{"id":4593,"date":"2019-10-01T17:22:17","date_gmt":"2019-10-01T17:22:17","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=4593"},"modified":"2019-10-01T17:22:19","modified_gmt":"2019-10-01T17:22:19","slug":"pagkukumpuni","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2019\/10\/01\/pagkukumpuni\/","title":{"rendered":"Pagkukumpuni"},"content":{"rendered":"\n<figure class=\"wp-block-image\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"636\" height=\"950\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-636x950.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-4594\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-636x950.jpg 636w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-395x590.jpg 395w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-768x1147.jpg 768w\" sizes=\"(max-width: 636px) 100vw, 636px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>(Muli, galing sa serye ng mga naisulat ko bilang contributor sa isang Web magazine.  Maraming sentimiyento tungkol sa buhay late 20s at buhay-pamilya)<\/p>\n\n\n\n<p>Mayroon kaming mga mas karaniwang araw, mga araw ng pangangalikot at paghahanay: inilalatag niya ang mga naipong ball cap mula sa iba\u2019t ibang kaibigan at kakilala, mga sumbrerong may tatak na <em>Ferrari, Night at the Museum, War of the Worlds, Band of Brothers<\/em>, lahat ay malinis na nakahanay sa sofa ng aming sala; sa paligid ng bahay, nakasabit ang mga itinabing banner mula sa mga liga ng basketball na pinasimunuan niya\u2014<em>Property and Maintenance Team 2003, Property and Maintenance Team 2007, Property and Maintenance Team 2009<\/em>; nakikipagbiruan siya sa mga kapatid, sa asawa niyang nanay ko, sa mga kamag-anak at kaibigang ngayon ay permanente na niyang binalikan, tungkol sa kung paano naging sapat ang halos dalawampu\u2019t walang taon ng pagkayod sa Riyadh, kung paano naging angkop na tuldukan sa ganitong punto ang bahaging iyon ng buhay niya, kung paano naging ito at ito na lamang ang tanging posibleng desisyong makabubuti sa lahat.<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, mayroon kaming mga araw katulad nitong mga huling araw na nagdaan, itong mga araw ng pagdadalawang-isip: babangon at hihiga siya nang walang ngiti o kahit na anong imik na makukuha mula sa kanyang bibig; yayayain namin siya para kumain ng agahan o hapunan, tutugon siya ng isang malamig na \u201cmamaya na\u201d kung sinusuwerte kami\u2019t wasiwas lang ng kamay habang nakasubsob sa mga unan kapag minamalas; lalabas siya ng kuwarto para manigarilyo, o pupuslit ng pagkain habang hindi kami nakatapat sa mesa, at dali-daling magkukulong, minsan ay ikakandado ang pinto kahit nasa labas pa ang asawa niyang nanay ko (na walang pangligo o pang-toothbrush o kahit na anong pampalit mula sa isang araw ng kanyang serbisyong asawa); maaabutan namin siyang nakatingin sa pader, o sa matandang punong mangga sa labas ng terrace, sa kadiliman, sa kawalan, hawak-hawak ang passport na minsa\u2019y sinabi niyang \u201chindi na uli matatatakan,\u201d at kapag napansin niyang napapansin na namin siya, sasabihan niya kami, huwag daw namin siyang pansinin, huwag daw namin siyang intindihin.\u00a0 Na para bang kaya naming gawin sa isang minamahal ang ganoon.<\/p>\n\n\n\n<p>Nitong nakaraang Enero\u2019t Pebrero pinaglimian ng tatay ko ang kanyang pagreretiro bilang office worker sa kumpanya ng traktora sa Saudi.\u00a0 Isa itong desisyong kinonsulta niya sa amin, at sinalubong namin nang may halong kaba at tuwa, pero pinagkasunduan ng pamilya na sabay-sabay naming bubunuin.\u00a0 NItong Marso siya nakauwi, at sinalubong namin siya sa isang mabilisang hapunan ng hakao at asado rice sa malapit na Chinese Restaurant, at ng paulit-ulit na paniniguro mula sa amin na magiging maayos ang lahat, na aayusin namin ang lahat.\u00a0 Ipinagdiwang namin ang 32<sup>nd<\/sup> wedding anniversary nila sa isang community pool na malapit sa village, nagpakasaya kami sa binagoongan at inihaw na baboy, sa mga tiglilimang pisong kantahan sa videoke machine, sa kakulitan ng apo niyang papunta pa lang sa ikapitong buwan ng pag-iral niya sa mundo.\u00a0 Sa pagpasok ng Abril, nagsama-sama kaming mga magkakamag-anak sa pagtampisaw sa tubig ng Boracay.\u00a0 Sa mga larawan, iisipin mong walang anumang tutuldok sa mga ligaya at posibilidad na paparating.<\/p>\n\n\n\n<p>At dumating na ang mga araw gaya nitong mga araw na nagdaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ko kayang sabihing naiintindihan namin nang lubusan ang pinagdadaanan ng tatay ko, dahil sigurado akong hinding-hindi.&nbsp; Paano ko ba naman ipipinta sa makitid kong isip ang napakaraming taon ng paglalabas-pasok sa sariling bansa, ang paglalaan ng mas malaking bilang ng sariling pagtanda sa lugar na labas sa tahanan, paano ko huhulaan ang pakiramdam ng pagtanaw sa isang karerang patapos na, paano ko titimbangin ang bigat ng pag-alis at pag-iwan, ang hinayang sa mga materyal na bagay na baka hindi na ganoon kadaling maipupundar?&nbsp; Pinaghahandaan ng tatay ko ang pagpasok sa isang opisina sa Laguna, sa kompanya ng isang kamag-anak, sa panibagong trabahong magbibigay ng mapaglilibangan at suweldong mga limang beses ang liit sa kung ano ang sinasahod niya dati sa dayuhang lugar.&nbsp; Paano ko masasabing lubos kong naiintindihan ang pangliliit niyang iyon?<\/p>\n\n\n\n<p>Nitong isang araw lang, habang nakatingin ang tatay ko sa kawalan, niyaya siya ng nanay ko na maglakad sandali, papunta sa malapit na talipapa.&nbsp; Para naman hindi raw siya nakaupo lang, para mabawasan ang paghimas sa passport na hindi na matatatakan, para naman hindi maubos ang araw sa pag-upo at pag-iisip. &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang sagot niya, \u201cayoko, poor na ako e.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>At kapag ako na ang naiinis sa ganitong kuwento, kapag umuuwi ako galing sa sariling trabaho\u2019t naaabutan ang nanay kong naiirita, pagod sa pag-intindi, pagod sa pagiging asawa at ina (na sa ibang kuwento ko na pahahabain), siya naman ang magbubuntung-hininga, siya ang magsasabi sa aking, \u201chindi anak, ganoon talaga, intindihin mo na lang din siya.\u201d&nbsp; At magkakasundo na lamang kami sa pagbato ng lahat ng sisi sa Kingdom of Saudi Arabia, para sa lahat ng kawalan ng pagkakaintindihang ito, para sa lahat ng pangangapa sa mga pagkataong hiniklat at ibinalik nang ilang beses, para sa lahat ng mga araw gaya nitong mga araw na nagdaan, mga araw na walang tunay na salarin, walang tunay na may kasalanan.<\/p>\n\n\n\n<p>***<\/p>\n\n\n\n<p>May mga araw kaming tulad ng pangkaraniwan, may mga araw kaming tulad ng araw na nagdaan, pero may araw din kaming katulad ng kahapon at kanina, isang araw na tipong aksidente lang:<\/p>\n\n\n\n<p>Habang nagpaplanong magpaka-sporty at makisabay sa fitness mode ng karamihan, dinala ko sa eskuwela ang bisikleta ni Papa\u2014latak ng kanyang mga huling araw sa Saudi\u2019t naiuwi noong mga araw na mas masaya pa siya.\u00a0 Wala pang limang segundo\u2019y napigtal na ang kadena, at sa pagkapahiya\u2019y nagmadali na akong umuwi\u2019t nagsumbong sa aking magulang\u2014parang walang dalawampung taon na pinagkatandaan.\u00a0 Ang tatay ko, si Papa, nawala sa kanyang pagkatulala, tiningnan ang napigtas kong kadena.\u00a0 Kakatapos lang nilang magsagutan ng nanay ko noon, paano\u2019y nagsabi siyang ayaw na niyang magtrabaho muna sa Laguna.\u00a0 Tiningnan niya ang kadena, at bumalik sa pagtanga sa kawalan.\u00a0 Ang nanay ko naman ay nagpatuloy sa mga gawain niya, naghanda ng mga damit na dadalhin sa probinsya kahit hindi siguradong aalis nang may kasama, uminom ng beer na binili niya para kay Papa, pero natulog kaagad ang pinag-alayan kaya nanay ko na ang uminom nang mag-isa.\u00a0 Umiyak saglit ang nanay ko, saka pumanhik para samahan ang tatay ko sa pagtulog sa kanilang kuwarto.<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"950\" height=\"636\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-2-950x636.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-4595\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-2-950x636.jpg 950w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-2-590x395.jpg 590w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/poc-vlad-1-2-768x514.jpg 768w\" sizes=\"(max-width: 950px) 100vw, 950px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>Kinabukasan\u2014kanina\u2014maagang gumising at naligo si Papa.\u00a0 Pareho na silang nakabihis ng nanay ko noong ako\u2019y napadilat na.\u00a0 Maligo na raw ako\u2019t sumabay sa kanila, idadaan muna namin sa pagawaan ang bisikleta bago sila pumunta sa Laguna.\u00a0 Pinanood namin ang pagkumpuni, nakangiti ang tatay ko habang binabaklas at ikinakabit ng mekaniko ang mga maliit na piyesa.\u00a0 Kami ng nanay ko naman, tumawid sa kabilang kalye, bumili ng gamot para sa high blood ni Papa.\u00a0 Nagbayad kami (kami = sila) ng 650 pesos para sa mga bagong-kabit na piyesa, dumiretso kami sa may eskuwelang pinapasukan ko para subukan ang bagong-gawang bisikleta.\u00a0 Sinubukan naming umiikot-ikot saglit, pansinin ko raw kung mabuway ba o may maling tunog sa mga piyesang bagong-kabit.\u00a0 Pagkatapos ko\u2019y si Papa naman ang pumedal, umiikot-ikot sa parking lot habang nakaupo sa isang sulok ang nanay ko\u2019t naninigarilyo.\u00a0 Bago kami naghiwa-hiwalay\u2014sila papunta sa probinsya\u2019t ako naman ay pabalik sa aking sariling pagbibisikleta\u2014kumain muna kami ng tapsilog sa malapit na tindahan.\u00a0 Sa maiksing biyahe mula parking lot papuntang tapsilogan, narinig ko ang pagsasalita ni Papa, tungkol sa mga bilin, tungkol sa mga plano. \u00a0<\/p>\n\n\n\n<p>Tulad lang ng mga araw naming pangkaraniwan.<br><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Samantala, mayroon kaming mga araw katulad nitong mga huling araw na nagdaan, itong mga araw ng pagdadalawang-isip: babangon at hihiga siya nang walang ngiti o kahit na anong imik na makukuha mula sa kanyang bibig; yayayain namin siya para kumain ng agahan o hapunan, tutugon siya ng isang malamig na \u201cmamaya na\u201d kung sinusuwerte kami\u2019t wasiwas lang ng kamay habang nakasubsob sa mga unan kapag minamalas; lalabas siya ng kuwarto para manigarilyo, o pupuslit ng pagkain habang hindi kami nakatapat sa mesa.\n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2019\/10\/01\/pagkukumpuni\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":4595,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[22,20,27,4,5,6,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4593"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4593"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4593\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4596,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4593\/revisions\/4596"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4595"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4593"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4593"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4593"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}