{"id":671,"date":"2011-08-01T16:15:14","date_gmt":"2011-08-01T16:15:14","guid":{"rendered":"http:\/\/vladgonzales.net\/blog\/?p=671"},"modified":"2011-08-01T16:15:14","modified_gmt":"2011-08-01T16:15:14","slug":"mga-taon-ng-gilalas","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/08\/01\/mga-taon-ng-gilalas\/","title":{"rendered":"Mga Taon ng Gilalas"},"content":{"rendered":"<p>1.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>May pagkasinungaling ang mga larawan dahil umaandar ito hindi sa prinsipyo ng panahon, ni hindi nga ito umaandar; nabubuhay ang larawan sa prinsipyo ng paghinto, ng pagbitin sa isang pagkaliit-liit na sandali.\u00a0 Sa gitna ng kasinungalingang ito, palagi akong naiimbitahan para magmasid, sa mga saglit na hinuli sa papel at lente, sa mga buhay na inilibing sa di-gumagalaw na paalala.\u00a0 Pinakaborito ko ang mga kasinungalingan ng ngiti, lalo iyong mga ngiti ng biyaherong makakaranas ng kanyang unang pagpasyal, \u00a0sa isang dayuhang lupain.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>2.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Gusto kong isiping lahat ng alaala\u2019y walking distance.\u00a0 Ang puno ng binayuyong inaakyat tuwing tag-init, sa mga oras na ubeng-ube sa pagkahinog ang mga bungang kawangis ng maliliit na duhat.\u00a0 Ang skateboard na pinag-aagawan ng magpipinsang nagpapasiklaban sa kalyeng pataas o pababa (depende sa kung paano titingnan).\u00a0 Ang mga kapitbahay na bawal makipag-usap sa ibang mga kapitbahay, lalo\u2019t puro babae sila\u2019t nasa trabaho ang mga magulang, ang mga kalarong sa habulan at taguan sa mga silid na dahop sa pagbabantay ng nakatatanda, ang pagkaripas sa likuran na gate pagdating ng nanay at tatay na walang kamuwang-muwang.\u00a0 Gusto kong sabihing umuuwi ako sa parehong kalye, sa parehong village, sa parehong bahay.\u00a0 Gusto kong sabihing naglalakad ako pauwi\u2019t napapabuntung-hininga\u2014hinga ng paghanga\u2019t pagkamangha\u2014pero mas madalas ay umuuwi akong tulog na ang lahat, madalas ay lampas na sa hatinggabi, nakatungo\u2019t dire-diretso.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>3.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Gusto kong ikuwento sa kanya ang kuwento ng dalawang mangingibig, abala sa pagpintura ng kanilang bagong pugad.\u00a0 Walang kuryente\u2019t inabot ng gabi ang pagpipinta\u2014iniisip kong ang pugad ay binabahiran ng mga pinakamatingkad na asul-dilaw-pula\u2014walang ilaw maliban sa ilang piraso ng kandila.\u00a0 Gusto kong ikuwento sa kanya ang kuwento ng mga pinturang sumiksik sa mga pagod na daliri, ang pagbabanlaw ng nakasusulasok na solvent, ang aksidenteng pagtapat ng de-thinner na mga kamay sa apoy ng walang kamuwang-muwang na liwanag.\u00a0 Isang eksena ng hiwaga, parang magic show ng mga payaso sa isang karaniwang kiddie birthday party.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>4.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Hindi ko mapigilan ang pagtawa noong una ko siyang nayakap.\u00a0 Naalala ko ang ginagawa naming kompetisyon ng kapatid ko\u2019t mga pinsan noong saglit na iyon.\u00a0 Ang aming paligsahan tuwing malakas ang ulan.\u00a0 Kami, ang kuya ko\u2019t mga pinsan, naghaharang ng malalaking bato sa tubig na dumadaloy sa kalyeng pataas o pababa (pababa, sa tantiya ng tubig).\u00a0 Palakihan ng mabubuong agos, pataasan ng kanya-kanyang water fountain.\u00a0 Naisip ko ang maraming tag-ulan noong niyakap ko siya.\u00a0 Natatawa ako, tinatanong niya kung bakit.\u00a0 Tumatawa ako\u2019t iniisip ang maraming eksena ng ulan, at ang pakiramdam na kahit anong hangin at tubig ang humampas sa aming katawan, doon lang naman sa oras na iyon (isang saglit, isang larawan), naniwala akong palagi akong magiging ligtas.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>5.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>May dalawang batang nagtagpo sa parke, sa may palaruan.\u00a0 Ikinukuwento ng isa ang isang namatay na kamag-anak.\u00a0 Bilang pakikiramay, iginawad ng kaibigan ang isang halik sa labi.\u00a0 Pareho silang nakatulog nang mahimbing pag-uwi sa kani-kanilang bahay.\u00a0 Hindi ko kayang ilarawan kung ano ang eksaktong anyo ng ikinukuwento kong pagkahimbing.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"1. &nbsp; May pagkasinungaling ang mga larawan dahil umaandar ito hindi sa prinsipyo ng panahon, ni hindi nga ito umaandar; nabubuhay ang larawan \n<a class=\"moretag\" href=\"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/2011\/08\/01\/mga-taon-ng-gilalas\/\"> [...]<\/a>","protected":false},"author":1,"featured_media":672,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":"","_links_to":"","_links_to_target":""},"categories":[3,22,20,4,7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/671"}],"collection":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=671"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/671\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":675,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/671\/revisions\/675"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media\/672"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=671"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=671"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/vladgonzales.net\/blog\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=671"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}