{"id":4077,"date":"2016-07-27T15:05:32","date_gmt":"2016-07-27T15:05:32","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=4077"},"modified":"2016-07-27T15:05:32","modified_gmt":"2016-07-27T15:05:32","slug":"pala-palapag","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/07\/27\/pala-palapag\/","title":{"rendered":"Pala-palapag"},"content":{"rendered":"<p>Gaya ng dati, maraming kwentong nakaimbak sa isip, habang naiipon din ang mga bagong kwentong naeengkwentro sa araw-araw. \u00a0Gaya ng dati, mas mabilis ang mga pangyayari kesa ang pagproseso, at nahuhuli ko na lang ang sariling ayun na nga, nahuhuli. \u00a0Mas nagmomodang taking it all in, sige lang, papanoorin ang mga eksena, makikisali kung kailangan, tutugon kung hindi maiiwasan. \u00a0Baka tama nga ang sabi ng dating gurong yumao na&#8211;may potensyal naman ako, mas nangingibabaw lang ang katamaran.<\/p>\n<p>Kung anuman ang katamaran sa paglalapat sa papel, ganoon din naman ang pagkataranta kapag napapansing nagiging mas mailap ang alaala at pag-alala. \u00a0Kulang na sa multivitamins ang utak, medyo mabagal na ang recall. \u00a0Noong isang araw, o noong isang linggo, o baka isang buwan, habang nagmamaneho&#8217;y natakot ako at nataranta dahil hindi ko matandaan kung sino ba yung artistang nakasayaw ni Kim Chiu tapos ihinulog lang siya sa entablado. \u00a0Mga limang minuto rin bago ko maalala si Enchong. \u00a0Sa pagkakaalam ko naman, sikat pa siya at hindi pa ganoon katanda para malimutan.<\/p>\n<p>Kung anuman ang dalas ng ganoong limot moments, ganoon naman ang pagkasaya sa mga saglit na kwentuhan at pagtatagpo, lalo sa mga kaibigang may kanya-kanyang mga bago sa buhay. \u00a0Bagong baby, bagong pag-aaral sa bagong lugar, mga raket, mga relasyon, mga tinatapos na yugto at\u00a0mga pagtatangka ng bagong simula. \u00a0Mas madaling masenti sa mga reunion, medyo napansin kong ganoon ako ngayon. \u00a0Mas madalas na nahuhuli ang sariling kinakausap ang sarili&#8211;isusulat ko ito, tatandaan ko ito, kapag hindi na ako ganoon katamad.<\/p>\n<p>Kung anuman ang mga pangalan at eksenang nalilimot, may pagsulpot naman ng mga alaalang akala ko dati&#8217;y wala masyadong pagtatak pero mayroon pala. \u00a0Iniisip kong mayroon dahil heto, bumabalik siya. \u00a0Isang araw, isang hapon, papunta sa mall. \u00a0Baka sa SM, para maiba naman, sobrang dami kasi ng choices bukod sa SM. \u00a0Natatandaan ko, bago pa lang ang aking sasakyan. \u00a0Bago pa siya, pero may sira na agad. \u00a0Maingay ang harap, may kalampag. \u00a0Sa loob ng kotseng umaakyat, kasama ang dalawang kaibigan. \u00a0Ang isa&#8217;y guro ng aralin sa sining sa isang unibersidad, ang isa&#8217;y nagtatangkang maging guro sa parehong institusyon.\u00a0Pinag-uusapan namin ang text na natanggap ng kaibigang aplikante. \u00a0Text mula sa boss ng pinagpasahang aplikasyon. \u00a0May extra interview pa raw, sabi sa text. \u00a0Extra pasyal, doon sa may restaurant na malapit sa palaisdaan. \u00a0Doon sa may mga kubo at sariwang huli, doon daw isasagawa ang kasunod na yugto ng aplikasyon. \u00a0Natatawa kami ng kaibigang guro, dahil mukhang hindi alam ng boss niya&#8211;o boss nilang dalawa ng kaibigang aplikante pa lang noon&#8211;na magkakakilala kaming tatlo. \u00a0Kabadong-kabado si kaibigang aplikante, hindi sigurado kung paano ba dapat tumanggi, paano tatanggi sa pinakamagalang na paraan, o paano ba dapat tumugon sa mga ganoong extra sa aplikasyon. \u00a0Anuman ang isinagawa naming plano&#8211;at totoo namang nagplano kami&#8211;umusad ang panahon. \u00a0Ang naunang nagturo doon ay umalis na, may mga bagong plano. \u00a0Ang dating aplikante na ay guro na\/guro pa rin sa pinasukang institusyon. \u00a0At ako, sa mga oras na ito, naaalala ang aming munting engkwentro. \u00a0Doon sa aking makalampag na sasakyan, sa parang bago pero may sira, hindi pa sigurado sa mga istoryang magiging karugtong.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Gaya ng dati, maraming kwentong nakaimbak sa isip, habang naiipon din ang mga bagong kwentong naeengkwentro sa araw-araw. \u00a0Gaya ng dati, mas mabilis \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/07\/27\/pala-palapag\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":4078,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,22,20,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4077"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4077"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4077\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4079,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4077\/revisions\/4079"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4078"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4077"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4077"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4077"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}