{"id":447,"date":"2011-04-20T18:33:39","date_gmt":"2011-04-20T18:33:39","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=447"},"modified":"2013-12-29T02:46:37","modified_gmt":"2013-12-29T02:46:37","slug":"pagyao","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/04\/20\/pagyao\/","title":{"rendered":"Pagyao"},"content":{"rendered":"<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0007.jpg\" rel=\"lightbox[447]\" title=\"_DSC0007\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-448\" title=\"_DSC0007\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0007-200x300.jpg\" alt=\"\" width=\"200\" height=\"300\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0007-200x300.jpg 200w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0007-685x1024.jpg 685w\" sizes=\"(max-width: 200px) 100vw, 200px\" \/><\/a>Mayamaya lang ay dadalhin na namin ang tito ko sa kanyang huling hantungan.\u00a0 Namatay siya nitong nakaraang Linggo, kumplikasyon ng diabetes at sakit sa puso&#8217;t bato.\u00a0 Ilang araw bago siya inatake, kinailangan siyang putulan ng dalawang daliri sa kaliwang paa, at ng buong binti&#8217;t hita sa kanan.\u00a0 Nabubulok na kasi ito, naimpeksyon mula sa ginupitang kukong nakasugat sa daliri sa paa.\u00a0 Siya ay nakaabot sa limampu&#8217;t walong taon ng pamumuhay.<\/p>\n<p>May mga pinagdaanan siya nitong nakaraang mga taon, mga bagay na mahirap sabihin, o hindi na angkop ikuwento sa ganitong espasyo.\u00a0 Pwede ko sigurong ibahagi ang sentimiyento ng lola ko, ng kanyang nanay, noong umagang natanggap namin ang balitang wala na si Uncle.\u00a0 Nagkasakit siya sa kanyang pisikal na katawan, kasabay ng mga sakit na panloob.\u00a0 Ang pampalubag-loob ng mga kaanak sa kanya, kay Lola, kung anuman ay natapos na ang paghihirap ng tito ko.\u00a0 Mabilis na inasikaso ang kanyang lamay, masuwerte&#8217;t noong dadalhin siya sa ospital para sa kanyang check-up&#8211;na magiging appointment pala sa kanyang leg amputation&#8211;ay nasabi niya nang pabiro kung saan siya dapat ilagak sa lamay at saan\/paano dapat idispatsa sa huling hantungan.\u00a0 Cremation ang kanyang ibinilin.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0060.jpg\" rel=\"lightbox[447]\" title=\"_DSC0060\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"size-medium wp-image-450 aligncenter\" title=\"_DSC0060\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0060-300x200.jpg\" alt=\"\" width=\"300\" height=\"200\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0060-300x200.jpg 300w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0060-1024x685.jpg 1024w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0060-305x204.jpg 305w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Halos lahat ng kamag-anak ay may dalang digicam, kahit ako.\u00a0 Habang ako&#8217;y nahihiya\/natatakot na kumuha ng mga litrato, ang iba&#8217;y dire-diretso lang sa dokumentasyon.\u00a0 Sa unang gabi nga, ang assignment ko ay magdala ng art paper at ipa-print ang lahat ng best shots ni Uncle noong buhay pa siya.\u00a0 Nag-text sa akin ang pinsan ko noong dumating na ang katawan sa punerarya.\u00a0 Nagbus pa raw ang tito ko kaya siya natagalan ng dating, pero naroon na siya.\u00a0 Halong pagkabilib at lungkot ang naramdaman ko sa muling pagpansing ipinanganak ako sa pamilyang idinadaan sa biro ang ilan sa mga mabigat na yugto ng pag-iral<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0094.jpg\" rel=\"lightbox[447]\" title=\"_DSC0094\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"size-medium wp-image-452 aligncenter\" title=\"_DSC0094\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0094-300x200.jpg\" alt=\"\" width=\"300\" height=\"200\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0094-300x200.jpg 300w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0094-1024x685.jpg 1024w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0094-305x204.jpg 305w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/a>Laging present ang aso ko sa lamay.\u00a0 Ayaw kasing iwanan ng magulang ko sa bahay, baka maiyak daw.\u00a0 Nakakatawa na mas marami pang araw ng dalaw ang aso ko kesa sa ilang kamag-anak.\u00a0 Marami pang eksena ng kulitan, tulad ng pagtatawanan ng mga pinsan ko sa pamisang may mga biglaang pagpapabasa ng bibliya, walang praktis-praktis at may ibang dumiskarte pa ng pagtakas.\u00a0 Pinagtawanan din namin kanina ang kuwento ng isa pang pinsan na bumeso-beso sa kakambal ng isa pang tita.\u00a0 Mistaken identity, kaya raw pala natakot yung hinalikan niya kasi ibang tao pala ito.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0071.jpg\" rel=\"lightbox[447]\" title=\"_DSC0071\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"aligncenter size-medium wp-image-451\" title=\"_DSC0071\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0071-300x200.jpg\" alt=\"\" width=\"300\" height=\"200\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0071-300x200.jpg 300w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0071-1024x685.jpg 1024w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0071-305x204.jpg 305w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/a>Noong isang araw, bumuka ang bibig ni Uncle.\u00a0 Kinailangang buksan ang kabaong at ayusin.\u00a0 Habang inaayos, nakatingin ang tatlong pinsan ko, ang tatlong anak ng tito kong yumao.\u00a0 Nagtanong ang isa kung pwede bang halikan ang bangkay, pumayag ang nag-aayos.\u00a0 Humalik din ang anak ng pinsan ko, pati ang isa pang pinsan na kakauwi lang mula sa Saudi.\u00a0 Noong pinapanood ko ang eksenang ito, naalala ko ang eksena sa ospital, noong kakatapos pa lang putulan ng paa si Uncle.\u00a0 Hindi ako handa, sa amoy ng ospital, sa mga bilin ng doktor, sa mga kuwento ng tito ko habang pinapanood ang isang lumang pelikula sa cable TV.\u00a0 Noong lumabas ang doktor para magbilin sa mga nagbabantay sa kanya, kinausap niya ako (kung bakit ba kasi nagpaiwan ako sa loob).\u00a0 Sabi niya, masyadong madrama ang doktor, hindi na lang sabihin kung mamamatay na siya, sa labas pa sinasabi.\u00a0 Pagkatapos, sinabi niyang naiihi siya, at ni-request niyang panoorin namin kung paano siya umihi sa bote.<\/p>\n<p>Inaalala ko ang lahat ng iyon, ang magkahalong pakiramdam na nagdudulot ng pagkalito&#8217;t literal na hilo&#8217;t sakit ng dibdib.\u00a0 At iniisip kong doble-doble pa ang ganitong pakiramdam para sa mga mas malapit niyang kadugo, na ang iba&#8217;y naroon pa rin sa punerarya hanggang ngayon, nag-aasikaso ng mga bisita, nagkukuwenta ng mga dapat bayaran, nagpaplano ng mga dapat gawin sa cremation, ng mga dapat na gawin pagkatapos ng lahat ng seremonyas, sumisingit ng biro paminsan-minsan, at nagdadalamhati.\u00a0 Nagdadalamhati, walang duda roon.<\/p>\n<p><a href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0018.jpg\" rel=\"lightbox[447]\" title=\"_DSC0018\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" class=\"size-medium wp-image-449 aligncenter\" title=\"_DSC0018\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0018-300x200.jpg\" alt=\"\" width=\"300\" height=\"200\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0018-300x200.jpg 300w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0018-1024x685.jpg 1024w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2011\/04\/DSC0018-305x204.jpg 305w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/a><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Mayamaya lang ay dadalhin na namin ang tito ko sa kanyang huling hantungan.\u00a0 Namatay siya nitong nakaraang Linggo, kumplikasyon ng diabetes at sakit \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/04\/20\/pagyao\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":449,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[20,4],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/447"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=447"}],"version-history":[{"count":8,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/447\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":1822,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/447\/revisions\/1822"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/449"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=447"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=447"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=447"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}