{"id":4215,"date":"2016-08-27T02:33:30","date_gmt":"2016-08-27T02:33:30","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=4215"},"modified":"2016-08-27T02:33:30","modified_gmt":"2016-08-27T02:33:30","slug":"27-salaysay-tungkol-sa-mga-salaysay","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/08\/27\/27-salaysay-tungkol-sa-mga-salaysay\/","title":{"rendered":"27 &#8211; Salaysay tungkol sa mga Salaysay"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/3-11.jpg\" rel=\"lightbox[4215]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-4218\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/3-11-590x394.jpg\" alt=\"3\" width=\"590\" height=\"394\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/3-11-590x394.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/3-11-768x512.jpg 768w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/3-11-950x634.jpg 950w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/3-11.jpg 2048w\" sizes=\"(max-width: 590px) 100vw, 590px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Narito ang unang bahagi ng &#8220;Ang Paglaladlad,&#8221; na adaptasyon ng dulang &#8220;The Unravelling&#8221; ni Fin Kennedy. \u00a0Itinanghal ito sa produksyong\u00a0<em>Meta<\/em> ng UP Dulaang Laboratoryo, noong Mayo 2016.<\/p>\n<p>Sa bahaging ito ipinapakilala ang mundo ng mga salaysay at ang hiwaga ng pagkukuwento.<\/p>\n<p>***<\/p>\n<p>Kadiliman. Sa kadiliman, nagsasalita ang MGA TAGAPAGSALAYSAY<\/p>\n<p>MGA TAGAPAGSALAYSAY. Ito ay salaysay tungkol sa mga salaysay<br \/>\nTungkol sa mga salaysay sa loob ng mga salaysay sa loob ng mga salaysay<br \/>\nBawat isa ay pagladlad mula sa nauna<br \/>\nPagkarami-raming kwento sa totoo lang<br \/>\nIsang nakapatong sa isa pa<br \/>\nNa parang katulad ng ano\u2026<br \/>\nNg ano\u2026<br \/>\nNg isang Condominium!<br \/>\nHindi, chong, ibang level naman yun.<br \/>\nKatulad niya yung mga manika<br \/>\nNa may lamang isa pa sa loob at may lamang isa pa sa loob<br \/>\nTapos nung akala mong nakuha mo na yung pinakahuli<br \/>\nMabubuksan mo pa siya<br \/>\nAt mayroon na naman!<br \/>\nAt may isa pa,<br \/>\nTapos isa pa uli!<br \/>\nNyay, hindi ko gusto \u2018yan, kinikilabutan ako.<br \/>\nYun mismo!<br \/>\nAng ibig kong sabihin, saan ba natatapos ang lahat ng \u2018yon?<br \/>\nParang patse-patseng kutson na pinagtatagpi nang walang hanggan<br \/>\nBawat isa sa atin ay isang maliit na bahagi lang.<br \/>\nTeka lang, mayroon naman sigurong nagtatahi ng lahat.<br \/>\nOo sigurado, mayroon \u2018yan<br \/>\nWag ninyong alalahanin \u2018yan<br \/>\nDahil sa totoo lang, diyan mismo<br \/>\nMagsisimula<br \/>\nAng ating Unang Salaysay.<\/p>\n<p><em>Mamamatay nang bahagya ang mga ilaw na nakatapat sa mga Tagapagsalaysay. Nakakumpol sila sa isang model box, ang bawat isa\u2019y nakahawak dito na para isa itong dollhouse, kung saan may isang scale model ng isang fabric shop sa Lumban, Laguna. Sumisilip sila sa loob nito.<\/em><\/p>\n<p><em>May mga manikang gawa sa tela na nakasabit sa mga pader, mga paskil na may presyo, isang maliit na cash register at maliit na mga pigura\u2014isa dito\u2019y isang matandang babaeng nasa isang makinang panahi. Bahagyang maririnig ang tunog nito habang umiikot.<\/em><\/p>\n<p>At ayan na nga siya<br \/>\nIsang malungkot na huklubang mananahi<br \/>\nSa masikip at lumang tindahan ng tela<br \/>\nSa isang maalikabok na lumang eskinita<br \/>\nSa isang nakalimutang bahagi ng bayan.<br \/>\nAno\u2019ng ginagawa niya?<br \/>\nNagtatahi, hindi ba?<br \/>\nNakukuba sa pagtungo sa kanyang makina<br \/>\nBuong araw at buong gabi<br \/>\nNagtatahi ng mga barong<br \/>\nTerno<br \/>\nBalabal<br \/>\nGown<br \/>\nAnuman ang maibigan niya<br \/>\nAng mga bubot na sangkap ng buhay ay nakasabit sa kanyang mga pader<br \/>\nAng mga tela<br \/>\nDi ka maniniwala sa dami ng telang naroon<br \/>\nBawat padron<br \/>\nHabi<br \/>\nSulsi<br \/>\nTahi<br \/>\nMasinsing nakarolyo<br \/>\nNag-aabang na malantad<br \/>\nMagupit<br \/>\nMapunit<br \/>\nMahati<br \/>\nAt mamukadkad ng buhay.<\/p>\n<p><em>Lalapit sila sa pagtingin sa model box at may makikitang isang set ng maliliit na pigura, nakabihis ng katulad sa kanila, nakapalibot din sa isang maliit na model box. Patuloy na lalakas ang tunog ng sewing machine.<\/em><\/p>\n<p>Sino naman iyang ibang mga tao na iyan?<br \/>\nSila? Ewan ko<br \/>\nMga bisita?<br \/>\nMalamang mga customer<br \/>\nMukha silang pamilyar\u2026<br \/>\nMedyo nakabihis ng katulad sa atin\u2026<br \/>\nHindi maaari!<br \/>\nIsang kahon!<br \/>\nIsang modelo!<br \/>\nIsang maliit na tindahan ng tela!<br \/>\nIsang modelo sa loob ng isang modelo sa loob ng\u2014<br \/>\nTama na, chong, kinikilabutan na ako!<\/p>\n<p><em>Magbubukas ang mga ilaw sa tunay na set ng dula, at makikita na nasa isang patahian ang mga tauhan na eksaktong katulad ng model box. May mga rolyo ng telang nakasabit sa mga pader, mga paskil na may presyo, isang cash register at isang matandang babae (ang MANANAHI) na nakaupo sa isang sewing machine. Lalakas nang lalakas ang pag-ikot hanggang sa huminto.<\/em><\/p>\n<p><em>Hihinto ang lahat ng mga Tagapagsalaysay, tulad ng mga manikin na nagmomodelo ng damit.<\/em><\/p>\n<p><em>Titingala ang Mananahi mula sa kanyang ginagawa.<\/em><\/p>\n<p>MANANAHI. Lumaladlad sa ating lahat ang realisasyon.<br \/>\nTayong lahat ay mga papet<br \/>\nSa isang dambuhalang salaysay.<br \/>\nPapalakpak siya.<br \/>\nPlakda!<br \/>\n<em>Mawawalan ng buhay ang mga Tagapagsalaysay, nakasabit na parang puppet na nakatali.<\/em><br \/>\n<em> Paiikutan sila ng Mananahi.<\/em><br \/>\nIto ang lugar kung saan tumutungo ang mga tao upang humiraya<br \/>\nMag-orasyon<br \/>\nMagbanyuhay<br \/>\nNananawagan sa kanilang mga sarili<br \/>\nGaya ng mga genie mula sa bagyong alikabok ng buhay.<br \/>\nMga inabalang maybahay<br \/>\nNa mabigat ang bagahe\u2019t mas mabigat ang puso.<br \/>\nInayusang mga sekretaryang<br \/>\nSinisikap na isulat ang sarili nilang istorya.<br \/>\nMga antuking estudyanteng<br \/>\nSawa nang magmukhang segunda mano.<br \/>\nMga kahali-halinang lolang<br \/>\nLumulusong sa isang huling pagsirko bago kumindat pawala ang mga ilaw.<\/p>\n<p><em>Magbabalabal siya sa bawat walang-buhay na \u201cpapet\u201d ng isang piraso ng kasuotang magsisilbing pantukoy sa kanilang papel, hal: shawl para sa lola, isang suit jacket para sa sekretarya.<\/em><\/p>\n<p>Habang lumalakad pababa ng assembly line<br \/>\nAng pinto\u2019y kanilang binubuksan<br \/>\nAt sila\u2019y natitigilan<br \/>\nLumulupaypay<br \/>\nAt biglang naaalalang magsihingahan.<\/p>\n<p><em>Hihinga nang malalim ang Mananahi at bubuga.<\/em><br \/>\n<em> Sama-samang hihinga nang malalim ang mga Tagapagsalaysay.<\/em><\/p>\n<p>Maniwala kayo<br \/>\nNakikita ko ito.<br \/>\nNakikita ko ang lahat ng ito.<\/p>\n<p><em>Mabubuhay ang mga Tagapagsalaysay bilang customer sa isang shop: isang maybahay, isang sekretarya, isang estudyante\u2014lahat ay tahimik na tumitingin sa iba-ibang mga tela.<\/em><\/p>\n<p><em>Habang nagpapatuloy ang Mananahi, inaarte nila ang mga galaw na sinasabi niya.<\/em><\/p>\n<p>Sinisipat nila ang mga rolyo<br \/>\nMay isang pupukaw sa kanilang pagsipat<br \/>\nSila\u2019y titigil<br \/>\nHahakbang<br \/>\nAabot<br \/>\nHihipo<br \/>\nMaglaladlad\u2014pero bahagya lang<br \/>\nAt doon mismo magsisimula ang salamangka:<br \/>\nSa paghiraya<br \/>\nNg damit<br \/>\nNg porma<br \/>\nNg buhay.<br \/>\nDito, lahat ay posible<br \/>\nAt lahat ay umiiral<br \/>\nIto ay isang sagradong lugar<br \/>\nKung saan sila dumarayo para magbukas sa bukas.<br \/>\nPlakda!<\/p>\n<p><em>Babagsak muli ang mga Tagapagsalaysay.<\/em><\/p>\n<p>Gusto ninyo ng mga kwento?<br \/>\nSige, kukwentuhan ko kayo<br \/>\nPagkat ano ba ang buhay kundi sala-salabat na sapot ng sinulid<br \/>\nSumusuroy patungo sa isang malayong punto ng paglaho?<br \/>\nTinatawag ko itong \u201cAng Paglaladlad.\u201d<\/p>\n<p><em>Sa susunod na apat na salita ay pipitik siya sa harap ng mga Tagapagsalaysay at muli silang pipitik pabalik sa pagiging buhay.<\/em><\/p>\n<p>Minsan<br \/>\nNoong<br \/>\nUnang<br \/>\nPanahon.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/1-16.jpg\" rel=\"lightbox[4215]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-4216\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/1-16-590x394.jpg\" alt=\"1\" width=\"590\" height=\"394\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/1-16-590x394.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/1-16-768x513.jpg 768w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/1-16-950x634.jpg 950w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/08\/1-16.jpg 2048w\" sizes=\"(max-width: 590px) 100vw, 590px\" \/><\/a><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Narito ang unang bahagi ng &#8220;Ang Paglaladlad,&#8221; na adaptasyon ng dulang &#8220;The Unravelling&#8221; ni Fin Kennedy. \u00a0Itinanghal ito sa produksyong\u00a0Meta ng UP Dulaang \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/08\/27\/27-salaysay-tungkol-sa-mga-salaysay\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":4217,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[33,26,25,7],"tags":[30],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4215"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4215"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4215\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4219,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4215\/revisions\/4219"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4217"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4215"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4215"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4215"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}