{"id":3395,"date":"2014-10-04T16:15:14","date_gmt":"2014-10-04T16:15:14","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3395"},"modified":"2014-10-04T16:15:14","modified_gmt":"2014-10-04T16:15:14","slug":"in-vino-veritas","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/10\/04\/in-vino-veritas\/","title":{"rendered":"In Vino Veritas"},"content":{"rendered":"<p>Ang pag-ibig ay isang bar sa may rooftop ng isang building sa Katipunan, kung saan may isang propesor ng malikhaing pagsulat na magsasalita sa isang forum na tungkol sa pilosopiya, at ang mga tao ay abala sa iniinom na serbesa at mga kanya-kanyang kuwento, umuugong ang palitan ng mga salita habang tinatangkang simulan ng propesor ang kuwentong inilapat niya sa papel.<\/p>\n<p>O at least, parang ganoon ang pakiramdam. \u00a0Naimbitahan kasi ako sa isang symposium ng UP Philosophical Society. \u00a0Ang pangalan ng symposium ay\u00a0<em>In Vino Veritas<\/em>, kung saan ayon sa kanilang pangulong si Marielle Antoinette Zosa ay pagtatangkang gayahin ang pakiramdam ng mga dayalogo ng mga sikat na pilosopo. \u00a0Mga palitang-kuro habang umiinom ng alak. \u00a0Doon pa lang, laglag na ako at ang aking kawalan ng interes na uminom ng alak. \u00a0Kinakabahan pa ako, dahil panghuli akong magsasalita. \u00a0Baka lasing o wala nang pakialam ang mga tao doon pag oras ko nang magbahagi. \u00a0At hindi pa sigurado kung magagamit nila ang mga sasabihin ko&#8211;hindi ko alam ang lapit ng mga kuwento ko tungkol sa pag-ibig at pagsusulat sa perspektiba ng pag-ibig at pilosopiya. \u00a0Masaya rin sana kung may aktuwal akong kaibigang naroon, lagi naman akong mas kampante kung may makakasamang pamilyar na mukha. \u00a0Syempre wala. \u00a0Kung anuman, pinanindigan ko na, andun na e.<\/p>\n<p>Nanggagaling din siguro ang halong kaba at pagkailang dahil nitong mga nakaraang araw ay muling nakaengkuwentro ng mga kuwentong lampas sa aking alam at nakasanayan. \u00a0Usaping pamilya at pinansya. \u00a0Ganoon naman lagi, pag usapang pamilya at pinansya, maraming gulatan. \u00a0Dapat sanay na ako. \u00a0Hindi rin nakatulong na sa linggong ito, mula Lunes hanggang sa susunod pang araw ng Linggo, dire-diretso ang pasok sa trabaho. \u00a0Nasanay na rin akong hindi nag-uuwi ng trabaho tuwing weekend. \u00a0May MA class na ngang tinuturuan pag Sabado, sana&#8217;y ang natitirang oras na iyon hanggang Linggo ay oras para maging tahimik at mapag-isa. \u00a0Ngayong hindi nangyari ito, may tendensiyang maging grumpy. \u00a0Tingin ko nga&#8217;y nasungitan ko ang isang kasamang guro kahapon, paano&#8217;y sa gitna ng pag-iisip ko tungkol sa planong pagtulong sa mga bayarin ng pamilya&#8217;y sumisingit siya ng kanyang pakiusap na i-pictorial siya nang hiwalay at i-photoshop ko na lamang ang larawan niya sa group photo na kukunan ko naman bukas. \u00a0Hindi siya kasi makakarating sa nakatakdang araw ng photoshoot para sa inihahanda naming kumperensiya sa departamento. \u00a0Nasabi kong ibang gawain at mabusisi ang hinihiling niya, at dahil ang hiling ay may tonong utos na rin, sa estado ng utak ko kahapon, alam kong naging mas mataray kesa karaniwan ang paraan ko ng pagpapaliwanag.<\/p>\n<p>Ganoon ang bagaheng dala ko sa symposium na pinuntahan ko kani-kanina. \u00a0Mag-isa, may mga nakabinbing bayarin, may mga katrabahong nakairingan. \u00a0Hindi pa sigurado kung may magiging intersadong makinig. \u00a0Kung anuman, nag-abang ako. \u00a0Bahala na.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020.jpg\" rel=\"lightbox[3395]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-3396\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020-390x590.jpg\" alt=\"DSC_1020\" width=\"390\" height=\"590\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020-390x590.jpg 390w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020-629x950.jpg 629w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020.jpg 638w\" sizes=\"(max-width: 390px) 100vw, 390px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Unang naging tagapagsalita si Prop. Michael Stephen Aurelio ng Ateneo de Manila University. \u00a0Ginamit niyang frame sa kanyang pagsusuri sa pag-ibig ang mga pananaw ni Jean-Luc Marion. \u00a0Wala akong narinig na sinabi niyang hindi ko sinasang-ayunan. \u00a0Nakukuha ko ang punto tungkol sa pag-ibig bilang repleksyon at ekstensyon ng sarili, sa totoo&#8217;y naituturo ko rin ang ideya ng ekstensyon at repleksyon sa ibang mga klase. \u00a0Pero dahil may hawig siya kay Richard Poon, ang naiisip ko lang na itanong ay kung kamusta na si Maricar. \u00a0Hindi ko siyempre tinanong iyon. \u00a0Natatandaan ko rin na may ilang bahagi sa pagsasalita ni Prop. Aurelio na nagbanggit ng paliwanag at mga paghahayag ng kanyang pag-ibig sa kanyang asawang kasama niya sa okasyon. \u00a0Hindi si Maricar ang asawa niya.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><iframe loading=\"lazy\" src=\"\/\/www.youtube.com\/embed\/D__vZt0Hdxw\" width=\"560\" height=\"315\" frameborder=\"0\" allowfullscreen=\"allowfullscreen\"><\/iframe><\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035.jpg\" rel=\"lightbox[3395]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-3400\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035-390x590.jpg\" alt=\"DSC_1035\" width=\"390\" height=\"590\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035-390x590.jpg 390w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035-629x950.jpg 629w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035.jpg 653w\" sizes=\"(max-width: 390px) 100vw, 390px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Sunod na naging tagapagsalita si Prop. Joseph Guillermo. \u00a0Ang pagtalakay niya kay Marcuse at ang usapin ng Eros at Thanatos ay naging mas madali para sa aking sariling pag-uugnay dahil gaya ko, tinatahi ni Prop. Guillermo ang kanyang leksyon sa iba-ibang disiplina. \u00a0Marunong siyang tumuhog sa mga libro, pelikula, at isyung alam at may epekto sa mga taong nanonood at nakikinig. \u00a0Maganda ang kabog ng attitude sa presentasyon, at napahalagahan ko ang pagbanggit niya ng mga isyung gaya ng edukasyon bilang lunsaran ng mga mala-makinang tao, at ang pagtanggap sa mundo bilang mundong may estetikong halaga, hindi lamang halagang nakadisenyo para pagkakitaan tayo. \u00a0Higit sa lahat, medyo kamukha ni Prop. Guillermo ang kaibigan kong guro&#8217;t manunulat na si <a href=\"http:\/\/tekstongbopis.blogspot.com\/\">Dennis Aguinaldo.<\/a><\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1048.jpg\" rel=\"lightbox[3395]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-3404\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1048-590x390.jpg\" alt=\"DSC_1048\" width=\"590\" height=\"390\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1048-590x390.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1048.jpg 902w\" sizes=\"(max-width: 590px) 100vw, 590px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Sa pagitan, may mga pagtatanghal. \u00a0Nagustuhan ko ang pagtatanghal pagkatapos ng aking pagbabahagi, dahil pinaunlakan nila ang pagpapatugtog ng\u00a0<em>Pare Ko. \u00a0<\/em><a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/vinthehuman\"><em>Vin the Human<\/em>\u00a0<\/a>ang nakalagay na pangalan sa programa. \u00a0 May nagtanghal din mula sa <a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/Jubbakill\">Jubbakill<\/a>\u00a0at kumanta si Micah Tolosa ng kantang A-team na pamilyar dahil kinakanta lagi ni <a href=\"http:\/\/monghengpulbura.wordpress.com\/author\/monghengpulbura\/\">Laurence Castillo<\/a> sa videoke.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><iframe loading=\"lazy\" src=\"\/\/www.youtube.com\/embed\/UAWcs5H-qgQ\" width=\"560\" height=\"315\" frameborder=\"0\" allowfullscreen=\"allowfullscreen\"><\/iframe><\/p>\n<p>Noong ako na ang nagsalita, ayun nga, kabado at umiinit ang tenga. \u00a0Naupo na lang ako at hindi kayang magpaliwanag nang nakatayo. \u00a0Nagkuwento ng kaunting proseso sa pagsusulat, nagbahagi ng isang sanaysay mula sa librong hindi pa lumalabas. \u00a0Iniisip ko kung bakit may kaba. \u00a0Baka nga dahil sa ang punto ng papel ko ay ang struggle o ang pakikipagbuno ng manunulat na hanapan ng saysay ang ideya ng pag-ibig (bukod sa iba pang mga bagay) sa pamamagitan ng paglikha at pag-uulit-ulit na paglikha ng mga karanasang maaaaring hindi laging masaya o magaan. \u00a0Baka alam ko ito, baka alam kong magiging mas mahirap ang paulit-ulit na paglikha ng mga alaalang isinulat kapag binabasa ito nang malakas sa mikropono. \u00a0Baka mahusgahan. \u00a0Baka walang makinig. \u00a0Kung anuman, binasa ko pa rin.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p><strong>Ikaw ang Up-Up-Down-Down-Left-Right-Left-Right-B-A-B-A-Select-Start ng Puso Ko<\/strong><\/p>\n<p>Vlad Gonzales<\/p>\n<p><strong>\u00a0<\/strong><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>\u201cNapaglalaruan ba ang puso?\u201d\u00a0 Iyan ang unang linyang mababasa sa isang planong libro.\u00a0 Isang aklat tungkol sa mga laro ng puso.\u00a0 Manual o workbook, para sa mga may nais ikonsulta, sa mga may tanong na hindi mahanapan ng kung anong sagot, mga sagot na makakapagpakalma sa kanilang mga kumakabog na dibdib.\u00a0 Isa siyang proyektong nasimulan noong 2008 hanggang 2009.\u00a0 Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nailalabas ang libro.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang pag-ibig at pagsusulat ay dalawang puwersang hindi mapaghihiwalay.\u00a0 Sa librong <em>A Lover\u2019s Discourse <\/em>ni Roland Barthes, ang pagsasalita ay isa sa mga gawi o <em>figures<\/em> na ikinakabit natin sa konsepto ng pagmamahal.\u00a0 Nagsasalita tayo, nakikipag-usap sa mga kausap na totoo o inimbento, nasa malayong lugar, laging nawawala at tahimik.\u00a0 Nagsasawika tayo ng mga saloobin kahit laging mahirap tumbasan ng salita ang damdamin, dahil may sapat na malasakit, dahil nababagabag at naiistorbo at kailangang gawan ito ng paraan. Ibinubukas ng manunulat ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita, nakabukas na parang may inaabangang dumating.\u00a0 Ang pagsusulat ay isang pakikipagdayalogo sa isang nawawalang kabiyak, isang nilalang na ayon nga kay Barthes ay hindi totoo:<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><em>\u201cThe Being I am waiting for is not real\u2026<\/em><\/p>\n<p><em>the other comes here where I am waiting,<\/em><\/p>\n<p><em>here where I have already created him\/her\u2026\u201d<\/em><\/p>\n<p>\u2013Waiting, A Lover\u2019s Discourse<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Isang kakatwang banggan, ang magbukas ng sarili, ang mag-abang, ang umimbento ng mga naratibo at pakikipag-usap tungkol at para sa mga nilalang na maaaring wala, na maaaring hindi totoo.\u00a0 Pero bakit kailangang magpatuloy?\u00a0 Kahibangan bang gumawa ng kultural na produkto gaya ng malikhaing akda, lalo ang malikhaing akda tungkol sa pag-ibig, sa panahong may mga puwersa na posibleng mas may bigat, mas konkreto?\u00a0 Susubukan kong ibahagi ang aking proseso ng aking pakikipagbuno sa mga nasabing tanong sa pamamagitan ng kuwento ng aking pagsusulat nitong mga nakaraang taon.<\/p>\n<p>Noong 2008 lumabas ang una kong komersyal na libro, ang <em>Isang Napakalaking Kaastigan<\/em>.\u00a0 Inilimbag ang librong ito na may itsura at laking mapagkakamali ng mambabasa bilang libro ni Bob Ong, na isang napakalaki nang manunulat sa panahong iyon.\u00a0 Sinadya ng aking editor-publisher ang ganoong pagkakamali.\u00a0 Sinasabi ko ito sa aking mga klase sa Panitikan at Kulturang Popular, ang usapin ng ekstensyon.\u00a0 Ang fans ng mga libro ni Bob Ong, dahil may nakasanayang anyo ng libro, ay maaaring maisalin ang interes sa isang librong kawangis ng kanilang idolo.\u00a0 Isang matalinong marketing scheme.\u00a0 Isang iskemang para gumana.\u00a0 Ang librong ito\u2019y nakaranas ng hanggang anim na edisyon.\u00a0 Bumenta at naging magandang dahilan para magkaroon pa ng kasunod.\u00a0 Noong 2009, inilabas ang librong <em>A-Side\/B-Side: ang mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo<\/em>.\u00a0 Itong librong nakabase sa mga kanta ng reunion concert ng E-heads ay pinalamanan ko ng mga kwento tungkol sa impact ng musika sa ating paglaki, kung paano tayo napapamahal sa mga salita at tugtog ng mga taong hindi naman natin kakilala pero parang kilalang-kilala tayo at ang mga kuwento natin.\u00a0 Sa mga panahong ito, nakakaranas din ako ng panibagong sitwasyong pampuso, nai-in love.\u00a0 Isang mahabang love letter sa aking minamahal noon ang librong A-Side\/B-Side, ang librong kumpara sa nauna ay hindi naging kasingbenta.\u00a0 Siguro isa na nga iyon sa mga babala na may hindi magandang kapupuntahan ang pagmamahal na iyon.\u00a0 Anuman ang mga alam at hindi ko pa alam tungkol sa pagmamahal, sige lang, sinubukan ko pa ring buuin at magsulat nang magsulat.\u00a0 Ang pangwakas ng tula sa librong A-Side\/B-Side ay isang hudyat at patikim na rin sa plano kong gawing libro tungkol sa mga laro ng puso:<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/05\/09\/kay-nick\/\"><strong>Kay Nick<\/strong><\/a><\/p>\n<p>Ilapat sa iyong recordable CD<\/p>\n<p>saka ipahalik sa iyong felt-tip pen<\/p>\n<p>ang lahat ng puwang, ang di mo masabi,<\/p>\n<p>ang na-mute na soundtrack ng iyong damdamin.<\/p>\n<p>Ang tanging request, huwag nang mag-earplugs<\/p>\n<p>kapag pinatugtog, themesong ng hinagpis<\/p>\n<p>man yan; mag-volume up, speakers ay i-full blast,<\/p>\n<p>di man siguradong nariyan ang ibig<\/p>\n<p>paringgan. Malay mo, e di naman pala<\/p>\n<p>siya nakikinig, at ang tamang \u201cthe one\u201d<\/p>\n<p>ng iyong koleksyon ng awit-pagsinta\u2019y<\/p>\n<p>nasa malapit lang pala, sumasayaw<\/p>\n<p>sa pintig ng tugtog na iyong tinuhog,<\/p>\n<p>di pa namalayang siya\u2019y nahuhulog.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Isang kabaduyang petiburgis, alam ko ito.\u00a0 Kinikilala at naisulat\/ isinusulat ko ang ganitong mga kontradiksyon\u2014na bukod sa mga usapin ng mababang pasahod sa guro at ibang empleyado, sa enforced disappearances, korupsyon sa gobyerno, usaping pamilya, ayun, nababagabag at natatakpan ng ulap ang maraming bakas ng katalinuhan at katinuan sa paghahanap at sa pag-aabang ng tamang \u201cthe one.\u201d\u00a0 Inisip kong magiging magandang proyekto ang pagsusulat ng libro tungkol sa mga kontradiksyong ito, ilapat sa imahen ng laro, dahil nahihilig din ako sa mga usapin ng videogames at mga interaktibong materyal.\u00a0 Sa maliit na bahagi ng isip, may bumubulong pa rin na pag nabuo ko ito, mamahalain na ako ng aking minamahal kahit ni hindi nga niya alam na mahal ko siya.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Naudlot ang produksyon ng libro.\u00a0 Una\u2019y dahil sa namatay ang publisher, at sa pinaka-ironic pa na dahilan\u2014inatake sa puso bago ko pa makumpleto ang libro.\u00a0 Pinanghinaan tuloy ako ng loob.\u00a0 Habang sabay na nagsusulat at naghahanap ng maglilimbag, na-in love ako, sa ibang tao.\u00a0 Na-in love at nasaktan.\u00a0 Nang ilang beses.\u00a0 Nang matagalan.\u00a0 Idedetalye ko mamaya ito, pero sa ngayon, ang pwede kong ibahagi, nagawa ko na ang umpisa at katapusan ng libro, doon ako nagkaproblema sa ano ba ang ipapalaman sa gitna.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Habang hindi pa ako makasulat ng aking pinangarap na librong tungkol sa mga laro ng puso, nalipat ang aking atensyon sa pagsusulat ng mga dula.\u00a0 Mga adaptasyon ng iba-ibang tekstong pang-entablado.\u00a0 Kung anuman ang aking mga reklamo sa usaping romantiko, ibinuhos ko ang lakas at katinuan sa pagbuo ng mga nasabing adaptasyon.\u00a0 Hinalukay sa sarili ang mga kuwentong minamahal ko rin, bukod sa isang romantikong relasyon.\u00a0 Sa aking pagbabalik-tanaw, nakikita kong tumatak talaga sa akin ang pagbisita ko sa isang writing workshop noong 2009, isang palihan para sa mga kamag-anak ng <em>desaparecidos, <\/em>o iyong mga sapilitang pinaglaho ng gobyerno.\u00a0 Noong nagsusulat ako ng mga adaptasyon, habang hinihintay ang pagbuo at paglabas ng aking ultimate love manual, sila muna ang kinatha ko.\u00a0 Sa dulang <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/06\/17\/elevator-action\/\"><em>Elevator Action<\/em><\/a> noong 2012, inilakip ko sa kwento ng dalawang hired killer ang kwento ng estudyanteng buntis na dinukot, ginahasa at pinatay; noong 2013 naman, sa dulang <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/05\/14\/pitong-patibong\/\"><em>Pitong Patibong<\/em><\/a> ay tinimbang ang mga kasalanang nagagawa ng petiburges na gustong pumasok sa showbiz, mga isyu gaya ng pagpapapayat para makuha sa ad ng Tuna, pagpapahipo sa mga host gaya ni Willie Revillame para hindi masipa sa noon time show, pagpigil sa galit kapag may mga batang pinapag-macho dance para mapagtawanan ng tao at tumaas ang ratings.\u00a0 Iniisip kong nakatulong ang dalawang dulang ito para unti-unting maalala na oo nga, may iba pa pala akong iniibig bukod sa isang nawala\/nawawalang kapareha.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Nakatulong ang dulang <em>Pitong Patibong <\/em>para makuha ko ang una kong dula sa ilalim ng <em>Dulaang UP<\/em>, ang opisyal na grupong panteatro sa UP Diliman. \u00a0Sa tulong ng <em>Pitong Patibong<\/em>, ipinasulat sa akin ang dulang <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/08\/12\/pagbuo-sa-adarna-si-prinsesa-leonora\/\"><em>Adarna<\/em> <\/a>noong 2013 din.\u00a0 Dito, napaghalo-halo ko ang mga bagay na nagpapatibok sa aking loob.\u00a0 Usaping pampamilya, paghahati-hati sa usapin ng uri at lahi, pagtupad sa pangako, pagtrato sa tao nang hindi bababa sa antas ng gamit o pagiging hayop.\u00a0 Isinalin ko ang lahat ng ikinakikilig, ikinababahala, ikinalulungkot at ikinagagalit ko sa dulang ito.\u00a0 Si Don Juan ay isiniwalat bilang prinsipeng maraming pagkukulang.\u00a0 Siya ay maharlikang hindi naging tapat sa kanyang mga naging kasintahan, at sa tulong ng mahiwagang ibon ay naging lantad ito at iniisip kong naging mas makabuluhang tauhan ang bunsong prinsipe ng Berbanya.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>At sa usapin ng pagbabagong-tingin, naranasan ko rin ito pagkatapos na pagkatapos ng <em>Adarna<\/em>.\u00a0 Noong Setyembre hanggang Oktubre 2013, naoperahan ang tatay ko dahil sa kumplikasyon sa blood sugar.\u00a0 <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/02\/10\/dalawang-punto\/\">Natanggalan siya ng dalawang daliri sa kanang paa, dumaan sa vascular transplant kung saan ang malusog na mga ugat sa may tiyan ay inilipat sa barado at namamatay nang ugat sa binti at hita<\/a>.\u00a0 Ang mga dating iniisip kong mahalaga, mga bagay na dapat isulat, biglang natigilan.\u00a0 Bigla, ang pinag-iisipan ay kung gaano kaliit ang kita ng gurong nagsusulat, lalo at papatak ng halos isang milyon ang kabuuang gastos; ang pagharap sa posibilidad na may mahal sa buhay na titigil nang literal ang puso; <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/12\/29\/empake-2\/\">gusto ko sanang maisulat ang mga sakit at ginhawang kaakibat ng yugtong ito ng aming buhay.<\/a><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Samantala, nitong 2014, nahilingan akong gumawa ng adaptasyon para sa <em>Trojan Women<\/em>.\u00a0 Dito, binalikan ko ang aking nasimulang adbokasiya tungkol sa mga taong pinaglaho.\u00a0 Sa dulang pinamagatan kong <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/08\/17\/byaheng-mal-patungong-bien\/\"><em>Mal<\/em><\/a>, siniyasat ang mga digmaan ng pagsasalita at pananahimik na nangyayari sa espasyong birtuwal.\u00a0 Tinalakay ang kuwento ng mga taong dinukot, pinahirapan, pinatay, mga kuwentong posibleng hindi na alam ng marami pagkat natatabunan ng kani-kanilang dina-download na porn, o nilalarong games sa smartphone.\u00a0 Natapos ang dula sa magkahalong paglaya at pagkabitin\u2014may isang magsasakang makakatakas mula sa militar, samantalang ang estudyanteng anak ng isa sa mga tauhan ay mananatiling nawawala habang ang ina ay naghihintay.\u00a0 Patuloy siyang maghihintay at naghihintay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>At habang naghihintay ako sa librong baka napaglipasan na rin ng panahon, tungkol sa mga tao at damdaming maaaring napaglipasan na, patuloy akong nagtitimbang.\u00a0 Kailan ba lalampas sa puro \u201cako,\u201d ano pa ba ang maaaring isulat, ano pa ba ang dapat isulat.\u00a0 Ano ang mga sakit na parang kaunti lang ang nagmamalasakit.\u00a0 Anu-ano ang mga pag-aabang na naghihintay ng kani-kanilang pagbabalik.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Habang hindi pa ako napapahinga mula sa mga pagkabagabag na ito, iniisip kong nagmamahal pa rin ako.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/17\/mula-sa-librong-matagal-pa-ang-labas\/\">Pagkatapos, binasa ko ang\u00a0<\/a><em><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2013\/09\/17\/mula-sa-librong-matagal-pa-ang-labas\/\">Game Over.<\/a> \u00a0<\/em>Tingin ako nang tingin sa mga opisyal ng org at iniisip kong mahaba na ang mga sinasabi ko. \u00a0Umuugong ang ingay, pero may mga nakikinig. \u00a0Paisa-isa, may ilang bahagi na tumatahimik ang karamihan, nakikitawa, nangingiti. \u00a0Nairaos nang buo. \u00a0May mga nagtanong, tungkol sa mga award na napanalunan, sa mga dating akdang naisulat. \u00a0May isa pang may dala ng kopya ng\u00a0<em>Isang Napalaking Kaastigan<\/em>. \u00a0Iniisip kong mas maganda sa inasahan ko ang nangyari.<\/p>\n<p>Kaya siguro, oo nga, ang pag-ibig ay isang bar sa may rooftop ng isang building sa Katipunan, kung saan may isang propesor ng malikhaing pagsulat na magsasalita sa isang forum na tungkol sa pilosopiya, at ang mga tao ay abala sa iniinom na serbesa at mga kanya-kanyang kuwento, umuugong ang palitan ng mga salita habang tinatangkang simulan ng propesor ang kuwentong inilapat niya sa papel. \u00a0Sa lakas ng ugong, ihihinga ang lahat ng kaya sa mikropono, ihihinga gaya ng paghinga ng saloobin sa dating blangkong papel, hanggang sa may makinig, hanggang sa may tamaan, hanggang sa may makaunawa.<\/p>\n<div id='gallery-1' class='gallery galleryid-3395 gallery-columns-3 gallery-size-thumbnail'><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1020-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1058.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1058-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1056.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1056-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1052.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1052-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1048.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1048-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1045.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1045-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1040.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1040-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1037.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1037-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon portrait'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1035-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1029.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1029-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1027.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1027-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure><figure class='gallery-item'>\n\t\t\t<div class='gallery-icon landscape'>\n\t\t\t\t<a href='https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1026.jpg' rel=\"lightbox[3395]\" itemprop=\"contentURL\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"200\" height=\"200\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2014\/10\/DSC_1026-200x200.jpg\" class=\"attachment-thumbnail size-thumbnail\" alt=\"\" itemprop=\"thumbnail\" \/><\/a>\n\t\t\t<\/div><\/figure>\n\t\t<\/div>\n\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Ang pag-ibig ay isang bar sa may rooftop ng isang building sa Katipunan, kung saan may isang propesor ng malikhaing pagsulat na magsasalita \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2014\/10\/04\/in-vino-veritas\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3407,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,4,6,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3395"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3395"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3395\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3408,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3395\/revisions\/3408"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3407"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3395"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3395"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3395"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}