{"id":4610,"date":"2019-10-03T15:57:21","date_gmt":"2019-10-03T15:57:21","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=4610"},"modified":"2019-10-03T15:57:22","modified_gmt":"2019-10-03T15:57:22","slug":"kay-princess-arguelles-kung-bakit-kalilimutan-siya-pagkatapos-basahin-ito","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2019\/10\/03\/kay-princess-arguelles-kung-bakit-kalilimutan-siya-pagkatapos-basahin-ito\/","title":{"rendered":"Kay Princess Arguelles, Kung Bakit Kalilimutan Siya Pagkatapos Basahin Ito*"},"content":{"rendered":"\n<p><strong>*Galing sa lumang blog (2004-2006)<\/strong><\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"604\" height=\"393\" src=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/17840_227364202909_2833961_n.jpg\" alt=\"\" class=\"wp-image-4611\" srcset=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/17840_227364202909_2833961_n.jpg 604w, https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-content\/uploads\/2019\/10\/17840_227364202909_2833961_n-590x384.jpg 590w\" sizes=\"(max-width: 604px) 100vw, 604px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>I.<\/p>\n\n\n\n<p>Walang ibang ipinapabili si Princess Arguelles kay Mark Joseph Reyla kundi softdrink tuwing recess.&nbsp; Coke, yung nakalata dapat at hindi yung nasa bote.&nbsp; Tuwing tumutunog ang 10 a.m. bell, nag-aabot na si Princess ng singkuwenta pesos sa katabi niyang si Mark Joseph, at dumidiretso naman sa canteen si Mark Joseph para bilhin ang inuutos ng kanyang kaklase.&nbsp; Sa ganitong sistema binuo ang pundasyon ng kanilang relasyon sa loob ng section Ruby ng Saint John High School.<\/p>\n\n\n\n<p>II.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi mukhang prinsesa si Princess.&nbsp; Mukha siyang professional wrestler, yung lalaki.&nbsp; Matangkad, malaki ang katawan, maiksi ang kulot at naka-gel na buhok.&nbsp; Mukhang matanda para sa isang first-year high school.&nbsp; Si Mark Joseph naman, nasa tipo ng itsura ang pagiging kengkoy sa klase, ang class clown, ang kaklaseng hahayaang madapa o madulas ang sarili o magkunwaring hindi alam ang sagot sa recitation o magmamali-mali ng pagsasalita ng Ingles para mapatawa ang mga kaklase.&nbsp; Hindi sobrang pangit, walang matingkad na kapintasan, may sapat lang na mga katangian para makutusan o maimbentuhan ng mga bagong pangalan paminsan-minsan.&nbsp; &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>III.<\/p>\n\n\n\n<p>Siguro&#8217;y dahil sa pareho silang transferee, o dahil sa mas malaki ang katawan ni Princess kay Mark Joseph, o kaya&#8217;y dahil sa palaging ibinibigay ni Princess kay Mark Joseph ang sukli sa pambili ng kanyang Coke-in-can, anuman sa mga ito ang dahilan sa pagiging magkasundo nila.&nbsp; At palagi, kapag nagkukuwentuhan silang dalawa pagkagaling ni Mark Joseph sa canteen, palaging maririnig ang malakas na pagtawa ni Princess sa mga kakengkoyan na ginagawa ng bago niyang kaibigan.<\/p>\n\n\n\n<p>IV.<\/p>\n\n\n\n<p>Isang tipikal na Miyerkules, buwan ng Agosto, hindi dumating sa eskuwela si Princess.&nbsp; Unang pag-absent sa loob ng lagpas sa dalawang buwan ng pasukan.&nbsp; Hindi naman naalarma si Mark Joseph, nainis pa nga siya dahil wala siyang dagdag-baon noong araw na iyon.&nbsp; Hindi dumating si Princess sa sumunod na araw, at sa sumunod, hanggang sa natapos ang buong Agostong hindi siya pumapasok.<\/p>\n\n\n\n<p>V.<\/p>\n\n\n\n<p>May sakit daw si Princess, yun ang kuwento ni Shiela Geronga, yung taga-ibang section na kapitbahay ni Princess.&nbsp; Sabi ni Shiela, may problema raw sa regla si Princess.&nbsp; Matagal daw na hindi madadatnan, mga dalawang buwan.&nbsp; Pagkatapos ay magkakaroon, dire-diretso, walang tigil.&nbsp; Mga lagpas isang buwan kung magkaroon, pagkatapos mawawala uli.&nbsp; Minsan may lumalabas pang mga namuong piraso ng dugo.&nbsp; Abnormal daw iyon, sabi ni Shiela.<\/p>\n\n\n\n<p>VI.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi totoo yun, yun naman ang sinasabi ni Mark Joseph.&nbsp; Hindi mapagkakatiwalaan ang kuwento ni Shiela Geronga, dahil hindi siya nagpapalit ng panyong ginagamit araw-araw.&nbsp; Napansin ito ni Mark Joseph noon pa, kapag nakikita niya si Shiela.&nbsp; Iisa lang ang dalang panyo, yung may disenyo na parang balat ng tigre, palaging ganun araw-araw, hindi nagbabago.&nbsp; Hindi dapat paniwalaan ang mga babaeng hindi marunong magpalit ng panyo, yun ang sinasabi ni Mark Joseph kapag naririnig niya ang mga kuwento tungkol kay Princess.<\/p>\n\n\n\n<p>VII.<\/p>\n\n\n\n<p>Kalagitnaan ng Setyembre, Lunes ng umaga, sa flag ceremony ng St. John High School, sinabi ng principal sa harap ng mga nakapilang estudyante na patay na si Princess Arguelles.&nbsp; Namatay sa isang Uterine Fibroid Tumor, Myoma, cancer.&nbsp; Dahil palaging hindi umaabot sa flag ceremony si Mark Joseph, sa kaklase na lang niya nabalitaan ang nangyari.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>VIII.<\/p>\n\n\n\n<p>Buong araw na nag-lecture ang mga teacher nina Princess at Mark Joseph tungkol sa halaga ng buhay at kamatayan.&nbsp; Iba-iba ang atake ng mga guro-biglang nag-lecture tungkol sa reproductive system si Ms. Lily Lopez ng Science; Nagpa-sharing si Mr. Patrick Roces ng Values Education; Pina-round robin ni Mrs. Tantioco ng Religion ang lahat ng mysteries sa Rosary at nagpakanta siya ng Lift Up Your Hands; Nagbigay ng bonus points si Mr. De Veyra ng Math; Nagpauwi nang maaga ang adviser na si Mrs. Elsa Salido.<\/p>\n\n\n\n<p>IX.<\/p>\n\n\n\n<p>Sumama si Mark Joseph noong nag-imbita ang kanilang adviser na pumunta sa burol ni Princess.&nbsp; Kasama ng iba pang mga guro at kaklase, nakarating si Mark Joseph sa isang chapel ng isang subdivision na malayo sa kanilang village, isang lugar na hindi pa niya nabibisita. &nbsp; At doon, sa isang puting ataul, nasilip ni Mark Joseph ang kanyang kaklaseng bigla-biglang nawala-malaki ang ipinayat nito, tagos sa makapal na foundation ang mga gatla sa pisngi at ilalim ng matang dulot ng biglang pagbaba ng timbang.&nbsp; Naka-powder blue na bestida si Princess, bestidang gawa sa seda.&nbsp; May suot din siyang pilak na kuwintas at hikaw.&nbsp; Maayos ang pagkakasuklay ng buhok, mas humaba kesa sa natatandaan ng mga kaklase niya.&nbsp; Pero hindi pa rin mukhang prinsesa, naisip ni Mark Joseph.&nbsp; Hindi mukhang prinsesa. &nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>X.<\/p>\n\n\n\n<p>Bukod sa panghihinayang sa pagkawala ng dagdag na baon tuwing recess, hindi naman gaanong naapektuhan si Mark Joseph Reyla.&nbsp; Nagpatuloy siya sa pagpapakengkoy, sa pasadyang pagpapadulas o pagpapadapa sa sarili, sa pagkukunwaring hindi alam ang sagot tuwing recitation, sa pagpapakutos at pagpapaasar sa iba niyang mga kaklase.&nbsp; Minsan, naisipan ng isang kaklaseng tawagin siyang &#8220;Regla&#8221; dahil sa katunog ito ng apelyido niya, at pinagtawanan siya kasama ng mga kaklase niyang may apelyidong tulad ng &#8220;Calib-og&#8221; o &#8220;Hadapon.&#8221;&nbsp; Nagtawanan sila nang nagtawanan, sina Mark Joseph at ang kanyang mga kaklase.&nbsp; At hindi na tumigil ang kanilang kasiyahan.<br><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"Hindi mukhang prinsesa si Princess.  Mukha siyang professional wrestler, yung lalaki.  Matangkad, malaki ang katawan, maiksi ang kulot at naka-gel na buhok.  Mukhang matanda para sa isang first-year high school.  Si Mark Joseph naman, nasa tipo ng itsura ang pagiging kengkoy sa klase, ang class clown, ang kaklaseng hahayaang madapa o madulas ang sarili o magkunwaring hindi alam ang sagot sa recitation o magmamali-mali ng pagsasalita ng Ingles para mapatawa ang mga kaklase.  Hindi sobrang pangit, walang matingkad na kapintasan, may sapat lang na mga katangian para makutusan o maimbentuhan ng mga bagong pangalan paminsan-minsan.   \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2019\/10\/03\/kay-princess-arguelles-kung-bakit-kalilimutan-siya-pagkatapos-basahin-ito\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":4611,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[20,27,25,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4610"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4610"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4610\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4612,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4610\/revisions\/4612"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4611"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4610"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4610"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4610"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}