{"id":408,"date":"2011-03-13T16:50:19","date_gmt":"2011-03-13T16:50:19","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=408"},"modified":"2011-03-13T16:50:19","modified_gmt":"2011-03-13T16:50:19","slug":"pagkawalakawalan-bilang-metatext-at-ang-mga-pigura-ng-pag-ibig-sa-alunsina-desap","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/03\/13\/pagkawalakawalan-bilang-metatext-at-ang-mga-pigura-ng-pag-ibig-sa-alunsina-desap\/","title":{"rendered":"Pagkawala\/Kawalan bilang Metatext, at ang mga Pigura ng Pag-ibig sa Alunsina Desap"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0094.jpg\" rel=\"lightbox[408]\" title=\"_DSC0094\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-411\" title=\"_DSC0094\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0094-200x300.jpg\" alt=\"\" width=\"200\" height=\"300\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0094-200x300.jpg 200w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0094-685x1024.jpg 685w\" sizes=\"(max-width: 200px) 100vw, 200px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Bilang bahagi ng kanilang 2010-2011 Theater Season, itinanghal ng UPLB Samasining ang dulang ALUNSINA DESAP noong 24-27 Pebrero 2011.\u00a0 Ang dula\u2019y isinulat ni Prop. Reagan Romero Maiquez, at sumailalim sa direksyon nina Prop. Ron Binas at Prop. Jeremy Reuel De La Cruz.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Bilang isang manonood na babad sa cable television at Internet, posibleng ipaalala ng pamagat ang piling mga episode ng GLEE, isang popular na TV series.\u00a0 Ito ang ang mga episode na pumapatungkol sa song <em>mashups<\/em>\u2014sa ilang mga episode na nabanggit, pinagsasanib ang parang magkaiba pero sa huli\u2019y mapatutunayang magkatulad na mga awit.\u00a0 Tulad din ng pagtatagpi-tagpi ng Internet users ng mga imahen at tunog mula sa kanilang mga paboritong palabas upang makagawa ng kani-kanilang <em>fan videos<\/em> at <em>screen capture comics<\/em>.\u00a0 Isang hybrid na bagong-lumang-lumang-bagong teksto, ganito ang posibleng maging ekspektasyon sa dula. \u00a0Isang pagtatangkang pagsanibin ang katutubong alamat ng paglikha, at ang nosyon ng pagkawala sa konteksto ng pagiging <em>desaparesido, <\/em>na isang terminong naging popular noong panahon ng Batas Militar\u2014mga taong nawawala, puwersahang dinukot, posibleng dumanas ng torture at summary execution, pinagpapalagay na biktima ng sistematikong dahas mula sa sariling pamahalaan.\u00a0 Mula sa pagtatambal at pagsasanib nitong dalawang imahen, nitong polarisasyon ng pag-usbong at paglaho, inaasahang iluluwal ang sintesis, ang interkoneksyon.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sa ganitong TV-Internet Frame iminumungkahing basahin ang palabas.\u00a0 Sa ganitong lapit, kinikilala ang exposure ng manlilikha ng dula at ng audience sa iba pang multimedia elements bukod sa dulang pang-entablado.\u00a0 At sa ganitong rekognisyon, posibleng mas magiging madali ang paggagap ng lohika sa adaptasyon nitong mito ng paglikha, na ie-extend pa sa iba\u2019t ibang bersyon ng paglaho.\u00a0 Maaaring basahin bilang <em>fan writing<\/em> ang dula.\u00a0 Hindi lamang simpleng retelling ang ALUNSINA DESAP, ihinahalo nito ang ilang mga tauhan mula sa magkaibang mga mito, nagdagdag at nagbawas ng ilang mga bahagi, itinuloy sa kuwentong may mga tauhang makikilala sa kasalukuyan.\u00a0 Isang ideyal na halimbawa ng <em>textual poaching<\/em>\u2014isang terminong ginamit ni Henry Jenkins, isang iskolar sa Fan Studies at Advanced Media Studies at sumulat ng librong TEXTUAL POACHING: TELEVISION FANS AND PARTICIPATORY CULTURE.\u00a0 Ang textual poaching ay ang kapasidad ng isang <em>fan fictionist <\/em>o <em>fan writer <\/em>na gumamit ng mga umiiral na teksto, iproseso ito ayon sa kanyang intelektuwal na kakayahan, ihulma, at ariin ito bilang panibagong anyo ng naratibo.\u00a0 Hindi orihinalidad o pangongopya ang isyu, kundi kung paano magkakasilbi ang teksto sa panahon at sitwasyon ng intelektuwal na nagbasa ng teksto, na sa bandang huli\u2019y gaganap din bilang tagalikha ng panibagong tekstong naka-target sa isang partikular na audience.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0130.jpg\" rel=\"lightbox[408]\" title=\"_DSC0130\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-412\" title=\"_DSC0130\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0130-300x200.jpg\" alt=\"\" width=\"300\" height=\"200\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0130-300x200.jpg 300w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0130-1024x685.jpg 1024w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0130-305x204.jpg 305w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Sa bersyon nina Maiquez\/Binas\/De La Cruz, pangungulila ang sanhi ng paghabi sa cosmos, lungkot ng pagiging mag-isa, sentimiyentong inaalingawngaw ng mga tauhang Bidasarimanok at Kawayang Lawiswis.\u00a0 Sa sentimiyentong ito tumugon ang pagtatagpo nina Tungkung Langit at Alunsina, at sa pagsasanib ng dalawang bathala\u2019y nagkaroon ng pakiramdam ng kaayusan.\u00a0 Ngunit ang cosmos ay agad na mapapalitan ng chaos sa oras na maiwan si Alunsina sa kanilang tirahan sa alapaap, diyosang itinalaga bilang taumbahay at tagahanda ng sinaing (sa isang pilosopong manonood, pwedeng sabihing ang ugat ng lahat ng pagkagunaw ay ang kawalan ng Gasul o Emergency lamp sa langit).\u00a0 Magwawala si Alunsina sa pagkawala ni Tungkung-Langit, ng liwanag, ng posporong magbibigay ng kapiranggot na ilaw, ng bigas, ng lahat-lahat, isang pagkaulol na nag-ugat sa paglaho ng nakasanayang kaaayusan.\u00a0 Sa kanyang pagwawala,\u00a0 magpaparoo\u2019t parito ang ang mga pula\u2019t asul na pulutong ng Alipato\u2019t Alatiit, kikisap ang LCD projector ng teatro, at ipakikilala sa pamamagitan ng photoplay ang pagkagunaw ng mundo ng mga mortal, na tutuloy naman sa pagpapakilala ng mga bagong tauhan sa naratibo: sina Jody at Regina, isang tipikal na housewife at isang tipikal na kabit, nag-aagawan sa sundalong lalaking biglang nawala sa kanilang piling ; si Giz, abogadong nagpapaka-fitness expert, taglay ang lahat maliban sa isang intimate na relasyon; si Caloy Andrade na isang university professor, walang kahiya-hiyang ibinabandera ang kanyang kaalaman tungkol sa intertextuality, sa fractals, sa mga akda nina Rosario Cruz Lucero at Ricky Lee, habang kinakatunggali ang atraksyon niya para sa kanyang mga estudyante; Si Jomar, ang desaparesido, ang mukhang ibinabandera sa mga rally, kasama ng mga larawan nina Karen at Sherlyn, mga mukhang hindi lahat ay may oras tumingin, kumilala, maghanap.\u00a0 Magtatagpo sina Alunsina at ang mga bagong tauhan sa isang anyo ng middle-space, isang limbo, kung saan isasalaysay ng bawat isa ang kanya-kanyang mga kuwento ng pagkawala at kawalan.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Bukod sa mga elemento ng ng fan writing na naisagawa ng dula\u2014pagbabago ng lugar at panahon, paglipat ng isang popular na tauhan sa isang panibagong mundo, pagpapatuloy ng naratibo mula sa nakasanayan nitong pagwawakas\u2014inaasahan ding ang bagong bersyon ng teksto\u2019y nakabubuo ng isang matibay na <em>metatext<\/em>.\u00a0 Metatext ang terminong ginagamit ni Jenkins para tukuyin ang kabuuang mga batis ng kaalaman at pag-unawa sa isang teksto mula sa komunidad ng mga taong nakabasa o nakaranas ng tekstong ginagawan ng panibagong bersyon.\u00a0 Halimbawa, kung kuwento ni Tungkung-langit at Alunsina ang pinag-uusapan, ang metatext ay ang kabuuang bungkos ng impormasyong alam at naintindihan ng mga nakabasa ng iba\u2019t ibang bersyon ng mito nina Tungkung-Langit at Alunsina.\u00a0 Sa pinakaistriktong depinisyon ng metatext, maaaring magkaroon ng problema ang dula.\u00a0 May posibilidad na hindi natutugunan ng adaptasyon ang mga orihinal na karakterisasyon o eksaktong paglalarawan sa mga katangian at motibasyon ng mga tauhan mula sa mga orihinal na mito.\u00a0 Maaaring may mga iskolar sa katutubong panitikan na kumuwestiyon sa authenticity o faithfulness ng produksyon, at sa kung paano ito itunuloy o ikinabit sa kuwento ng mga kontemporaryong tauhan.\u00a0 May malaking posibilidad ding ihayag na may pagkapilit ang pag-uugnay kay Alunsina sa iba\u2019t ibang mga tauhang may iba\u2019t ibang personal at pulitikal na suliranin, pilit dahil baka hindi tugma sa rasyunal ng pagkakahulog ni Alunsina mula sa langit\u2014kung naging malinaw man ito sa mga tagapanood\u2014o\/at pilit dahil sa isa na namang pagkakataon, ang buhay ng mga mortal ay nakatakda na naman sa desisyon ng isang diyos\/diyosa (kung ang sinasabing fractals sa dula ay bahagi ng malaking kabuuan, bakit diyos lang ang makakaapekto sa mundo ng mga tao?\u00a0 Hindi ba posibleng baligtarin ang mekanismo\u2019t ang kilos naman ng mga mortal ang magkaroon ng literal o pisikal na impact sa mundo ng mga diyos?). \u00a0\u00a0<em>Sa kabilang banda<\/em>, malakas ang reaksyon ng mga manonood sa mga eksena ng suyuan nina Tungkung-Langit at Alunsina, kasinglakas ng pagtugon ng audience kapag may mga pahayag tungkol sa paghihintay ng sinisintang hindi umuwi sa bahay ng kabit o ng legal na asawa, o sa paghahayag ng galit sa mga babaeng nagpapaloko sa mga lalake, o sa gurong nagsasawika ng kanyang pagkaakit sa kanyang estudyante, o sa pagmamakaawa ng isang diyos sa sinusuyong diyosa\u2014kay lakas ng tawanan noong nangako si Tungkung-langit na kung babalik si Alunsina\u2019y hindi na niya kailangang magsaing!\u00a0 <em>Sa kabilang banda<\/em>, sa gitna ng lahat ng chaos, ng gulo at parang kawalan ng koneksyon, may mga bakas ng emosyon, bakas ng imahen-tunog-galaw, may mga piraso ng katotohanang nakukuha ang taganood\/tagabasa ng dula.\u00a0 May communal na pag-unawa sa paghahayag ng pangungulila\u2019t pagiging kulang, at marahil sa ganoong kolektibong pag-unawa mahuhugot ang sinasabing metatext.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Siguro, kung nagpatuloy pa ang dula\u2019t itinuon ang pokus sa mga lecture ng gurong si Caloy, siguro\u2019y siya ang magpapalawak pa ng metatext na natukoy.\u00a0 Muli niyang ibabahagi ang nosyon ng fractals, na ikakabit niya sa bagong-biling librong A LOVER\u2019S DISCOURSE ni Roland Barthes.\u00a0 Sa librong ito, ikukuwento niya habang nakatingin sa estudyanteng lihim niyang sinisinta,\u00a0 ang fractals ay \u00a0tatawaging <em>fragments<\/em>, o <em>figures<\/em>.\u00a0 Nabubuhay daw ang tao sa mundo ng pira-pirasong paghahayag ng sarili.\u00a0 Walang iisang kabuuan, walang tiyak na umpisa-gitna-wakas.\u00a0 Ang pag-iral ng tao ay pag-iral sa mundo ng pangangapa sa mga pirasong ito.\u00a0 Hindi kayang ipaliwanag ang kahulugan ng buhay, o ang punto ng existence ng isang nilalang sa mundo, o kung bakit laging parang di mapahilom na sugat ang pakiramdam ng pagiging hindi buo.\u00a0 Pero makakaranas ang tao ng iba\u2019t ibang interaksyon, makakarinig siya ng iba\u2019t ibang kuwentong-buhay, mapapanood niya ang iba\u2019t ibang eksena mula sa mga kakilala\u2019t di kakilala, at sa puntong iyon ay makakaramdam siya ng isang magkahalong pagkabahala\u2019t pagkapanatag.\u00a0 Nakikilala niya ang karanasan, pamilyar ang eksena.\u00a0 Parang naranasan na niya, parang naisabuhay na niya, parang naramdaman na niya.\u00a0 Walang sinumang tiyak na makapaglalarawan danas, pero may makakakilala sa pakiramdan ng pag-aabang at pagpapaabang, ng pagsasalita at pananahimik, ng pag-angkin at pagpapalaya.\u00a0 Mayaman sa mga ganitong piraso\/ fractal\/ fragment\/figure ang dula, at kahit posibleng hindi mapagtahi-tahi ng manonood ang kabuuan ng mga pirasong iyon, posibleng sapat na ang pagdanas ng pagkilala at pamilyaridad.\u00a0 Baka naman ito an ang esensya ng dula, na tingnan siya para sa mga pirasong ito, na tanggapin na baka hindi pagsusugpong o pagsasanib ang pinakamataas na resolusyon kundi ang bahagyang dampi at hagod, nahahawakan na hindi, nakakapa bagaman nakahiwalay pa rin.\u00a0 Isang matamis-mapait na pakiramdam na magbabalik sa tagapanood sa isang yugto ng kanyang buhay, ang yugtong unang lumatag sa kanyang gunita ang konsepto ng \u201cpagmamahal.\u201d<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>May ilan pang lugar para sa pagpapalawak nitong mungkahing lapit sa pagbabasa.\u00a0 Bukod sa pagtutok ng ilaw sa audience, halimbawa, siguro\u2019y naramdaman pa ng mga tagapanood ang inklusyon sa eksperimentong ito kung tumatawid-tawid ang mga artista ng dula (na mangangahulugan din ng pagtawid ng kuwento) sa loob at labas ng stage area; maaari ring maging mas sabog pa ang daloy ng kuwento (halimbawa ay ang paglusaw ng usual two-act scheme ng dula, o ang halinhinang pagpapakilala sa mga tauhan imbes na ang mga diyos sa unang bahagi, at ang mga tao naman sa ikalawa, pagiging mas indistinct pa ng harang sa sayaw, pag-awit, video, dialogue\u2014sa kasalukuyang estado ng dula\u2019y maaaring tumawid siya bilang maayos na pagsasalansan ng mga elemento versus chaotic pero tila may kaayusang istruktura).\u00a0 Baka may dagdag na excitement kung tinahak din ng dula ang isang usual fan writing path na pagtatambal ng ilang mga di-inaasahang tauhan sa ilang di-inaasahang sitwasyon\u2014si Alunsina at si Caloy kaya, o si Tungkung-Langit at si Jomar?\u00a0 Maaari pa ngang nilaro ang ekspektasyon ng audience mismo, na sa bandang huli\u2019y gawing mas obvious na may mga bahagi silang hindi maiintindihan\/naiintindihan, o isiniwalat pa sa manonood na may butas din sa paghahanay ng mga bagay sa dalawahang tumbasan (diyos-tao, babae-lalake, tagapanood-tagapagtanghal).\u00a0 Pero ito\u2019y posibleng mga hamon o mungkahing ihaharap na sa mga susunod pang produksyon.\u00a0 Sa ngayon, kailangang kilalanin ang dula para sa mga napagtagumpayan nito,\u00a0 isang piyesang may intensyon ng pagpapalalim habang pinapanatili ang elemento ng aliw at pagpapaliwanag.\u00a0 Humahanga ako sa mga kasapi ng produksyong ito sa pagtatangkang ipaproseso sa kanilang mga tagapanood ang mga masalimuot na konsepto ng pagsasagilid, pulitikal na dahas, \u00a0seksuwal na pagkakahon, mga panandaliang aliw ng materyal na pag-aari.\u00a0 Higit pa roon, kahanga-hangang hinamon ng produksyon ang mga manonood na tanggapin ang posibilidad na ang lahat ng mga yugto\u2019t episode na itinanghal ay bahagi ng isang mahaba, masalimuot, walang umpisa-gitna-katapusang naratibo ng pag-ibig.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0274.jpg\" rel=\"lightbox[408]\" title=\"_DSC0274\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-410\" title=\"_DSC0274\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0274-300x200.jpg\" alt=\"\" width=\"300\" height=\"200\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0274-300x200.jpg 300w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0274-1024x685.jpg 1024w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/03\/DSC0274-305x204.jpg 305w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/a><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Bilang bahagi ng kanilang 2010-2011 Theater Season, itinanghal ng UPLB Samasining ang dulang ALUNSINA DESAP noong 24-27 Pebrero 2011.\u00a0 Ang dula\u2019y isinulat ni \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/03\/13\/pagkawalakawalan-bilang-metatext-at-ang-mga-pigura-ng-pag-ibig-sa-alunsina-desap\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":410,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[5,6,7,1],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/408"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=408"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/408\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":414,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/408\/revisions\/414"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/410"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=408"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=408"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=408"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}