{"id":4305,"date":"2016-11-04T01:32:21","date_gmt":"2016-11-04T01:32:21","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=4305"},"modified":"2016-11-04T01:32:21","modified_gmt":"2016-11-04T01:32:21","slug":"uwian","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/11\/04\/uwian\/","title":{"rendered":"Uwian"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7255.jpg\" rel=\"lightbox[4305]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-4307\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7255-590x443.jpg\" alt=\"img_7255\" width=\"590\" height=\"443\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7255-590x443.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7255-768x576.jpg 768w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7255-950x713.jpg 950w\" sizes=\"(max-width: 590px) 100vw, 590px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Kahapon, habang bumabyahe sa ulan para maghanap ng pintura, napagkuwentuhan namin nina Mama at Papa ang isang eksena noong bata pa kami. \u00a0Napunta siguro doon ang usapan dahil sa pinapaayos nilang bahay ngayon, at kasama sa excitement at kabusyhan sa paghahanda ng mga semento, kahoy, at pintura ang onting pagbabalik-tanaw sa mga lugar na naging tirahan namin sa nakalipas na panahon.<\/p>\n<p>Ang eksenang napagkuwentuhan ay eksena sa Fiesta Carnival sa Cubao. \u00a0Natatandaa ko iyon dahil sa sumakay kami ni Kuya sa Caterpillar at nataranta din si Mama dahil nawala ako habang umiinom kami ng gulamang binili niya. \u00a0Natatandaan kong nawala ako dahil akala ko&#8217;y isinosoli sa mga tindera ang basong pinag-inuman ng gulaman, kahit disposable cup naman iyon. \u00a0Sa pagkakatanda ko, hindi naman ako nag-isip na maliligaw ako dahil kahit anong mangyari, imposibleng hindi ko makita at mahanap si Mama. \u00a0Iyon ang bersyon ko ng kuwento.<\/p>\n<p>Sa kuwento nina Mama at Papa, may kaunting dagdag. \u00a0Naghihintay pala si Papa ng bonus niya mula sa pinapasukan sa Cubao. \u00a0Dahil walang cellphone pa noon, pinag-usapan nang mas maaga kung saan magkikita&#8211;sa Fiesta Carnival. \u00a0Walang pera sina Mama at Papa kaya nangutang si Mama sa nanay ni Papa, si Lola Nene. \u00a0Nakautang si Mama ng 50 pesos, na ginamit niya para sa pamasahe namin ni Kuya (nakakandong ako kay Mama at si Kuya ay may bayad ang upuan), ginamit para sa ilang ikot sa caterpillar at tatlong baso ng gulaman ng Fiesta Carnival. \u00a0Iyon naman ang bersyon nila.<\/p>\n<p>Ngayon, habang sinisikap mabuo ang panibagong lugar na titirahan ng mga magulang ko dito sa Laguna, naiisip ko na napakasuwerte ko rin at nagkaroon ako ng mga magulang na may ganoong sentimiyento&#8211;na gagawin nila ang lahat para hindi maramdaman ng mga anak nilang may problema sa mundo. Kagila-gilalas na nakayang gawin nina Mama at Papa na parang isang malaking pista ang singkuwenta pesos. \u00a0Malayo na nga rin ang narating namin simula sa singkuwentang iyon, malayo&#8217;t hindi palagiang patag at panatag na paglalakbay. \u00a0Pero heto, may kaunting pondo at pagkakataong magpatayo muli ng panibagong espasyo, may sabay na kilig at kaba dahil may unti-unting nabubuo habang unti-unting nababawasan ang mga napag-ipunan, nananalangin na magkaroon ng sapat na luwag at mga milagro para maipagpatuloy ang mga nasimulan. \u00a0Pero sa pangkalahatan, para sa lahat ng nagawa nina Mama at Papa, maliit na bagay na lang iyan. \u00a0Pintura, semento, kahoy, yero, salamin, mga pira-pirasong pagkilala at pasasalamat sa lahat ng mga nagawa nila. \u00a0Sa ngayon, sa puntong mas marami nang sakit sa katawan ang mga magulang, ngayong mas iniinda na ang edad at pagtanda, mukhang kasama na sa mga misyon ko sa buhay ang siguraduhing sa abot ng makakaya ko, mararamdaman nila na may sisilong sa kanila palagi, at lagi nilang maiisip ang ginhawang katulad ng pakiramdam ng pag-uwi.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7257.jpg\" rel=\"lightbox[4305]\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-4308\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7257-590x443.jpg\" alt=\"img_7257\" width=\"590\" height=\"443\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7257-590x443.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7257-768x576.jpg 768w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2016\/11\/IMG_7257-950x713.jpg 950w\" sizes=\"(max-width: 590px) 100vw, 590px\" \/><\/a><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Kahapon, habang bumabyahe sa ulan para maghanap ng pintura, napagkuwentuhan namin nina Mama at Papa ang isang eksena noong bata pa kami. \u00a0Napunta \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2016\/11\/04\/uwian\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":4306,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[20,4,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4305"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4305"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4305\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4309,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4305\/revisions\/4309"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4306"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4305"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4305"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4305"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}