{"id":4104,"date":"2016-08-06T01:39:49","date_gmt":"2016-08-06T01:39:49","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=4104"},"modified":"2016-08-06T01:43:15","modified_gmt":"2016-08-06T01:43:15","slug":"6-bulaklak-ng-heidelberg","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/08\/06\/6-bulaklak-ng-heidelberg\/","title":{"rendered":"6 &#8211; Bulaklak ng Heidelberg"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/08\/19\/x\/\">Rizal X<\/a> ang una kong opisyal na paglahok sa Dulaang UP. \u00a0Bilang isang produksyong binubuo ng pinagtatahi-tahing vignettes, naging trabaho naming mga tagapag-ambag ang magbigay ng maiiksing piyesang umiikot sa buhay at mga aral ni Jose Rizal. \u00a0Dahil sa maraming artistang kasali, may ilang natapyas na piyesa. \u00a0Nasa blog nang ito ang <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2012\/01\/06\/ganti-ng-kusinera\/\">Ganti ng Kusinera<\/a>, ang vignette na kasama na sa rehearsals pero dahil kailangang magpaiksi ay nawala. \u00a0May kopya rin sa blog ng <a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/11\/13\/ang-kimera-ang-espinghe\/\">Ang Kimera at ang Espinghe<\/a>, ang piyesang aktuwal na naipalabas sa Rizal X.<\/p>\n<p>Ang kalakip naman dito ay isang scifi na piyesang nagmula sa kwento ni Alvin Yapan. \u00a0Hindi na ito nakasama kahit sa rehearsal stage, sayang din. \u00a0Kahit naman noon pa, may slight na pagtatangka naman akong magtampok ng mga proyektong scifi-inspired kung di man hardcore na scifi talaga, na pumapaksa sa mga isyung relatable sa mga Pilipino.<\/p>\n<p>Ibinabahagi ko ito para sa ikaanim na araw ng 31-day Writing Challenge.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><strong>Bulaklak ng Heidelberg<\/strong><\/p>\n<p>Ang piyesang ito ay base sa kuwentong <em>Bulaklak ng Heidelberg<\/em> ni Alvin Yapan. Nailathala ito sa Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 2001.<\/p>\n<p>Tauhan:<\/p>\n<p>Linguist \u2013 isang futuristic na nilalang, nagbebenta ng mga wika<\/p>\n<p>Computer \u2013 di-nakikitang boses na taga-explain ng ilang mga tauhan at pangyayari<\/p>\n<p>Koerperschaft Soldiers \u2013 mga tauhan ng Koerperschaft, isang di-nakikitang entity na hawak ang lahat<\/p>\n<p>Tagpo:<br \/>\nsa isang virtual space, sa pagitan ng kasalukuyang panahon at ang panahong pinaggalingan ng linguist<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Maririnig ang iba&#8217;t ibang elektronikong tunog bago bumukas ang ilaw sa entablado. Futuristic ang feel, parang nasa loob ng isang virtual space. May mga imahen ng mga tauhang naka-cyber look, nakakulong\/ natutulog sa pod-like na kulungang salamin. Maririnig sa background ang iba&#8217;t ibang bersyon ng pagsabi ng \u201cyes:\u201d SI, ANO, HAI, YES,HO, NA&#8217;AM, OUI, JA, at mahuhuli ang OPO. Maririnig ang boses ng LINGUIST na binabanggit ang ilang linya ng \u201cA Las Flores del Heidelberg\u201d ni Jose Rizal<\/p>\n<p>LINGUIST:<\/p>\n<p>Hayo kayo sa bayan ko, bulaklak ng ibang lupa,<br \/>\nna tanim ng naglalakbay sa lupaing mapayapa,<br \/>\nat sa lilim ninyong langit na sa bughaw ay sagana&#8217;t<br \/>\nnagtatago rin ng lahat ng pag-ibig ko at haka,<br \/>\nhayo kayo at sabihing akong dito ay banyaga,<br \/>\npananalig ay kimkim sa Bayan kong minumutya.<\/p>\n<p>Ang Linguist ay mukhang balisa at may hinahanap-hanap. Magsasalita ang COMPUTER.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nBabala, Koerperschaft Attack sa loob ng limang minuto.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nWala nang oras.<\/p>\n<p>Titingnan ng Linguist ang metal na pulseras sa kanyang mga braso, mukhang may i-a-activate. Makikipag-usap na parang may inire-record na account.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nTalaarawan. I-broadcast sa panahong 2011. Hulyo.<\/p>\n<p>Ang signal na ito ay mula sa gateway sa pagitan ng taong 2011 at ng aking panahon. Isa ako sa kaunting linguist na may natitira pang sariling kamalayan.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nLinguist: isang nilalang na nagtatago at nagbebenta ng wika.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nIsang pangkaraniwang araw lang iyon, ibinebenta ko ang aking mga dalang wika, lagi ko namang ginagawa iyon. Mabenta ang aking tindang wika, mga wika ng pagtugon at pagsang-ayon. Espesyal kong produkto ang masunuring Filipino. Wikang hindi tumututol. Iyon ang gusto ng Koerperschaft.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nKoerperschaft: sentrong daluyan ng kapangyarihan. Ang tagabili at tagapangasiwa ng mga wika at iba pang produkto. May-ari ng lahat.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nIsang pangkaraniwang araw, gaya ng mga araw na nakasanayan ko. Gigising, babangon, papasok, bibili ng mga wika, didisenyuhan, aalisin ang mga salitang tinatakan ng Koerperschaft bilang \u201cnegatibo\u201d o \u201cmasama.\u201d Ibebenta ang produkto, babayaran.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nBabala, Koerperschaft Attack sa loob ng tatlong minuto.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nSila ang may-ari ng lahat, ang Koerperschaft . At wala akong problema doon. Ang pagkaing kakainin, ang damit na isusuot. Kung ano ang dapat itugon sa bawat tanong. \u201cOpo, maayos po ang buhay dito sa lupang tinawag ng Koerperschaft na &#8216;Coco-Mango Land.&#8217;\u201d \u201cOpo, wala po kaming problema dito.\u201d \u201cMasarap po ang pagkain.\u201d \u201cHindi po, hindi po kami nagugutom.\u201d \u201cSige po, ituro po ninyo sa amin ang mga wikang banyaga, para po magkaintindihan kami ng mga kaibigan nating dayuhan.\u201d \u201cOpo, lahat po sila ay kaibigan, ang dayuhan, ang Koerperschaft, lahat po sila&#8217;y mapagkakatiwalaan.\u201d<\/p>\n<p>Hanggang sa mabasa ko ang kanyang tula.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nError. Walang anumang tala tungkol sa salitang \u201ctula.\u201d<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nIsang karaniwang araw, humahangos si N, ang isang kasamang linguist. Sa paglalakbay niya sa cyber-flux business passageway, nabuksan niya ang isang portal, isang arkibong impormasyong inakalang na-wipe na sa memorya ng Coco-Mango Land. Isang tula. Isang makata. Isang dayuhang bulaklak.<\/p>\n<p>COMPUTER:<\/p>\n<p>Babala, Koerperschaft Attack sa loob ng dalawang minuto.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\n\u201cSa mga bulaklak ng Heidelberg.\u201d Isang bungkos ng wika, ng mga salita. \u201c\u201danong ipinagkaiba sa wikang itinitinda natin?\u201d tanong ko kay N. \u201cBasahin mo.\u201d Sagot niya. \u201cPagod na ako, bukas na lang. Matulog na tayo.\u201d Itinago ko sa aking pulseras ang data ng tula.<\/p>\n<p>Wala na siya noong nagising ako.<\/p>\n<p>Hinanap ko siya, sa mga kasamang linguist, sa mga suki ng wikang binibili&#8217;t tinitinda ko, sa mga taong malapit sa Koerperschaft . Walang may alam kung nasaan siya. Walang nakakakilala sa kanya.<\/p>\n<p>Naupo ako sa isang sulok at binasa ang sinasabi niyang tula.<\/p>\n<p>Isang dayuhang bulaklak mula sa isang dayuhang bayan. Pinapaalala ang lungkot para sa sariling lupa. Para sa sariling espasyo. Sariling espasyo? Hindi ba lahat ng espasyo&#8217;y regalo lamang ng Koerperschaft sa amin?<\/p>\n<p>\u201cDatapuwa&#8217;t ay! Lahat kayo&#8217;y sabay-sabay na darating,<br \/>\nat ang inyong mga kulay ay taglay pa&#8217;t inyong kimkim,<br \/>\nngunit kapag nalayo sa lupain ninyong giliw<br \/>\nna pinagkakautangan ng buhay na inyong angkin.<br \/>\nLahat ninyong kabanguha&#8217;y pilit na mawawala rin&#8230;\u201d<\/p>\n<p>Maririnig ang emergency alarm sound. May maririnig ding mga padyak na parang sundalo.<\/p>\n<p>COMPUTER<\/p>\n<p>Babala, Koerperschaft Attack sa loob ng isang minuto.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nGinalugad ko ang mga pinakamadilim na sulok ng Coco-Mango Land, ng aking panahon. Hinanap pa itong bakas ng \u201ctula.\u201d Hinanap ang iba pang isinulat nitong tinatawag na \u201cmakata.\u201d Maraming beses akong hindi nag-ulat sa mga ahente ng Koerperschaft . Inubos ko ang naipong yaman para makapag-recreate ng isang sample ng bulaklak, ng bulaklak mula sa Heidelberg. Pinanood ko ang bulaklak mula sa aking silid, sa tapat ng bintana. Nilanghap ko ang kanyang amoy, pinanood ang kanyang mga talulot. Tulad ng sinabi sa tula, unti-unting nawala ang bango at ganda ng bulaklak. Noong nalanta ang recreated sample, naalala ko si N. \u201cMas masaya sana kung kasama ko siya, sa isang bayan na matatawag naming amin,\u201d naisip ko habang nakatulala sa tapat ng bintana.<\/p>\n<p>Makikitang sumisilip-silip ang ilang KOERPERSCHAFT SOLDIERS.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nKoerperschaft Soldiers approaching.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nWala nang oras!<\/p>\n<p>Inilaan ko ang natitirang yaman para makatawid sa time-space continuum. Nais kong bumalik sa taong 1886. Pupuntahan ko ang makatang nasa Heidelberg. Dadalhin ko ang recreated sample ng bulaklak. Sasabihin ko sa kanya ang nangyari kay N. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko&#8217;y maituturo niya kung nasaan ang aking kaibigang linguist. Ang aking minamahal na kaibigang linguist.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nKoerperschaft Soldiers approaching.<\/p>\n<p>LINGUIST:<br \/>\nPero natunugan ako ng Koerperschaft, naputol ang pagtawid sa panahon, ngayon ay nasa pagitan ako ng 2011 at ng aking panahon, sa isang alternate void. At malapit na nila akong mahuli.<\/p>\n<p>Ipinapadala ko ang tala mula sa aking talaarawan, kasama ng lahat ng tula at impormasyon mula sa aking pulseras, sa lahat ng makatatanggap ng signal na ito mula sa inyong panahon. Lahat ng may elektronikong gamit na naririnig ang aking tinig ngayon, panatiliing bukas ang mga gamit, itaas ito, sagapin ang huli kong transmisyon. Ipapadala ko sa inyo ang mga sikreto ng pagtawid sa panahon, ipapadala ko ang instruksyon sa pagpunta sa 1886, sa isang lugar sa Heidelberg. Ituturo ko kung nasaaan ang itinago kong bulaklak.<\/p>\n<p>Naniniwala ako sa inyo, sa mga kaibigan mula sa panahong 2011. Mahuli man ako ng Koerperschaft, naniniwala akong magtatagumpay kayo sa ating misyon. Para kay N, para sa nawalang bayan, para sa kalayaan mula sa Koerperschaft.<\/p>\n<p>Darating ang Koerperschaft Soldiers bago pa mapindot nang tuluyan ang pulseras. Magahahabulan ang linguist at ang mga sundalo. Sa huling sandali na mapangingibabawan siya ng mga sundalo, mapipindot niya ang pulseras at magliliwanag ang area kung nasaan ang linguist at mga sundalo.<\/p>\n<p>COMPUTER:<br \/>\nTagumpay ang Transmisyon. Tagumpay ang Transmisyon.<\/p>\n<p>Mapapangiti ang linguist habang tinatangay ng mga sundalo. Magdidilim sa entablado.<\/p>\n<p>Maririnig ang boses ng linguist habang wala pang ilaw.<\/p>\n<p>LINGUIST:<\/p>\n<p>\u201cDalhin ninyo, dalhin ninyo, mayuming mga bulaklak,<br \/>\npag-ibig kong sa inyo ay nagtatapat,<br \/>\nkapayapaan sa Bayan at sa lupaing mabulas,<br \/>\npananalig sa lalaki&#8217;t sa babai&#8217;y pagkawagas,<br \/>\nkalusugan sa lahat nang sa tahana&#8217;y nalalagak,<br \/>\nna tinipo&#8217;t pinagyaman ng magulang, sa pagliyag.<\/p>\n<p>Pagliwwanag ay makikita na ang linguist na nakakulong na rin sa glass pod. Tahimik maliban sa tunog ng iba&#8217;t ibang bersyon ng \u201cyes.\u201d May naka-project na imahen ng mga bulaklak na namumukadkad sa tag-init. Tulog bagaman nakangiti ang linguist.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Rizal X ang una kong opisyal na paglahok sa Dulaang UP. \u00a0Bilang isang produksyong binubuo ng pinagtatahi-tahing vignettes, naging trabaho naming mga tagapag-ambag \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/08\/06\/6-bulaklak-ng-heidelberg\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":4105,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,20,6,7],"tags":[30,32],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4104"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4104"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4104\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4108,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4104\/revisions\/4108"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4105"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4104"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4104"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4104"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}