad, at ang mga panahong ako naman ang pinagtatanungan kung may complimentary ticket o may mabibigay akong libreng libro.\u00a0 Iba-iba ang tindig ko tungkol sa usapin ng pagpapahalaga at pagpapalibreng ito, minsan ay patungo sa pag-iisip na mas mahalaga ang adbokasiya at pagpapaganap ng ideya, minsan ay patungo sa \u201ctangina bayaran nyo naman ako ano\u201d na mentalidad.\u00a0 Naaalala ko ang memes at iba pang viral na bagay sa Internet, kung saan pinagkukumpara nila ang serbisyo ng mga doktor o engineer o arkitekto sa mga manunulat, graphic designer, o aktor.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Isa sa mga katangiang parehong taglay ng panitikan at fluids ay ang resonance.\u00a0 Ganito ang isa kong papel bilang gurong nagtuturo sa kolehiyo, ang mag-ugnay ng mga konsepto sa mga puwersa o bagay o pangyayari na parang hindi magkatulad.\u00a0 Tatalakayin kong ang fluids ay may molecules na gumagalaw sa mga tiyak na paraan depende sa intensity ng pressure na inilalagay dito, at ito ang resonance.\u00a0 Sa panitikan, ito ay may kaugnayan sa pakiramdam ng pagkaistorbo, isang pagkaistorbong umuulit-ulit sa loob ng makakabasa, umuulit-ulit dahil baka naranasan na, o baka hindi pa naranasan pero ibinubukas ang sarili sa posibilidad, o nakikipagtunggali kung magbubukas ba o mananatiling sarado, at sa gitna ng ganitong pakikipagtunggali ay nagpapatuloy ang pag-uulit-ulit, hindi basta-basta maialog o maialis, hanggang sa mahiga o matulog, hanggang sa mapuyat at bumangon para gawin ang mga nakasanayan nang gawain, hanggang sa magpakita ng mga emosyon at mga reaksyon sa mundo na maaaring nagpapakitang hindi sila naistorbo ng kanilang binasa pero ang totoo, ito lang ang iniisip nila at pinag-iisipan simula pa noong unang saglit na naisalaksak ito sa kanilang kamalayan.\u00a0 Naisalaksak at nabuhay, hindi mapakali, at natatakot ang napasok ng ganitong kamalayan, kasi akala niya siya lang ang nakakaramdam nito.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa maraming mga diskusyon tungkol sa pag-uulit-ulit at pagkaistorbo, lalo sa usapin ng mga piyesa o pagtatanghal na ipinapasok sa kategorya ng \u201cpanitikan,\u201d may mga karaniwang lumulutang na usapan.\u00a0 Pakiramdam ng pagiging mag-isa.\u00a0 Opresyon, pagsasagilid, pagpapatahimik.\u00a0 Pagbaligtad ng mga kapalaran. \u00a0Pagtanggap o pagiging tanggap.\u00a0 Kaligtasan o katubusan.\u00a0 Pagtatapat.\u00a0 Pag-amin na hindi okey ang lahat.\u00a0 Nakadepende sa mga nagpapaliwanag, nakikinig, mga namamagitan, kung anu-anong pag-uulit ang kukulo sa loob.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Sa panonood ko ng <i>Fluid<\/i>, pinakukulo ang loob ko ng mga tauhang pinanood\/ pinapanood ko.\u00a0 Kumukulo ang loob dahil parang kilala ko sila na hindi, parang ako sila na hindi.\u00a0 Ang pintor na galing sa hirap, ang curator na gustong tumaas ang halaga sa pananaw ng iba; ang tagateatrong magiging waiter dahil hindi siya kayang buhayin ng mga dulang may social relevance at nakasulat pa sa Filipino, ang kanyang kaparehang nangangarap na mapasali sa musical sa ibang bansa at balang araw ay makatawid sa showbiz; ang stage manager na gustong patunayang isang sining ang kanyang ginagawang pangangasiwa, ang coordinator ng orchestra na tumutugtog sa mga kasal kahit para sa kanya ay hindi lang pera ang mahalaga kundi ang kultural na kapital, at sa huli\u2019y sumubok magbalanse sa pera at prinsipyo sa pagiging art critic\/ reviewer.\u00a0 Maraming dapat ipagkakulo ng loob sa kanila.\u00a0 Una, parang mga tao silang lutang, angat sa karanasan ng mga taong nasa pinakasulok at singit ng mundo, pero ang nakakainis ay alam nating totoo sila, nababasa natin sila sa mga society at lifestyle page sa dyaryo, nabubuhay sila sa mga gallery sa Pasong Tamo Extension at iba pang \u201cgood\u201d galleries, napapanood natin sila sa iba\u2019t ibang batis ng entablado, ng mainstream at indie na cinema, nababasa natin ang kani-kanilang rants at raves sa ating social networks at nakikita natin ang pira-piraso ng kanilang buhay sa kani-kanilang mga instagram.\u00a0<a href=\"http:\/\/www.interaksyon.com\/entertainment\/photo-official-shot-of-rachelle-ann-go-as-gigi-in-miss-saigon-bared\/\"> Mapapanood natin sa TV ang kuwento ng mga artista sa ating weekend variety shows na tumatawid sa mundo ng teatro,<\/a> <a href=\"http:\/\/www.spot.ph\/peopleparties\/55687\/table-tennis-with-louie-cordero-john-lloyd-cruz-lea-salonga-kenneth-cobonpue--more-at-art-fair-philippines-2014\">makikita nating nakikilaro ng table tennis ang mga movie heartthrob natin sa mga tinaguriang contemporary visual artist ng Pilipinas<\/a>.\u00a0 <a href=\"https:\/\/www.google.com.ph\/url?sa=t&amp;rct=j&amp;q=&amp;esrc=s&amp;source=web&amp;cd=1&amp;cad=rja&amp;uact=8&amp;ved=0CBoQFjAA&amp;url=http%3A%2F%2Fwww.rappler.com%2Flife-and-style%2Farts-and-culture%2F49614-car-park-art-space-art-fair-philippines-2014&amp;ei=a9bTU4zFL5DIuAT_64LgCA&amp;usg=AFQjCNGjpxiopubQJ8_LJGBNEXC_Bo9Now&amp;bvm=bv.71778758,d.c2E\">Nagsasagawa ng mga art fair hindi lang sa parke ng mga exclusive village kundi sa mga car park ng mga sikat na mall<\/a>.\u00a0 Nakakakulo ng loob, kasi hahanapan mo ng social relevance, sasabihin mo, nasaan ang street children diyan, nasaan ang DAP ni Noynoy diyan, nasaan ang mga nabiktima sa Tacloban diyan, tapos sa huli, minsan, kahit ayaw aminin, lumalabas ang tanong na \u201cnasaan ako diyan?\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Iyon ang pagkulong mahirap pahupain, ang sabay na galit dahil nainggit o at nagi-guilty dahil nagagalit dahil sa inggit na napaparalisa at napapaisip kung saan nagmula ang lungkot at inis at takot na nanggaling lang naman dati sa isang simpleng paghanga sa buhay na kahit na ano basta iba sa sariling buhay dahil ang sariling buhay ay madumi at malagkit at walang pera at maraming kumplikasyon at nakikita rin naman natin ito sa iba pero laging may bigat pa rin sa sarili dahil sarili ang dapat maging mabigat kahit may ibang dapat maging mas mabigat dahil hindi lang iisang mundo ang tao pero bakit may mga mundo at taong mukhang mas mahalaga at mas masaya at bakit hindi ako ang mga taong ito etc etc etc.\u00a0 Naiistorbo tayo ng mga kwento at tao, totoo mang umiiral o hindi, bagaman sa ating karanasan ay nagdudugo at naghahalo ang hangganan ng totoo at likhang-isip.\u00a0 Lagi tayong may ganitong karanasan, lalo tayong nabiyayaan ng panahon at yaman para sa edukasyon, ang magproseso nang malaliman tungkol sa mga usaping parang panitikan, ang mag-isip nang may pangunguna, nang may panghihimasok, nanghihimasok dahil may pinaghuhugutan, dahil may kakayahan na mag-ugnay.\u00a0 At sa ating pag-uugnay, pagkarami-raming salita pero parang laging kulang.\u00a0 Ang iba, sinusubukang labanan ang pagkukulang na ito, sinusubukang buuin ang mga kwento ayon sa kanilang pagkakaunawa.\u00a0 May iba, sumusuko, gumagawa ng mga bagay na mas madali kung ikukumpara sa pagproseso at pagpapatotoo ng katotohanan.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Baka ang trabaho ng pagpapatotoo ay hindi nakapaloob sa sinasabi ng dulang \u201ccool\u201d na sining.\u00a0 <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/12\/29\/empake-2\/\">Sa kabilang banda\u2014laging may kabilang banda\u2014ano nga ba ang sining na \u201ccool?<\/a>\u201d (at umaandar na naman ang isip sa mga rehiyong may mga batis na pasikut-sikot na dumadaloy sa magkakaiba at magkakaparehong direksyon).\u00a0 Kung anuman ang sagot, siguro\u2019y laging sumusulpot sa gunita ng kahit sino na minsan ay maging parang painting sa isang sikat na gallery, pinagmamasdan habang nilulunod ng malakas na ilaw, lahat ng matabunan ay gumaganda at gumagwapo.\u00a0 Sa ibaba ng naglalakihang canvas, may maliit na bilugang papel sa tabi ng pamagat.\u00a0 Bilog na nagsasabing ikaw ay \u201csold\u201d na, may nakabili na sa iyo.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa bandang dulo ng dula, nakilala ng dating coordinator na naging kritiko ang artistang naging waiter.\u00a0 Hindi siya serbidor, siya ay artista, wika ng kritiko, at nagdiwang ang loob ng serbidor pagkat may isang nakaalala, siyang mataas sa kultural na kapital.\u00a0 Kritiko man o hindi, umangat ang damdamin ng serbidor, isang saglit na pag-angat na umabot hanggang alapaap, siguro\u2019y katumbas na ng salitang \u201cethereal\u201d kahit baka marami itong pagkukulang.\u00a0 Nagwika ang serbidor ng linya mula sa kanyang dula, natuwa ang kritiko, umindayog sa wikang Filipinong lumalabas sa dila ng serbidor.\u00a0 Ako naman bilang tagapanood, lumipad sa utak ang mga salita, ang natira na lang sa utak ay ang damdamin ng sandali, damdamin na kahit anong piga ay walang salitang tutumbas.\u00a0 Maaaring subukan, maaari akong mangahas na magpahusga para sa lahat ng aking pagkukulang.\u00a0 Baka ito ang punto ng palabas, o ito na nga mismo ang palabas.\u00a0 Pag-iisipan ko ito habang nakahiga sa kama at lumilipad ang malay, hanggang sa umagang dumampi ang paa ko sa lupa, kumilos na gaya ng karaniwang tao sa isang karaniwang tao.\u00a0 Sa loob-loob, isang pagkulo, isang pausbong na balak.<\/p>\n<div id='gallery-1' class='gallery galleryid-3320 gallery-columns-3 gallery-size-thumbnail'><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_7923.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_7923-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_7962.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_7962-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_7988.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_7988-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8024.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8024-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8067.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8067-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8081.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8081-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8120.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8120-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8224.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8224-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8245.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8245-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8254.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8254-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8260.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8260-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8263.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8263-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8275.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8275-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8278.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8278-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8281.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8281-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8287.jpg' rel=\"lightbox[3320]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/07\/DSC_8287-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure>\n\t\t<\/div>\n\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Noong isang araw ay nakatanggap ako ng text, isang tanong: \u201c Sir Vlad, may Tagalog term po ba ang ethereal?\u201d\u00a0 Mula sa estudyanteng \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/07\/26\/pagsasalin\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3332,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,22,20,26,5,25,6,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3320"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3320"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3320\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3342,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3320\/revisions\/3342"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3332"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3320"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3320"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3320"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}