{"id":3996,"date":"2016-05-03T13:23:44","date_gmt":"2016-05-03T13:23:44","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=3996"},"modified":"2016-05-03T13:23:44","modified_gmt":"2016-05-03T13:23:44","slug":"toll","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/05\/03\/toll\/","title":{"rendered":"Toll"},"content":{"rendered":"<p>Nabasa ko sa isang libro dati, minsan, yung isang bagay, mas nabubuhay siya nang matagal kesa doon sa kahulugan niya. \u00a0Kahulugan at baka kahalagahan. \u00a0Naaalala ko ang nabasang iyon kapag may mga malakihang pagbabago sa mga pisikal na istruktura&#8211;manggahan na naging mall, school na naging simbahan, ice cream store na naging kalye. \u00a0Minsan, mula sa may kahulugan, nagiging wala. \u00a0Nasirang computer. \u00a0Napaglumaang software. \u00a0Sa kaso ng pagbyahe ko&#8211;itong E-pass tagkit.<\/p>\n<p>&#8220;Lakas makasushal,&#8221; ganoon lagi ang biruan namin noong unang nagkaroon si Mama ng kanyang E-pass. \u00a0Paano, imbes na pumila para sa ticket, may espesyal na lane at gate para sa mga electronic tag. \u00a0Sa mga mas mayabang na araw, itinuturo namin silang mga walang nakadikit na ganoong gadget, itinuturo at patawang sinasabihan ng &#8220;ay, kowowo nomon koyo&#8230;&#8221;<\/p>\n<p>2010 ako nagkaroon ng sariling kotse, si Mama rin ang nangutang ng pang-down para doon, \u00a0Isinabay niya ang pagbili sa pagkakaroon ko ng espesyal na award sa unibersidad, para sa pagiging paboritong guro. \u00a0Nakasama ako sa top 5 sa isang online na botohan at ang naging press release ko sa FB, UP ang nagbigay ng kotse sa akin. \u00a0Syempre, maraming naniwala. \u00a0Minsan may mga madali talagang mauto. \u00a0Pagkatapos ng halos isang taon, Setyembre 2011&#8211;niregaluhan ako nina Mama at Papa ng sariling E-pass. \u00a0Sushal na rin ako, padaan-daan sa special lane, bahagyang napapaiksi ang byahe mula QC hanggang Laguna. \u00a0At ngayong binabalikan ang mga nakasama sa byahe, aba, pagkarami-rami na rin talaga.<\/p>\n<p>Sana may espesyal na memorya ang E-pass, isang malawak na alaala para sa bawat lagusang nadaanan, kung sino ang mga nakasama, kung saan nagpunta, kung ano ang naramdaman. \u00a0Pagtikim ng pinya sa Calauan. \u00a0Pasyal sa Tagaytay. \u00a0Paghahanap ng yogurt sa D3 para sa kaibigan. \u00a0Pagparoon at pagparito dahil hindi alam ang\u00a0dapat puntahan. \u00a0Bukod doon, nakatala din kung magkano ang nabawas kada destinasyon. \u00a0Bente hanggang isangdaan na piso, depende kung saan galing. \u00a0Ilang oras ng tulog. \u00a0Ilang araw ng paghahanda. \u00a0Ilang linggo ng pananabik. \u00a0Buwan at taon ng paging anuman sa tuliro\/excited\/masaya\/malungkot\/galit\/takot\/atbp. \u00a0Doon sa apat na taon na paroon at parito, kahit bahagya ko lang na pinapasadahan, nagkaroon na nga ng ayon nga sa isang dula&#8217;y pagkarami-raming akumulasyon. \u00a0At ngayon, ang isa sa pananda ng mga akumulasyong iyon, paso na. \u00a0Expired. \u00a0Napalitan ng mas maliit at mas bagong\u00a0instrumento \u00a0Kahit maglabas-pasok uli ako sa mga dating dinadaan-daanan, wala nang makakakilala sa dating pananda ng mga\u00a0byahe. \u00a0Mas matanda na ang lahat, kinaltasan na rin ng iba-ibang singiling dala ng nagdaang apat na taon. \u00a0May mga siningil na kayang palitan&#8211;ito yung mga napanghahawakan, kayang tumbasan ng salapi basta magsikap, o ng taglay kong alindog, o kung anuman. \u00a0May mga kinuhang mas mahirap kung hindi man imposibleng mabawi, mga nasa antas ng buhay, damdamin, ugnayan. \u00a0Kung anuman, hindi masasabi ng kahit sinong wala sa ating binago ng panahon.<\/p>\n<p>Bukod sa E-pass, natatandaan ko, may kasabay pang bigay ang Mama at Papa ko na laruang para sa dashboard&#8211;isang asong de-spring. \u00a0Napaglipasan na rin ng panahon ang dikit ng adhesive sa ilalim ng laruan, pero nasa likod pa siya ng sasakyan ko. \u00a0Hiningi ko sa kanila yun, dahil natuwa ako sa mga ibinebentang laruan sa kalye. \u00a0Kaya nga hanggang ngayon, kinukunsinti nila ako&#8217;t binibigyan ng kung anu-anong abubot lalo pag nagpapabili din ang anim na taong pamangking si Ayek. \u00a0Sabagay, noon pa naman ganoon sina Mama at Papa, yung kahit anong magpapasaya sa amin, kahit hanggang ngayon, ibinibigay nila hanggang kaya. \u00a0Gusto ko ngang hindi makalimutan ang ganoong klaseng ugali nila.<\/p>\n<p>At siguro, kaya rin ako nagsusulat ngayon. \u00a0Kasi nga, ang gamit, nawawala. \u00a0Pero ang alaala, kung magiging maingat at matyaga, kayang gawan ng paraan para hindi mapanis. \u00a0Piliin nating matandaan silang nagpaabot sa atin dito sa ating latest na checkpoint.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Nabasa ko sa isang libro dati, minsan, yung isang bagay, mas nabubuhay siya nang matagal kesa doon sa kahulugan niya. \u00a0Kahulugan at baka \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/05\/03\/toll\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":3997,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[20,4],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3996"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3996"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3996\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3998,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3996\/revisions\/3998"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3997"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3996"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3996"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3996"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}