{"id":3992,"date":"2016-04-28T14:52:58","date_gmt":"2016-04-28T14:52:58","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3992"},"modified":"2016-04-28T14:52:58","modified_gmt":"2016-04-28T14:52:58","slug":"shakeys-moments","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/04\/28\/shakeys-moments\/","title":{"rendered":"Shakey&#8217;s Moments"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247.jpg\" rel=\"lightbox[3992]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-3993\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247-590x394.jpg\" alt=\"VBG_0247\" width=\"590\" height=\"394\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247-590x394.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247-768x512.jpg 768w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247-950x634.jpg 950w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247-525x350.jpg 525w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/04\/VBG_0247.jpg 1280w\" sizes=\"(max-width: 590px) 100vw, 590px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Kakapa-renew ko lang ng aking Website domain at hosting, at gaya ng mga reklamo sa nakaraang taon, bitin na bitin na naman ang sarili sa mga kwentong itinala. \u00a0Gaya ng mga nakaraang taon, nangakong magiging mas masipag magkwento. \u00a0Kung anuman, dito lang sa blog medyo nagtitipid. \u00a0Nakagawa naman ng paraan na makapagsulat at makapagsalaysay sa iba pang mga daluyan. \u00a0Nasasayangan lang ako, aba, 4600 pesos din ito ha.<\/p>\n<p>Kaya sa gabi ng aking Website renewal, ibabahagi ko ang alamat ng Shakey&#8217;s Moment. \u00a0Isa itong terminong pinauso ng kaibigan, na nangangahulugan ng isang pangyayaring sobrang masakit o\/at malungkot, na sa sobrang bigat ay kailangan mong pumunta sa Shakey&#8217;s at lunurin sa mojos at manok, o pizza at pasta, o kahit na anong pagkain, ikain palabas ang lahat ng mga hinanakit. \u00a0Iyon ang orihinal na Shakey&#8217;s moment.<\/p>\n<p>Nangyari iyon isang hapon ng Marso, 2012. \u00a0Sariwa pa ang paghihiwalay mula sa isang karelasyon, na sinikap kong tambakan ng trabaho para hindi masyadong isipin. \u00a0Ang isa sa napili kong panambak&#8211;ang tumakbo para sa isang mataas na administratibong posisyon sa opisina. \u00a0Natural, natalo, lalo&#8217;t hindi pa ako handa at lihis na lihis ang motibasyon sa pagpasok sa hamon. \u00a0Pwede ring naghahanap lang ako ng dahilan para manugod ng dating karelasyon, pagkat iyon ang ginawa ko pagkatapos na pagkatapos maideklara ang pagkatalo sa trabaho. \u00a0Tumawag at nakipagkita. \u00a0Ang buod ng engkwentro, hindi ko maproseso ang mga sinabi niya sa mga ipinapakita niyang kilos. \u00a0Kung anuman, para lang consistent sa pagiging lihis ng lahat, pagkatapos ko mangulit, umiyak, makipag-away, lahat-lahat, nanghatid pa ako sa sakayan ng bus para makabyahe siya nang maayos pauwi sa kanilang bahay sa Laguna. \u00a0Pagkatapos, nagmaneho ako, diretso, kanan, kaliwa, paikot-ikot, hanggang sa mapansin kong literal na hindi ko na alam kung nasaan ako. \u00a0Nagtawag ako ng mga tao, ng mga kaibigan. \u00a0Nagbanggit ng mga landmark. \u00a0Banco de Oro, na sobrang rare at wala sa ibang lugar. \u00a0Isang gallery na katabi ng tindahan ng kutson, mas pamilyar. \u00a0Nakaipon ako ng hininga, nakaipon ng kaunting sarili. \u00a0Nagmaneho uli hanggang sa medyo kilala na ang mga kalye at panandang edipisyo. \u00a0Ang isang malapit na kaibigan, na malapit ang bahay sa may Kalayaan avenue, pumayag namang kitain ako sa Shakey&#8217;s, sa may Matalino.<\/p>\n<p>Habang naghihinga ako ng sama ng loob sa malapit na kaibigan, tinatangka kong ubusin ang limang piraso ng manok na may kasamang patatas. \u00a0Tumatawag pa ang kapatid, nagpapasundo. \u00a0Bad timing, naisip ko noon. \u00a0Not my best, sigurado ako. \u00a0Hindi ko naubos ang pagkain&#8211;nakatatlo lang yata ako. \u00a0Hindi doon naubos ang mga sama ng loob. \u00a0Ilang taon pa ang bubunuin bago mangyari iyon. \u00a0Pero ang termino, ang tatak para sa ganoong karanasan, naitatag nang malinaw na malinaw sa gabing iyon ng Marso. \u00a0Ang pinakaunang opisyal na Shakey&#8217;s Moment.<\/p>\n<p>Marami nang nangyari pagkatapos ng moment na iyon. \u00a0Marami nang nagbago. \u00a0Sa ngayon, napansin ko, bihira&#8217;t halos hindi na ako nagsusulat nang may kaugnayan sa musika. \u00a0Wala na ang mga hirit tungkol sa mga infinite na playlist. \u00a0Hindi na rin ako masyadong nakakasulat ng mga kwento. \u00a0Ang mga pinag-iisipan sa buhay ay naisasalin sa mga isinusulat na dula. \u00a0Nabawasan ang pag-eehersisyo. \u00a0Nabawasan ang paghihimutok. \u00a0Kung hindi man nabawasan, nag-iba ng mga pinaghuhugutan.<\/p>\n<p>Pero ngayong may panahon para pag-isipan, ngayong may motibasyon para isulat ang mga dapat na natandaan at kinatandaan, ngayon ko napansin ang papel ng pagkain sa mga binubuo kong salaysay. \u00a0Hindi naman huminto ang mundo pagkatapos ng pinakaunang Shakey&#8217;s Moment. \u00a0Hindi rin naman naging mag-isa ang naunang Shakey&#8217;s Moment na &#8216;yun. \u00a0Pero kung anuman, hindi naman nawala ang sarap ng manok at patatas. \u00a0Hindi naman nakadismaya ang keso ng pizza na ultimate cheese and garlic. \u00a0Ang bottomless iced tea, kaya palang tumagal mula sa mga kwento ng iyakan hanggang doon sa mga daldalang may kaugnayan na sa pagngiti, sa paghalakhak. \u00a0Pag binabalikan, nakikita kong ganoon ang direksyon ng istorya. \u00a0Pagbawi ng kahulugan. \u00a0Pagbawi ng mga pinatutungkulan. \u00a0Ngayon, pag naghahanap ng moment sa Shakey&#8217;s o sa anumang kainan, medyo mapalad naman, kasi ang mga nakakasama ay mga kapalagayang loob, mga mahal sa buhay. \u00a0Akalain mong ang kwento pala ng Shakey&#8217;s ay kwento ng pagbangon?<\/p>\n<p>Pero malamang, gutom lang &#8216;yan. \u00a0Kitakits sa Matalino, o sa Lagro, sa Morato, sa kung saan man. \u00a0Breast part saka wing. \u00a0Extra gravy at extra kumustahan. \u00a0Sagot ko&#8217;ng kalahati, pag may extra mojos, di natin &#8216;yan iiwanan.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Kakapa-renew ko lang ng aking Website domain at hosting, at gaya ng mga reklamo sa nakaraang taon, bitin na bitin na naman ang \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/04\/28\/shakeys-moments\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3994,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[20],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3992"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3992"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3992\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3995,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3992\/revisions\/3995"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3994"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3992"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3992"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3992"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}